Kabanata 29

2 0 0
                                    


Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!

Xiaowei Lungsod ng Shanghai

Ilang panahon na ang nakaraan, kahit na lagi akong nakakatanggap ng ilang mga inspirasyon at pakinabang kapag ang kapatid na siyang nakisama sa akin ay nagbahagi ng pagliliwanag na kanyang nakuha habang kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, lagi rin akong nagkakaroon ng hindi maalis-alis na pakiramdam na siya'y nagyayabang. Iniisip ko sa sarili ko, "Kung sasagot ako sa kanya ngayon, hindi ko ba siya binubuyo? Sa ganoong diwa, hindi ba ako magmumukhang mas mababa sa kanya?" Bilang resulta, tumanggi ako na ilabas ang aking sariling mga pananaw sa usapan o magkomento sa anumang mga kaisipan na kanyang ibinahagi. Minsan, ang aking kapatid, ay nakakuha ng ilang mga kabatiran mula sa pagkain at pag-inom ng isang partikular na sipi ng salita ng Diyos, at nakaramdam na para bang may mali sa aming sitwasyon at tinanong ako kung payag ba akong pag-usapan kasama siya iyong sipi ng salita ng Diyos. Sa sandaling nagtanong siya, ang lahat ng mga saloobin at pakiramdam na ito ng hinanakit ay lumutang sa ibabaw: "Gusto mo lang magpatotoo sa iyong sarili, para magkaroon ng makikinig para pangaralan. Bakit ako dapat makipag-usap sa iyo?" Umabot pa ako sa punto na hindi ako dumalo ng pulong para lang hindi ko siya mapakinggan. Maya-maya, nakaramdam ako ng kabigatan sa aking puso, alam ko na may mali sa aking sitwasyon, ngunit hindi ako makapag-isip ng magandang paraan para malutas ang aking sariling panloob na sigalot. Ang tanging magagawa ko ay ituon nang todo ang aking sarili sa aking mga sariling tungkulin, kumain at uminom ng salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno para ilihis ang aking sarili mula sa mga negatibong pakiramdam na ito. Gayun pa man, kapag kailangan kong harapin ang kasalukuyang sitwasyon, ang parehong katiwalian ay umuusbong sa aking puso—lumalala ang mga bagay, hindi bumubuti—wala akong ideya kung ano ang gagawin tungkol dito.


