Paalam, Mapagpasaya ng Mga Tao!

1 0 0
                                    

Ni Lin Fan, Espanya

Akala ko mabuti'ng mga nagpapasaya ng tao, nung 'di pa ako nananalig sa . Mahinahon ang mga disposisyon nila, gusto sila ng lahat, 'di sila nakakasakit ng iba. Hinangad kong maging gaya nila. Dahil mula nung bata ako, siniksik sa isip ko ng lipunan ang mga gaya ng "Yaman ang pagkakasundo, kabutihan ang pagtitimpi," "May nakikita mang mali, manahimik na lang," At "Manahimik para sa sariling proteksyon." "Kung kaluguran ang kamangmangan, kahangalan ang maging mautak." Hindi, "Sa pananahimik sa kasalanan ng kaibigan." Isinaisip ko ang mga ideyang ito at isinabuhay. Hindi mahalaga kung pamilya at mga kaibigan o kakilala lang, 'di ako nakasakit sa sinuman, at laging sumunod sa gusto ng iba. Pinuri ako ng lahat dahil mabait ako sa mga tao at madaling pakisamahan. Nadama ko rin na para mabuhay sa madilim, at masamang lipunang ito dapat kang makisama sa nakapaligid sa iyo, dahil 'yon lang ang paraan para magkalugar ka. Nang tanggapin ko'ng gawain ng sa mga huling araw, makastigo't mahatulan ng salita Niya't maunawaan ang ilang , nakita kong mala-satanas na pilosopiya'ng mga prinsipyong 'to para mabuhay, mala-satanas na lason, hindi prinsipyong dapat panghawakan ng tao. Nakita kong sa pamumuhay sa ganitong paraan, lalo 'kong naging mapanlinlang, makasarili't kasuklam-suklam, satanikong disposisyon lang ang 'sinabuhay ko't 'di ako kawangis ng tao. Namuhi ako sa sarili ko't nagsisi sa Diyos.

No'ng 2018, naging pinuno ako ng distrito. Sa una, 'di ko ga'nong alam ang tungkol sa gawain ng . Yung ka-partner kong si Sister Liu, mahigit isang taon niya nang ginagawa ang tungkuling ito, naunawaan niya'ng iba't ibang aspeto ng gawain, kaya nagpatulong ako sa kanya tungkol sa problema ko, at malaki ang naitulong niya. Kalaunan, narinig kong binanggit ni Sister Liu na si Sister Zhang na pinuno ng isang iglesiang responsibilidad niya, matagal nang 'di ginagawa nang mabuti ang tungkulin niya, doktrina lang ang sinasabi sa pulong, mapagmataas, at ayaw tumanggap ng mungkahi o tulong ng iba. Naisip ko no'ng sandaling 'yon maaaring pagpapakita 'yon ng isang huwad na pinunong 'di gumagawa ng praktikal na gawain, at dahil alam 'yon ni Sister Liu, nagtaka 'kong bakit 'di niya tinanggal si Sister Zhang. Gusto ko sana siyang kausapin, pero naisip kong kasisimula ko pa lang at 'di ko gaanong kilala si Sister Zhang. Kung direkta akong magsasalita, baka pagsabihan ako ni Sister Liu na padalus-dalos at 'di ako maunawain. Dahil naisip 'yon, 'pinahiwatig ko lang kay Sister Liu ang nasasaloob ko, pero 'di niya 'yon ga'nong pinansin at hiniling niyang tulungan ko si Sister Zhang. Naisip ko, "Dapat alam niya'ng mga prinsipyo sa pagpapalit ng mga lider, kaya kung babanggitin ko 'yon uli, iisipin kaya niyang sinasabi kong 'di praktikal ang gawain niya? At tiyak na maiisip niyang nagdudulot ako ng problema't mahirap akong pakisamahan. Kung magiging sanhi 'yon ng gusot namin, Pa'no namin gagawin ang mga tungkulin bilang mag-partner?" No'ng sandaling iyon, nagpasiya akong huwag nang magsalita.

