Kabanata 48

3 0 0
                                    

Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Suxing Lalawigan ng Shanxi

Ako ay taong arogante at masyadong bilib sa sarili at ang katungkulan ay ang aking kahinaan. Sa loob ng maraming taon, nakatali ako sa reputasyon at katungkulan at hindi ko nagawang makalaya mula dito. Paulit-ulit akong naitaas at napalitan; nagkaroon ako ng maraming kabiguan sa aking katungkulan at mga problema sa pagdaan ng panahon. Pagkatapos ng maraming taon na ako ay pinakitunguhan at nagawang pino, naramdaman ko na hindi ko sineseryoso ang aking katungkulan. Ayaw kong maging kaparis ng aking nakaraan na inisip na hangga't ako ay isang pinuno, maaari akong gawing perpekto ng Diyos at kung hindi ako pinuno, wala akong pag-asa. Naunawaan ko na kahit ano pa ang tungkulin na aking tinutupad, kinakailangan ko lamang hanapin ang katotohanan at ako ay gagawing perpekto ng Diyos; ang paghahangad sa reputasyon at katungkulan ay paraan ng anticristo. Ngayon, pakiramdamn ko'y kahit ano pang tungkulin ang aking tinutupad, matatanggap ko ang hindi magkaroon ng katungkulan. Batas ng langit at lupa na ang nilikha ay tumutupad sa kanyang papel. Kahit saan ka pa nailagay, dapat mong tanggapin ang mga kaayusang ginawa ng Diyos. Kapag ang katiwalian ng pagiging tanyag at katungkulan ay nailantad, ito ay malulunasan sa pamamgitan ng paghahanap sa katotohanan. Kahit ano pa ang aking makaharap habang tinutupad ko ang aking tungkulin, basta nauunawaan ko ang katotohanan, nakahanda akong bayaran ang kapalit. Sa dahilang ito, akala ko na nakapaglakad na ako sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Akala ko nabawi ko na ang katauhan at katwiran. Sinusuri ng Diyos ang puso at sinisiyasat ang isip. Alam Niya na hindi ako malinis sa aking paghahanap sa katotohanan, at na hindi ako tunay na naglalakad sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Alam ng Diyos kung anong paraan ang gagamitin para ako ay linisin at mailigtas.