Makalipas ang ilang araw, nagkaroon ako ng pagtatalo sa kapatid habang nakikipag-usap. Sinabi ng kapatid: "Kamakailan, ikaw ay napakatahimik habang nag-uusap-usap, mukhang may mali sa iyo nitong mga nakaraan." Naramdaman ko na parang isang suntok sa bituka ang mga salitang iyon, ngunit para hindi mapahiya itinanggi ko na mayroong anumang problema. Noong mga panahon na iyon ang dating sa akin ay napakaarogante na ng kapatid: Mukhang nagsasalita na siya nang walang pakialam sa aking sariling dignidad at naramdaman ko na mababa na ang kanyang tingin sa akin. Biglang nagbalik ang lahat ng lumang tiwaling kaisipan. Habang nagpupumiglas ako, lalong naging masama ang aking espiritu; nawalan na ako ng ugnayan sa Diyos. Pakiramdam na talagang wala nang magawa, lumuhod ako sa harapan ng Diyos at nanalangin na bigyan Niya ako ng kaliwanagan sa aking tunay na katayuan. Sa kalagitanaan ng panalangin, dumating sa akin ang salita ng Diyos: "Silang itinuturing ang gawain ng Banal na Espiritu bilang isang laro ay di-seryoso!!" ("Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawa ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Maya-maya, napunta ako sa mga sumusunod na sipi: "Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang kumikilos sa ilang mga tao na ginamit ng Diyos, ngunit mas higit pa sa iglesia. Siya ay maaaring kumikilos sa sinuman. Siya ay maaaring kumilos sa iyo ngayon, at pagkatapos mong maranasan ito, Siya ay maaaring sunod na kumilos sa iba. Sumunod ng maigi; mas sinusunod mo ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang iyong buhay. Sundin sila kung saan ang Banal na Espiritu ay kumikilos, kahit anumang uri ng tao siya. Kunin ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at makatatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa nito ay makikita mo ang mas mabilis na pag-unlad. Ito ay ang landas ng pagiging perpekto para sa tao at paraan para lumago ang buhay. Ang landas tungo sa pagiging perpekto ay maaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa mga gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung anong uri ng tao ang gagamitin ng Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng kung anong tao, pangyayari, o bagay na dadalhin Niya sa iyo na pakinabangan at tutulungan kang makakuha ng ilang mga pananaw. Kung magagawa mong lumakad sa tamang daan na ito, ito ay nagpapakita na may dakilang pag-asa para sa iyo upang gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo ito magagawa, ito ay nagpapakita na ang iyong hinaharap ay kapanglawan at isang kadiliman" ("Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagbabasa ng siping ito, napagtanto ko na nagulantang: Sa buong panahong ito, tinututulan ko ang gawain ng Banal na Espiritu! Sa mga araw na ito, laging nakakatanggap ang aking kapatid ng pagliliwanag mula sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, mayroon siyang ilang pasanin sa kanyang tungkulin at sa buhay ng iba, at masayang sumusuporta at tumutulong sa iba; malinaw na ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa kanya. Dapat akong maging masunurin sa gawain ng Banal na Espiritu at tanggapin ang kanyang tulong, ngunit sa halip aking nakita na nagyayabang ang aking kapatid, iniisip na gusto niya lang mapatunayan na mas magaling siya kaysa sa iba. Bilang resulta, tinanggihan ko ang kanyang mga kabatiran, at tumangging makipag-usap kasama siya. Kumilos ang Diyos sa pamamagitan ng kapatid para ipakita sa akin ang aking katayuan at tulungan ako at ang tanging ginawa ko ay magbuo ng hinanakit at maling palagay at ituring siya bilang aking kaaway. Sa panlabas, mukhang ito lang ay isang sigalot sa pagitan ko at ng kapatid, ngunit sa katotohanan, nakikipaglaban ako sa Diyos! Hindi ko ba itinatakwil at tinututulan ang gawain ng Banal na Espiritu? Naging madaya, pangit, arogante, at pasaway ako! Para hindi mapahiya at mapangalagaan ang aking katayuan, tinanggihan ko na isantabi ang aking sarili para makatanggap ng kanyang tulong at tinanggihan pa, iniwasan at hinatulan siya sa kanyang pakikipag-usap! Ni walang makitang maliit na dahilan o pagiging tao! Sa puntong ito, napagtanto ko na hindi talaga ako namumuhay sa pagsunod at takot sa Diyos, hindi ko minahal ang katotohanan at ako'y bulag sa mahalagang gawain ng Banal na Espiritu sa aking kapatid. Sa halip, inuna ko ang aking sariling personal na katayuan at kayabangan kaysa sa anumang bagay. Mas gugustuhin ko pang iwan ang gawain ng Banal na Espiritu kaysa mapahiya. Paano naiiba ang aking mga pagkilos sa kilos ng mga relihiyosong lider, na, para matiyak ang kanilang kasikatan at katayuan, ay tinutulan at kinondena ang Diyos habang nalalaman na ito ang daan sa katotohanan? Hindi ba ako ay isang taong walang-pakialam na, tulad ng sinabi ng Diyos, na nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu bilang isang laro? Habang nagbabalik-tanaw, napagtanto ko na ang Banal na Espiritu ay hindi lang kumikilos sa kapatid, sinusubukan din Niya akong pabutihin, para buksan ang aking mga mata at makakuha ng isang bagay mula sa proseso. Ano ang ginawa ko bilang kapalit? Ako'y naging arogante at mayabang at tinanggihan ang biyaya ng Diyos sa bawat sandali. Gaano karaming oportunidad ang aking napalampas para maging perpekto, para maliwanagan at makakuha ng mas maraming kabatiran sa mga katotohanan! Ako'y naging napakahangal, napakabobo!

Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng mas matinding sama ng loob at pagkakasala para sa lahat ng aking nagawa, kaya nagdasal ako sa Diyos, "Diyos, ako'y naging bulag, hangal, at arogante, at walang paraan na maging karapat-dapat sa gawain na Iyong isinagawa sa akin o para maperpekto Mo. Diyos, salamat sa Iyong paggabay at pagliliwanag, sa pagpapakita sa akin ng aking sariling kamangmangan at kahangalan. Pangako sa Iyo, mula ngayon, kung sino man sa aking mga kapatid ang nakikipag-usap, basta't sila'y nagsasalita ayon sa salita ng Diyos o sa kalooban ng Diyos, ako'y susunod, tatalima, at tatanggap, dahil ito ang landas tungo sa pag-unlad ng aking buhay at isang tanda ng Iyong pagpapala. Hindi ako susunod sa sinumang tao, ngunit sa halip ay sa lahat ng mga positibong bagay na galing sa Iyo. Ito ay pagkakataon para matanggap ang Iyong pagpeperpekto. Kung ako'y muling susuway o magrerebelde laban sa Iyo, hinihiling ko na bigyan Mo ako ng kaparusahan."

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoWhere stories live. Discover now