Ipinakita sa Akin ng Katotohanan ang Daan

2 0 0
                                    

Ni Shizai, Japan

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago sa kanilang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang disposisyon mo ay hindi pa nahatulan at nakastigo ng salita ng Diyos, ang disposisyon mo ay kumakatawan pa rin kay Satanas, na nagpapatunay na pinaglilingkuran mo ang Diyos ayon sa iyong mabuting intensiyon, na ang paglilingkod mo ay batay sa makademonyo mong kalikasan. Naglilingkod ka sa Diyos gamit ang likas mong pagkatao, at ayon sa mga personal mong kagustuhan. Dagdag pa rito, lagi mong naiisip na ang mga bagay na handa kang gawin ay ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos, at ang mga bagay na hindi mo nais gawin ay ang mga bagay na kinapopootan Niya; gumagawa ka nang ganap na naaayon sa sarili mong mga kagustuhan. Maaari ba itong matawag na paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang disposisyon mo sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, mas lalong magiging matigas ang ulo mo dahil sa iyong paglilingkod sa Diyos, na magpapalalim ng iyong tiwaling disposisyon, at dahil dito, mabubuo sa iyong kalooban ang mga alituntunin ukol sa paglilingkod sa Diyos na ang pangunahing batayan ay ang sarili mong pagkatao, at ang mga karanasang nakuha mo mula sa iyong paglilingkod ayon sa sarili mong disposisyon. Ito ang mga karanasan at mga aral ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa pamumuhay sa mundo. Ang mga taong ganito ay maaaring mapabilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magigising at magsisisi, tiyak na magiging mga huwad na Cristo at anticristo ang mga ito na manlilinlang sa mga tao sa mga huling araw. Magmumula sa ganitong mga tao ang binanggit noon na mga huwad na Cristo at anticristo" ("Kailangang Ipatigil ang Pagsamba sa Relihiyon" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagbabasa ng talatang ito ng mga salita ng Diyos ay nagpaalala sa akin ng karanasan ko limang taon na ang nakaraan.