Sa katapusan ng Hunyo 2013, napalitan ang pinuno dito. Pagkatapos, pinili ako ng mga kapatid para maging bagong pinuno. Hinayaan ako ng pamilya ng Diyos na bumangon at gawin ang gawain. Noong narinig ko na gagampanan ko ang ganoong napakalaking responsibilidad, naramdaman ko na hindi ko taglay ang realidad ng katotohanan at na hindi ko makakaya ang gawain. Napakalaki ng saklaw nito at napakaraming mga kapatid. Paano ko sila pamumunuan? Napakaraming napalitang mga taong nagtataglay ng mas maraming panloob na katangian kaysa sa akin. Paano ako magiging mas mabuti? Hindi kaya ito maglalantad sa akin? Hindi ako nakahanda na dumanas ng mga ginhawa at paghihirap. Basta't natutupad ko ang aking mga tungkulin, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya saanman ang kinakailangang gawain. Kung kaya tumanggi ako kaagad. "Hindi, wala akong kakayahan para sa gawaing ito. ..." Nasabi ko ang lahat ng uri ng mga katwiran at mga dahilan. Lubos kong pinaniwalaan na ako ay may katwiran sa ginawa kong ito at na ito ang katotohanan. Paglaon, nabatid ko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking mga kapatid na taglay ko ang lason ng malaking pulang dragon sa aking kalooban; ito ay, "Habang mas mataas ang iyong naaakyat, mas matindi ang iyong pagkahulog" at "Habang mas mataas ang iyong naaakyat, mas lalong lumalamig." Hindi ko gustong mapahirapan ulit ng katungkulan. Kahit na sa pangangatwiran alam ko na ang dahilan kung bakit ang mga tao ay natatanggal ay dahil hindi nila hinanap ang katotohanan at ang kanilang mga kalikasan ay napakasama at ginawa nila ang lahat ng mga uri ng kasamaan; subalit, sa likod ng aking isip, naniwala ako na kung hindi ako isang dakilang pinuno, kung gayon, wala nang mga pagkakataon para makagawa ng masama; ito ay proteksyon para sa aking sarili. Pagkatapos naisip ko, ang kasalukuyan kong pamilya ay wala na, ang mga pag-asa sa aking hinaharap ay wala na, at ako ay tinutugis ng malaking pulang dragon. Kung ako ay maging isang dakilang pinuno, at sa huli, masasaktan ko ang disposisyon ng Diyos at mapatalsik dahil hindi ko taglay ang katotohanan, kung gayon, hindi ako talaga makapagpapatuloy na mabuhay. Dahil nakatali ako sa mga pananaw at lason na ito, nabuhay ako sa kadiliman at pagdurusa. Sa aking paghihirap, napilitan akong tumawag sa Diyos: "O Diyos ko, sa pagharap ko sa responsibilidad na ito, alam ko na ako ay Iyong pinarangalan. Alam ko na ang pagtanggi ko sa responsibilidad na ito ay pagtaksil sa Diyos at hindi ako mangangahas na gawin ito. Natatakot ako na manawagan sa matinding galit ng Diyos. Ngunit sa ngayon, nabubuhay akong nakatali sa lason ni Satanas at hindi ko magawang makawala dito. Lubos akong natatakot sa pagpapasan sa malaking responsibilidad na ito, natatakot ako na ang aking kalikasan ay mapanganib, na hindi ko taglay ang katotohanan at na ako ay mapaparusahan sa paggawa ng malaking kasamaan. O Diyos ko, ako ay nasasaktan at lalong nalilito. Hindi ko alam kung ano ang kaligtasan o kung paano sumuko sa Diyos. Hinihingi ko sa Iyo Diyos ko na tulungan mo ako at iligtas ako." Sa aking pagdarasal, binigyan ako ng Diyos ng pagliliwanag sa mga salitang "Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa": "At ang kaalaman ninyo sa Akin ay higit pang malayo kaysa di lang pagkakaunawaan, higit pa rito, nariyan ang inyong paglapastangan laban sa Espiritu ng Diyos at panlalait sa langit. Kayat sinasabi Ko sa inyo na ang ganitong uri ng pananampalataya ang magiging sanhi ng inyong lalo pang paglayo sa Akin at mas higit pang pagsalungat laban sa Akin. Sa paglipas nang maraming taong paggawa, marami nang katotohanan ang inyong nakita, subalit alam ba ninyo kung ano ang narinig ng Aking mga tainga? Ilan sa inyo ang handang tanggapin ang katotohanan? Naniniwala kayong lahat na handa kayong bayaran ang halaga para sa katotohanan, ngunit ilan na ba ang totoong nagdusa dahil sa katotohanan? Ang lahat nang nasa inyong mga puso ay kasamaan, kaya pinaniniwalaan ninyo na ang bawat isa, kahit sino, ay tuso at manloloko." Ang mapanghatol na mga salita ng Diyos ay parang nakakabinging kulog, na naging dahilan para ang aking pagkalito at paghihirap ay maging takot at panginginig. Lalo na, "paglapastangan laban sa Espiritu," "panlalait sa langit," at "Ang lahat nang nasa inyong mga puso ay kasamaan," ang mga salitang ito ay parang tabak na tumagos sa aking puso, ipinaparamdam sa akin ang pagkamatuwid, kadakilaan, at matinding galit ng disposisyon ng Diyos. Nakita ko na ang aking kasalukuyang