Kabanata 18

5.8K 191 50
                                    

Kabanata 18

Kulang

Umuungol na babae at lalaki, nakikita ko sa monitor habang sarap na sarap silang dalawa sa ginagawa. Naghahalikan sa harap ng maraming tao, sa paborito kong restaurant. Hindi umuwi ng ilang linggo dahil nasa ibang babae. Sinisi ako dahil hindi kami nabuhayan ng anak. Naging malamig sa akin, dahil nawalan kami ng anak. Umiiyak ako, nagmamakaawang wag niyang iwan at ipagpalit. Umiiyak ako dahil mahal ko siya, at ayokong mawala siya. Umiiyak ako dahil sawing-sawi sa kanya.

Ang babaeng umiiyak sa panaginip ko, babaeng punong-puno ng pighati at kabiguan. Babaeng napag-iwanan ng asawa. Babaeng iniwan dahil sa ibang babae. Ang babaeng tinalikuran para lang makabuo ng ibang pamilya sa ibang babae. Ang babaeng iyon ay ako. Ang babaeng iyon ay ako! Ako yung nasa panaginip ko. Ako yung umiiyak habang nakayuko at nagmamakaawa. Ako yung nawalan. Ako yung iniwan. Ako yung tinalikuran. Ako yung pinagpalit.

Nabuntis ang babae niya, pinipirma niya ako sa annulment paper. Huling pagkakataon ko na habulin siya at luhuran para magmakaawa ngunit hindi na nagawa, nilamon ng tubig, nahulog sa rumaragasang maduming ilog. Nabagok ang ulo, nawalan ng alaala at ngayon, muli niyang binalik para ano? Pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin noon, bumabalik siya? Pagkatapos ng mga masasakit na pangyayari sa akin noon, nandito siya para balikan ako? Seryoso 'to? Babalikan niya ako na parang wala lang? Babalikan niya ako na parang okay lang? Sa lahat-lahat ng ginawa niya, babalikan niya ako na parang walang nangyari noon!

Malamig ang luhang pumatak sa pisnge ko. Tahimik akong umupo habang sinasariwa ang mapait na nakaraan. Ang nakaraan na masakit ng balikan at alalahanin. Pinahid ko ang luha, tinignan ko ang lalaking mahimbing ang tulog sa tabi ko. Malamig ko siyang tinignan, malamig na malamig. Suklam na suklam sa kanya, mula sa dugo hanggang sa labas ng anyo ang galit ko sa lalaking ito. Ang sumira ng buhay ko. Ang nagpatikim sa akin ng pait. Ang sumira sa lahat ng meron ako. Ang lalaking minahal ko noon pero sinayang lang ako. Mapait akong ngumisi kasabay ng pagtulo sa luhang malamig.

"You take advantage of me, Alstaire Rustico Caponis…my unfaithful ex-husband," I said as cold as ice.

Tumayo ako, walang emosyon ang mukha. Pinulot ko ang bag kung saan nakalagay ang mga damit namin. Kaya pala pamilyar lahat ng ito sa akin, ang damit, ang amoy at ang lahat dahil ako pala iyon! Ako pala ang babaeng namatay dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya! Ako pala yung nawala! Ngumisi ako, funny that I was still alive. Sinuot ko ang puting bestida na may disenyong mga bulaklak, tinali ko ang buhok at pinakatitigan ang sarili sa salamin.

I am Anne Samantha Lauzon, a doctor. Mapait akong ngumisi bago lumabas ng kwarto at salubungin ang kalangitan. Dala-dala ko ang cellphone niya, tinawagan ko ang numerong binigay ni Brix. Sinagot niya ang tawag ko.

"Hello?"

Napahinga ako ng malalim, wala paring emosyon ang mukha.

"Brizo Ajax Malhotra, my friend. Can you get me here?"

"Who's this?"

Batid sa boses niya ang pagtataka.

"This is Anne Samantha."

Narinig ko ang pagsinghap niya.

"Oh, d-doc ganda? You remember me now?"

"Yes. Get me here. Trace me using the map, I'm waiting you."

Binaba ko ang tawag. Malamig at seryoso kong pinagmasdan ang karagatan. Ito na ang simula ng lahat. Simula sa lahat ng mga ginawa niya. Simula sa pinatikim niyang pait sa akin. This is the beginning of everything, my pain, my sorrow, and my revenge. Gagawin ko ang lahat para durugin din siya! Gagawin ko ang lahat para saktan siya at maranasan ang lahat ng sakit na natamo ko noon. Gagawin ko ang lahat matikman niya lang ang galit na nararamdaman ko ngayon. Ilang oras akong naghintay bago narinig ang paparating na pump boat.

Lagunzad Series 2: Love Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon