Kabanata 33

3 0 0
                                    

Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan?

Xiaohe Puyang City, Henan Province

Sa nakaraan, sa tuwing babasahin ko ang mga salita na ibinunyag ng Diyos tungkol sa kung paano hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, hindi ako naniwala na ang mga salitang ito ay naaangkop sa akin. Nasiyahan ako sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng salita ng Diyos, at nagawa kong tanggapin at kilalanin ang lahat ng sinabi ng Diyos bilang katotohanan—hindi alintana kahit gaano man nito tinusok ang aking puso o hindi sumunod sa aking mga paniwala. Bukod dito, gaano man karami ang mga kakulangan na ipinapamata ng aking mga kapatid, ito ay kinilala at tinanggap ko. Hindi ko sinubukang bigyang-katwiran ang aking sarili, kung kaya't inisip ko na ako ay isang tao na siguradong tumanggap sa katotohanan. Tanging ang mga tao na sadyang mayabang at makasarili at may mga paniniwala tungkol sa salita ng Diyos, mga hindi kinikilala na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan ay silang hindi tumatanggap sa katotohanan. Ganito ako kung mag-isip noon hanggang isang araw habang ako ay nakikinig sa "Fellowship and Preaching About Life Entry," ganap kung naintindihan ang ibig sabihin ng pagtanggap sa katotohanan.

Sinasabi nito: "Hindi sapat na basta lamang tanggapin na ang salita ng Diyos ay katotohanan, kailangan mo itong tanggapin sa iyong puso at hayaan ang katotohanan na magkaroon ng puwang sa iyong puso at gamitin ang kapangyarihan. Kailangan itong mag-ugat sa iyong puso at maging buhay mo ito. Ito ang totoong pagpapahayag ng pagtanggap sa katotohanan. ... Ano ang ibig sabihin ng tanggapin ito sa iyong puso? Kinikilala ng iyong puso na ang pangungusap na ito ay katotohanan at nagtataglay ng totoong pagkilala sa diwa ng katotohanan. Pagkatapos ay kailangang mong tanggapin nang lubos ang katotohanang ito at hayaan ito na magkaroon ng puwang sa iyong puso at mag-ugat dito. Pagkatapos, kailangan mong mabuhay ayon sa katotohanang ito at tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa katotohanang ito. Ito ang pagtanggap sa katotohanan. ... Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at ang pagkilala na ang salita ng Diyos ay katotohanan ay hindi nangangahulugan na tinanggap na ng isang tao ang katotohanan. Sa halip, ito ang lubusang pagkilala sa diwa ng katotohanan sa salita ng Diyos at ang pagtanggap dito sa iyong puso. Ito ay ang lubusang pagtanggi sa iyong mga paniniwala tungkol sa Diyos at mga dating maling pagkaintindi na iyong pinanghahawakan upang iyong matanggap ang salita ng Diyos bilang katotohanan at mabuhay ayon sa salita ng Diyos. Ito ang totoong pagtanggap sa katotohanan" ("Paano Malalaman na si Jesus Ang Katotohanan, ang Daan, at ang Buhay" sa Fellowship and Preaching About Life Entry II). Noong narinig ko ito, agad na nabigla ang aking puso. Kaya, hindi iyon ang naisip ko tungkol sa pagtanggap sa katotohanan. Pinakinggan ko ulit ito nang mabuti at sa wakas ay naintindihan ko kung ano ang ibig sabihin ng pagtanggap sa katotohanan. Ang kakayahang kilalanin nang pasalita na ang salita ng Diyos ay katotohanan o ang magawang tanggapin ang mga kakulangan na binabanggit ng ibang mga tao ay hindi totoong pagtanggap sa katotohanan gaya ng inisip ko. Ang ibig sabihin ng totoong pagtanggap sa katotohanan hindi lamang ang pagkilala sa salita ng Diyos bilang katotohanan, ito rin ay ang pagkilala sa diwa ng katotohanan at lubusang tanggapin ito sa iyong puso. Ito ay ang lubusang pagtanggi sa iyong mga dating paniniwala, pananaw at maling pagkaintindi. Ito ay ang pagpapahintulot na mag-ugat ang katotohanan sa iyong puso at magawang mabuhay ayon sa katotohanan. Ito ang totoong pagtanggap sa katotohanan.

