Alexxtott

6.9K 98 7
                                    

Hello Everyone! I'm Alexxtott, your handsome author, maniwala man kayo o hindi basta alam ko gwapo ako sa mata ng panginoon at sa mata ng nanay ko haha. Syempre dahil gwapo ako, may mga gusto lang akong sabihin sa mga nagbabasa at magbabasa ng mga akda ko. Alam kong hindi ako katulad ng mga famous author ngayon pero I'm just being enjoying writing and expressing my feeling toward writing. Bigyan niyo sana ako ng chance. The following are my rules and regulations and ordinance:

Una. Ako ang manunulat na hindi bumabase sa follower o reading. Ako yung manunulat na magsusulat lang dahil gusto ng utak ko at tinitibok ng puso ko. May magbasa man o wala masaya ako kasi nakita niyo tong akda ko.

Pangalawa. Medyo bastos po ang gwapo niyong otor, well ginagawa ko lang naman yun for the romantic scene ng mga characters sa kwento ko. I hate painful stories kaya wag kayong umasa na magbibigay ako ng sakit sa mga kwento ko. Kung meron mang kayong mabasa na masakit sa istorya ko, para lang yun sa challenges ng mga bida.

Pangatlo. Matagal akong mag update sa mga kwento ko, minsan sa isang buwan mga tatlo o apat lang ang na-a-update ko dahil sa kadahilanang wala akong WiFi at minsan lang ako magka-load. Pero sinusulit ko ang pag update pag may load ako, pasensya na mahirap lang ang gwapo niyong otor kaya ang naiipon ko sa allowance ko ay yun lang ang pina-pang load ko.

Pang-apat. Sorry sa mga grammars, sa typos. Cellphone lang po ang gamit ng gwapo niyong otor sa pag update kaya minsan nati-typos ako. Wala akong laptop kaya hindi perfect ang update ko. Sana maintindihan niyo mga babies ko haha.

Pang-lima. Sorry din sa mga songs na ginagamit ko. Old fashioned music kasi ang gusto ko, I'm obsess with it kaya yun ang naiisip kong ilagay sa mga kwento ko. And I'm a huge fan of Kathryn Bernardo kaya minsan naisasama ko siya sa mga updates ko.

Kung naghahanap kayo ng magandang quality ng mga story, hindi ako ang tipong nun. Kung ano man ang maisulat ko hanggang doon lang talaga pero gagawin ko naman ng maayos. At sana wag niyong kino-kumpara ako sa ibang manunulat, hindi po ako kasing galing nila. Hindi naman to bago sa akin pero iba parin ang galing nila. Gwapo lang po ako, gwapo yun lang po haha. Salamat sa mga nagbabasa at magbabasa ng mga gawang akda ko, naway nagustuhan ninyo ang kabaliwan ng gwapo niyong otor.

Salamat mga babies!

© Alexxtott 2020

Lagunzad Series 2: Love Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now