sitwasyon ay tunay na tumututol sa Diyos at nilalapastangan ang Diyos at na ito ay nakapalubha! Dahil dito ang aking rebeldeng puso ay nagbago at humandusay ako sa harapan ng Diyos para sumuko sa Kanya. Sinuri ko kung ano ang nailantad tungkol sa aking sarili. Hindi ko alam kung ilang beses kong naranasan ang paghahatol at pagkastigo ng Diyos sa paglipas ng mga taon, ngunit hindi lang sa hindi ko kilala ang Diyos, sa katunayan ay mali ang pagkaunawa ko sa Kanya at maingat sa Kanya, na nagpalala dito. Sinisi ko ang Diyos sa lahat ng hindi makatarungan na parang ang gawain ng Diyos ay malaking abala para sa tao. Pagkatapos ng maraming taon ng pagdanas sa gawain ng Diyos, ang aking relasyon sa Diyos ay hindi naging mas malapit o regular; sa halip, lalo akong humiwalay at naging malayo sa Diyos. Nagkaroon ng malaking siwang sa pagitan namin ng Diyos at hindi ko ito magawang tawirin. Ito ba ang aking nakamtan pagkatapos ng lahat ng mga taong ito? Sa oras na ito, nabatid ko na ang aking makasarili at kalunos-lunos na kalikasan ay itinutulak ako na talikuran ang aking konsensya. Nakalimutan ko ang ibinuwis ng Diyos para sa akin; nakalimutan ko ang Kanyang pagliligtas at pagpapalago sa akin. Sa oras na ito, nagdasal ulit ako sa Diyos: "O Diyos ko, hindi na ako mabubuhay sa lason ni satanas, hindi ko na sasakatan ulit ang Iyong puso. Nakahanda akong tanggapin ang paghahatol at pagkastigo ng Diyos at talikuran ang aking maling mga pananaw." Pagkatapos nito, binasa ko ang sermon na inilabas noong Hunyo 15, 2013 mula sa itaas: "Ang lahat ng hindi nagmamahal sa Diyos ay nasa landas ng anticristo at tuluyang maibubunyag at maaalis. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pagligtas at paggawang perpekto sa mga tao at bawat masamang tao na hindi maililigtas ay maibubunyag at maaalis. Samakatuwid, bawat tao ay susunod sa kanyang kauri. Bakit nakaparaming tao ang nailalantad na gumagawa ng masama gamit ang kanilang katungkulan at kapangyarihan? Hindi dahil ang kanilang katungkulan ay nakakasakit sa kanila. Ang pangunahing problema ay ang diwa ng kalikasan ng tao. Ang katungkulan ay tiyak na magbubunyag sa mga tao, ngunit kung ang taong may mabuting puso ay may mataas na katungkulan, kung gayon, hindi sila gagawa ng iba't-ibang gawain na masama. Ang ilang tao na walang katungkulan ay hindi gagawa ng masama. Sa panlabas na anyo, mukha silang mabubuting tao, ngunit kung magkaroon sila ng katungkulan, gagawa sila ng lahat ng uri ng kasamaan." ("Kailangan Ninyong Maranasang Pumasok sa Realidad ng Katotohanan ng Salita ng Diyos Upang Makamit ang Pagpeperpekto ng Diyos" sa Ang Pangangaral at Pagbabahagi ng Itaas). Sa pamamagitan ng pagbabahaging ito, nakita ko kung gaano kakatwa at katawatawa ang mga pananaw na nandito sa aking puso. Kung makakalakad man o hindi ang sinuman sa landas ng paghahanap sa katotohanan ay hindi nakabatay sa pagkakaroon o kawalan ng katungkulan, at hindi ang pagkakaroon ng katungkulan ang magpapahirap sa paglalakad sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Ang susi ay nakasalalay sa kung ang kalikasan ng tao ay magiliw sa katotohanan o hindi at kung mahal ng tao ang Diyos o hindi. Akala ko na sa maraming taon kong "pagpigil sa aking sarili," hindi ko sineryoso ang aking katungkulan at inisip ko na ako ay parang damo na hindi makuhang maging isang malaking puno at nakaya kong maging matapat sa paghahanap sa katotohanan at sa pagtupad sa aking mga tungkulin. Hindi na ako kagaya ng dati na nakakaramdam ng sakit, panghihina, pagkanegatibo at kasiraan ng loob kapag nakita ko ang pamilya ng Diyos na itinataguyod ang ibang tao sa halip na ako. Dahil sa mga paghahayag na ito, naniwala ako na ang aking disposisyon ay nagbago na nang kaunti at ako ay naglalakad na sa landas ni Pedro. Ngayon, sa liwanag ng mga katibayan at katotohanan, nakita ko nang malinaw ang aking mga tunay na kulay: Hindi ko talaga pinapakawalan ang aking katungkulan, kundi, ako ay naging mas matalino at tuso. Pagkatapos ng maraming beses na pakikitungo dito, hindi ko ibinibigay ang aking puso sa Diyos at matapat na hinahanap ang pagmamahal sa Diyos. Sa halip, pinag-iingatan ko ang aking sarili. Palagi kong pinagtutuunan sa aking isipan ang aking kapakanan sa hinaharap. Itinanim ko ang kakatwang pananaw sa aking puso na "Ang mga matataas na katungkulan ay hindi ligtas." Paano ko ipinapakita ang pagmamahal sa Diyos at lumalakad sa landas ni Pedro?

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoWhere stories live. Discover now