Pagkatapos kong maintindihan ang lahat ng ito, nagsimula akong magnilay-nilay sa aking sarili: Naniniwala ako na ako ay isang tao na tumatanggap sa katotohanan, subalit natanggap ko na ba ang salita ng Diyos sa aking puso? Nagagamit ba ng katotohanan ang kapangyarihan sa aking puso? Tinalikuran ko na ba ang mga nakalipas na paniniwala at mga maling pagkaintindi na umiral sa aking puso? Pagkatapos ng maingat na pagsusuri sa aking sarili, aking natanto na hindi ko pa nagawa ang alinman sa mga ito. Halimbawa: Ibinunyag ng Diyos na walang totoong pagmamahal sa sangkatauhan, at lahat sila ay pinagsasamantalahan ang bawat isa. Kahit na ipinahayag ko nang pasalita ang aking pagtanggap sa katotohanan na sinabi ng Diyos, palagi ko ding ramdam sa aking puso na ang aking asawa, mga anak, at mga magulang at ako ay mayroong totoong pagmamahal sa isa't isa. Kinilala ng aking mga labi ang katotohanan na hindi gagawin ng Diyos na perpekto ang sangkatauhan batay sa kanilang katayuan, kundi kung ang katotohanan ba ay nasa kanila o hindi; subalit ang aking puso ay nananatili pa ring nakahawak sa aking personal na mga pananaw na kung mas mataas ang aking katayuan, mas lalo akong gagawing perpekto ng Diyos, kung mas mataas ang aking katayuan lalo akong titingalain ng mga ibang tao. Inisip ko na masisiyahan din ang Diyos sa akin. Samakatuwid, palagi akong nag-aalala tungkol sa pagtamo o pagkawala ng katayuan, at palagi akong hindi mapalagay tungkol dito. Kinilala ko sa pamamagitan ng aking bibig na sinabi ng Diyos na ang mga kahirapan at kapinuhan, at ang pakikitungo at pagpupungos ay ang pagmamahal ng Diyos, na pinaka-kapakipakinabang sa buhay ng tao. Ngunit hindi ko hinangad na intindihin ang diwa ng katotohanan ng mga salitang ito o kinilala kung gaano kamahal ng Diyos ang sangkatauhan at kung paano ipinahayag ang pagmamahal ng Diyos, hanggang sa hindi ko gustong tanggapin ang Diyos na gumagamit ng mga tao, mga usapin, at mga bagay na hindi naaayon sa aking mga paniniwala upang pinuhin ako at pakitunguhan ako, maging hanggang sa punto na ako ay magreklamo at magmaktol tungkol dito. Alam ko na ang kahilingan ng Diyos na maging matapat ang mga tao ay mahalaga, ngunit hindi ko ito iginiit na isagawa o kaya ay pasukin ito. Palagi pa rin akong nagsisinungaling at nandaraya para sa aking sariling dignidad. Pagkatapos nito, hindi ko ginusto na lantarang ipahayag ang katotohanan. Kapag nakakaranas ng problema na nangangailangan ng pisikal na paghihirap habang ginagagawa ko ang aking mga tungkulin, nagsisimula akong magtrabaho nang walang gana at hindi ko lubusang maibigay ang aking sarili sa aking mga tungkulin. Tinatanggap ng aking bibig na sinabi ng Diyos na hanapin ang Kanyang kalooban sa lahat ng bagay at kumilos alinsunod sa kanyang mga kagustuhan, ngunit sa tunay na buhay kapag hinaharap ko ang mga problema, ginawa ko ang mga bagay-bagay ayon sa ninanais ko at alinsunod sa aking kalooban. Lubusan kong isinantabi ang Diyos sa aking isip. Bukod dito, kapag sinasabi ng ibang tao ang aking mga kakulangan na ako ay masyadong mayabang at ginagawa ko ang mga bagay sa sarili kong pamamaraan, hindi tinatanggap ng aking puso ang kanilang mga pamumuna. Ngunit natakot ako na sabihin ng iba na hindi ko tinatanggap ang katotohanan, kung kaya ako ay tumatango at kinikilala ang katotohanan kahit ito ay labag sa aking kalooban. Ngunit sa katunayan, hindi ko isinaalang-alang ang kanilang mga pamumuna, kung kaya hindi pa rin ako nagbago hanggang sa araw na ito. Mapagmalaki at mayabang pa rin ako kagaya ni Satanas. ... Maraming bagay tungkol sa akin ang nagpapahiwatig na hindi ko pa tinanggap ang katotohanan. Subalit nang makita ko na ibinubunyag ng salita ng Diyos na hindi tinatanggap ng lahat ng tao ang katotohanan, hindi ko tinanggap ang salita ng Diyos bilang katotohanan, at hindi ko sinubukang intindihin ang diwa ng salita ng Diyos at sinuri ang aking sarili. Sa halip, inisip ko na ako ay kataliwasan sa salita ng Diyos at itinuring ko ang aking sarili bilang isang taong tumanggap na sa katotohanan. Hindi ba ito ang pinakamalinaw na paghahayag ng hindi pagtanggap sa katotohanan? Sa panahon na iyon, nakita ko ang sarili ko bilang isang tao na hindi tumanggap sa katotohanan sa anumang paraan. Ang aking mga tinaguriang paghahayag ng pagtanggap ko sa katotohanan ay lubos na mga panlabas na gawa lamang; ito ay maling pagpapanggap na wala sa kalingkingan ng pagtanggap sa katotohanan. Hindi ko kilala ang sarili ko, totoong hindi ko kilala ang sarili ko! Noong mabatid ko ito, hindi ko mapigilang matakot. Alam ko na naniwala ako sa Diyos sa mga nakalipas na taon subalit ako ay nabuhay sa labas ng Kanyang mga salita. Hindi ko totoong natanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Isa lamang akong hindi naniniwala sa aking puso nang wala ang Diyos at walang katotohanan sa aking buhay. Kung nagpatuloy ako sa aking ganitong paniniwala, kailanman ay hindi ko maisasabuhay ang salita ng Diyos. Hindi ako kailanman makakawala sa impluwensya ni Satanas at mailigtas at maging perpekto. Sa kabaliktaran, ako ay ikokondena ng Diyos at mahuhulog sa Kanyang kaparusahan.

Purihin ang Diyos sa paggabay sa akin at pagpapahintulot sa akin na maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng totoong pagtanggap sa katotohanan; sa pagtulot sa akin na makita na ang aking nakaraang kaalaman at mga pagsasagawa ay masyadong kakatwa at hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Gusto kong magsimula muli at ituon ang aking mga pagsusumikap sa pagtanggap sa diwa ng katotohanan sa aking puso sa lahat ng sinabi ng Diyos at isakatuparan ko ito sa aking pagsasagawa. Gusto kong mabuhay ayon sa katotohanan, maging isang tao na totoong tumatanggap sa katotohanan.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoWhere stories live. Discover now