Kahahalal ko lang noon bilang isang pinuno ng iglesia. Talagang naging masigasig ako at sineryoso ko ang tungkulin ko. Naging derterminado akong pangasiwaan nang maayos ang gawain sa iglesia. Noong sinimulan kong suriin ang lahat ng mga sitwasyon sa gawain ng mga grupo, nalaman kong ang ilang mga miyembro ay hindi angkop sa gawain, at 'di ito itinatama ng mga pinuno ng grupo. Ang ilan ay 'di nauunawaan ang mga prinsipyo at ang mga pinuno nila ay hindi nagbibigay ng pagbabahagi at agad na tumutulong, na nakaapekto sa gawain ng iglesia. Talagang nabahala ako dahil dito, at naisip ko, "Ang gayong mga lantarang problema ay hinahayaang hindi nalutas. Malinaw na hindi sila responsable sa kanilang gawain. Talagang kailangan ko silang sawayin sa susunod na pagtitipon at lubos na tiyakin na alam nila kung saan sila nagkakamali." Sa sumunod na pagtitipon, paulit-ulit kong tinanong ang mga pinuno ng grupo tungkol sa kanilang gawain at sinita ko ang mga mali at mga problemang nakita ko. Kahit alam na nila na hindi nila ginagawa ang praktikal na gawain at gusto na nilang magbago, hindi pa rin ako nasiyahan. Inisip ko na kung hindi ako naging mahigpit, na talagang sinusuri ito at pinapakitunguhan sila, wala itong magiging resulta. Sa tinig na nagpapagalit, sinabi ko na wala silang interes sa kanilang mga tungkulin at hindi nila nilulutas ang mga praktikal na problema, ginugulo nito ang gawain ng iglesia, at iba pa. Nang matapos ako, hindi ko sila tinanong kung anong naramdaman nila, sa halip ay pinuri ko lang ang sarili ko, iniisip na nahanap ko ang mga problema at nilutas ko ang mga ito. Pero makalipas ang ilang araw, may isang kasamahan ang nagsabi sa akin, "Sinabi ng isang pinuno ng grupo na takot siyang makita ka, iniisip niya na pakikitunguhan mo siya kapag may nakita kang mga problema sa gawain niya." Bahagyang sumama ang loob ko sa pagkarinig ko nito, pero inisip ko agad na ginawa ko lang kung ano ang kinaakailngan, iyon ay ang alamin ang mga problema at pagkatapos ay itama ang mga ito, at pakitunguhan sila upang may matutunan silang aral. Hindi ko na insip ang anumang tungkol dito. Sa sumunod na pulong kasama ang mga pinuno ng grupo, itinuloy ko ang mahigpit na pagtatanong sa gawain nila, pagkatapos pinakitunguhan ko sila at sinuri ang mga bagay kapag may nahanap akong problema. May kumpiyansa ko ring sinabi, "Ilang mga kapatid ang takot na matanong ukol sa kanilang gawain. Anong dapat ikatakot kung ginagawa ninyo ang praktikal na gawain? Sa pamamagitan lamang ng pag-alam tungkol sa iyong gawain matatagpuan at maitatama kaagad ang mga problema." Pagkatapos ng pagtitipon narinig ko ang sinabi ng isang pinuno ng grupo, "Pinag-aaralan ko pa kung paano gagawin ang tungkulin ko at marami akong paghihirap. Gusto kong lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabahagi sa ating pagtititpon, pero sa halip, mas lalo lang akong nakunsumi." Medyo nainis ako sa pagkarinig ko nito at pakiramdam ko'y kasalanan ko na hindi naging mabunga ang pagtitipon. Pero naisip ko na baka dahil iyon sa maliit na katayuan ko, na hindi naging malinaw ang pagbabahagi ko, at normal para sa isang bagong pinuno ng grupo ang makadama ng labis na kahirapan. Sumagot na lang ako, "Nakaka-motivate ang stress. Hindi ito magiging tama kung 'di ganyan ang naramdaman mo." Kalaunan, nalaman ng isang kasamahan na ang mga pinuno ng grupo ay natatakot na makita ako at mapakitunguhan ko, at nagbabala na, "Ang pakikitungo sa mga tao sa gayong paraan ay nagagawa dahil sa init ng ulo. Hindi ito nakapagpapatibay sa mga kapatid. Dapat tayong mas magbahagi sa katotohanan upang malutas ang kanilang mga problema at mga kahirapan." Hindi ko pa rin inisip ang anuman sa mga ito, sa paniniwalang tama ang mga motibo ko at kahit na medyo naging mabagsik ako, naging responsable lang ako para sa gawain ko. Kaya sa kabila ng paulit-ulit na mga babala mula sa mga kasamahan ko, hindi ako nagtungo sa harapan ng Diyos upang pagnilayan ang sarili ko. Unti-unti kong nadama ang kadilimang bumabalot sa espiritu ko, at hindi ko na namalayan ang gawain ng Banal na Espiritu. Nagdurusa ako at nasasaktan. Noon lamang ako nagtungo sa harapan ng Diyos at pinagnilayan ang sarilli ko: "Bakit wala akong nakamit na anuman sa tungkulin ko, bakit lagi akong nahahadlangan? Bakit laging sinasabi ng mga kapatid na pinipigilan ko sila? Tama ba ang sinasabi ng mga kasamahan ko, na pinapakitunguhan ko ang mga tao nang mainit ang ulo? Pero istrikto ko lang na sinasabi ang mga bagay nang sa gayo'y magawa nang maayos ang mga gawain sa iglesia. Kung hindi, mapapagtanto ba ng mga kapatid kung gaano kaseryoso ang mga problemang ito?" Kahit habang nasa paghihirap na ito, sinusubok kong bigyang-katwiran ang sarili ko. Talagang nagdurusa ako.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoWhere stories live. Discover now