Ilang beses kong kinausap si Sister Zhang para ilantad at suriin ang mga isyu sa kanya. Bukod sa tumanggi siyang tanggapin 'yon, nakipagtalo siya sa 'kin. Hanggang sa nagsumbong ang mga kapatid na 'di gumagawa ng praktikal na gawain si Sister Zhang. Do'n ko lang natanto na mabigat ang problema ni Sister Zhang, at kung 'di namin agad malutas 'yon, maaantala'ng gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Kaya, binanggit ko uli kay Sister Liu na tanggalin si Sister Zhang. Pero sabi ni Sister Liu, "Naibigay na sa mga nakatataas ang mga sumbong na 'yan. Maghintay tayong malaman nilang puno't dulo bago natin siya tanggalin." Naisip ko, "Sa mga sumbong at pagsuri sa sitwasyon, makikita nating di gumagawa ng praktikal na gawain si Sister Zhang, puro kasabihan at doktrina lang ang sinasabi. Alam na namin na isa siyang huwad na lider, kaya ayon sa mga prinsipyo, dapat tanggalin siya agad." "Mga lider tayo ng distrito, at lumitaw ang isang huwad na lider sa iglesia, pero imbes na harapin agad 'yon, dinala pa natin 'yon sa nakatataas. Hindi ba't pag-antala 'yon at pagpayag na ipahamak ang mga kapatid ng isang huwad na lider? Pagpanig 'yon kay Satanas at pagsalungat sa Diyos!" Napakabigat na problema 'yon! Gusto kong banggitin uli 'yon kay Sister Liu, Pero naisip ko, no'ng huling banggitin ko 'yon, ayaw niyang palitan si Sister Zhang, at sinabihan niya ako na magiliw ko 'yong pakitunguhan. Nakita kong talagang magkasundo sila, kaya pag binanggit ko uli ang pagtanggal kay Sister Zhang, baka sabihin ni Sister Liu na masyado akong mayabang. Hindi kaya isipin niyang nagpapakitang-gilas lang ako? Nagpasiya akong huwag magsalita. Tutal iniimbestigahan na 'yon ng mga nakatataas sa 'min. Maghihintay na lang kami. Kaya, nagtimpi ako, at hindi nagsalita. Makalipas ang ilang araw matapos 'yong imbestigahan ng mga nakatataas, pinagsabihan kami dahil 'di namin 'yon inaksyunan agad, ginulo namin ang gawain ng iglesia at naantala'ng pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Pakikipagsabwatan daw 'yon kay Satanas at pinapahamak no'n ang mga kapatid. Nang marinig ko 'yon, talagang nalungkot ako. Natanto kong 'di ko 'sinagawa'ng katotohanang alam ko, 'di ko pinanindigan ang prinsipyo. Talagang pinagtanggol ko'ng isang huwad na lider. Pinagtakpan ko siya. Kaya, 'di ako nag-aksaya ng panahon na tanggalin siya. Pero pagkatapos no'n, sinisi ko lang nang konti ang sarili ko, di ko sinamantala'ng pagkakataong magsuri pa ng sarili. Kalaunan, natuklasan kong puro kasabiha't doktrina lang si Sister Liu, at 'di niya malutas ang mga problema ng mga kapatid. Nang sabihin ko'ng pagkukulang niya, ayaw niya 'yong tanggapin at nagtangkang makipagtalo. Walang nakamit sa gawain na responsibilidad niya, at nang pagsabihan siya ng mga nakatataas, di niya 'yon tinanggap, naging pabaya siya sa gawain, at natadtad ng mga reklamo. Nung panahong 'yon, gusto kong ilantad ang kalagayan niya, pero natanto kong bilang ka-partner niya, pananagutan ko rin kung sakaling pumalpak kami, at kung susuriin ko'ng problema niya, sasabihin niyang hindi ako maunawain, kaya hindi na 'ko nangahas na gawin 'yon. Sa halip, inaliw ko na lang siya at hinikayat na huwag maging negatibo. Pero matapos iyon, natanto ko na hindi nagbago si Sister Liu kahit na kaunti. Wala talaga siyang kamalayan sa sarili! Kung magpapatuloy 'yon, maaantala'ng gawain ng iglesia at mapapahamak ang mga kapatid. Natanto kong kailangan kong isumbong 'yon sa nakatataas sa lalong madaling panahon. Nagkataong nagsu-survey no'n ang iglesia, at pinagsulat ako ng ebalwasyon tungkol kay Sister Liu. Naghahanda na 'kong magsulat, pero naalala kong hindi alam ng karamihan sa mga kapatid ang ginagawa niya at suportado nila siya. Kaya, kung isusumbong ko'ng problema kay Sister Liu, sasabihin kaya nilang pakana ko 'yon at gusto ko siyang tanggalin, para ako na lang ang masunod sa lahat ng bagay? Maliban do'n, magka-partner kami sa tungkulin at marami siyang naitulong sa 'kin. Kung talagang matatanggal siya, magagalit kaya siya sa 'kin? Nag-isip akong mabuti, at nagpasiya sa huli na pagtatakpan ko ang mga detalye tungkol sa hindi niya paggawa ng praktikal na gawain o pagtanggap ng katotohanan. Pero pagkapasa ko no'n, hindi mawala ang pagkabalisa ko. Alam kong tinatago ko'ng totoo't nililinlang ang Diyos, nagkaro'n ako ng espirituwal na kadiliman. Nakakatulog ako pag nagbabasa ng , at wala 'kong natamong kaliwanagan sa mga pagtitipon. Hindi ko matuklasan ang mga problema ng mga kapatid. Araw-araw akong lito, at walang kalakas-lakas, naramdaman ko na tinalikuran na 'ko ng Diyos.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon