Kabanata 52

4 0 0
                                    


Isang Muling Pagsilang

Yang Zheng Probinsya ng Heilongjiang

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa kanayunan na baliktad sa kanilang pag-iisip. Ako ay mapagmataas simula sa murang edad at talagang malakas ang aking pagnanais para sa katayuan. Sa paglipas ng panahon, sa pamamagitan ng panlipunang impluwensya at isang tradisyonal na edukasyon, kinuha ko ang lahat ng uri ng mga patakaran ni Satanas sa aking puso para sa kaligtasan. Ang lahat ng mga uri ng mga kamalian ang nagpalala sa aking pagnanais sa reputasyon at katayuan, tulad ng pagtatayo ng magandang lupain gamit ang iyong mga sariling kamay, gagawin kang imortal ng katanyagan, kailangan ng tao ng mukha tulad ng puno na kailangan ng balat, pangunguna at pagiging nasa ibabaw, prestihiyo ng pamilya, atbp. Dahan-dahang naging ganito ang buhay ko at pinaniwala ako nang matatag na hangga't nabubuhay tayo sa mundong ito, kailangan nating magtrabao upang umangat ang tingin sa atin ng iba. Kaninumang lupon ng tao tayo nabibilang, kailangan nating magkaroon ng katayuan, dapat tayong maging pinakatanyag. Sa pamamagitan lamang ng pamumuhay sa ganitong paraan tayo magkaroon ng integridad at dignidad. Sa ganitong paraan lamang may halaga ang pagsasabuhay sa buhay. Upang makamit ang aking pangarap, nag-aral ako nang masigasig sa elementarya; kahit na may bagyo at pagkakasakit, hindi ako kailanman lumiban. Araw-araw, nagawa kong tumuntong sa wakas sa middle school sa paraang iyon. Nang makita kong papalapit na ako sa aking pangarap, hindi ako nagpabaya. Madalas kong sinasabi sa aking sarili na magsumikap, na dapat kong ipakita ang aking sarili sa aking mga guro at mga kaklase. Gayunpaman, noon lamang, isang hindi inaasahang bagay ang nangyari. Nagkaroon ng isang iskandalo tungkol sa aming guro at sa punong-guro ng paaralan na naging sanhi ng kaguluhan. Alam ng lahat ng mga guro at mag-aaral ang tungkol dito. Isang araw sa klase, ang gurong iyon ay nagtanong sa amin kung narinig namin ang tungkol dito at sinabi ng lahat ng iba pang mag-aaral na "Hindi." Ako lamang ang taong tapat na sumagot ng "Narinig ko." Magmula noon, nakita ako ng gurong iyon bilang isang tinik sa kanyang tabi at madalas humahanap ng mga dahilan upang gumawa ng mga bagay na mahirap para sa akin, upang pigilan ako. Nagsimulang lumayo sa akin ang aking mga kaklase at ibinukod ako. Pinagtawanan at pinahiya nila ako. Sa huli, hindi ko na nagawang tagalan ang ganoong uri ng pagdurusa at huminto ako sa pag-aaral. Ganoon nawasak ang aking pangarap na manguna at mangibabaw. Iniisip ang mga araw sa hinaharap nang nakayuko ang aking ulo at tumitingala sa langit, nadama ko ang isang hindi maipahayag na kalungkutan at lumbay. Naisip ko: Maaari kayang lilipas na lamang ang aking buhay nang walang kabuluhan? Walang katayuan, walang katanyagan, walang hinaharap. Ano ang punto ng mamuhay nang ganito? Hindi ko talaga gustong tanggapin ang katotohanan sa oras na iyon, ngunit wala akong magawa upang baguhin ang aking kalagayan. Gaya ng ako'y namumuhay sa sakit at kawalan ng pag-asa na hindi ko magawang kalasin ang aking sarili mula roon, iniligtas ako ng Makapangyarihan Diyos at muling binuhay ang pag-asa sa aking puso na namatay na. Mula noon, nagsimula ako ng isang buong bagong buhay.

Noon Marso 1999, at mula sa isang pagkakataon na narinig ko ang ebanghelyo ng mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos. Natutunan ko na ang Diyos na nagkatawang-tao ay dumating sa lupa at Siya mismo ay nakikipag-usap sa at pinamunuan ang sangkatauhan upang iligtas tayo mula sa sakop ni Satanas, upang pahintulutan tayong itakwil ang ating buhay ng kasakitan, pagkahulog, upang mamuhay sa isang bagong langit at lupa. At mula sa matiyaga at maingat na pagsasamahan mula sa aking mga kapatid, narinig ko ang maraming katotohanan na hindi ko narinig kailanman, tulad ng: Ang anim na libong taon na plano ng pamamahala ng Diyos, ang misteryo ng Diyos na nagkatawang-tao, na ang mga taong tiwali ay nangangailangan ng kaligtasan ng nagkatawang-taong Diyos, anong uri ng diwa ang dapat angkinin ng mga nilikha, paano sasambahin ng lahat ng nilikha ang Panginoon, paano isasabuhay ang inyong tamang sangkatauhan, kung ano ang tunay na buhay ng tao .... Lubos akong hinila ng mga katotohanang ito at pinatatag ng mga ito ang aking paniniwala na ito ang gawain ng tunay na Diyos. Sa araw na iyon ang aking mga kapatid ay kumanta rin ng isang awit ng karanasan sa buhay, "Iniisip ang Mapait na Nakaraan at ang Tamis ng Kasalukuyan, mas Mahal ko nang Higit ang Diyos": "O praktikal na Diyos! Nakikiusap akong dinggin Mo ang aking kuwento. Umiiyak ako kapag iniisip ko ang nakaraan; ang aking puso ay madilim at walang liwanag; ang aking buhay ay walang pag-asa, hindi ako makapagsalita ng paghihirap sa aking buhay, kaya ko lamang palipasin ang mga araw nang walang kakayahan. Paanong hindi ito magdudulot ng pighati sa aking puso? O praktikal na Diyos! Pakinggan Mo ako, iniisip ang nakaraan, ang aking puso ay kumikirot. Si Satanas ang diyablo na sinasaktan ako, ginagawa akong tiwali at hinuhulog. Ang Iyong mga salita ay nagpaliwanag sa akin at pinatnubayan ako mula sa kadiliman. O tunay na Diyos! O tunay na Diyos! Mahal kita mula sa kaibuturan ng aking puso." Niliwanagan nitoang aking kaluluwa na matagal nang nasa kadiliman tulad ng isang sinag ng liwanag, at hindi ako napigilang lumuha nang lumuha. Maraming mga taon ng panunupil, kawalang-katarungan, at kalungkutan ang tila biglang nagsilabas. Mas gumaan ang aking puso. Bukod sa kagalakang ito, higit akong nagpapasalamat sa Diyos sa pagpili sa akin mula sa milyun-milyong tao, na pinahihintulutan ang aking pagod at malungkot na kaluluwa na makahanap ng isang mainit na tuluyan. Mula noon ay nagbago ang aking buhay. Hindi na ako nalulumbay at naguguluhan, ngunit itinuon ko ang aking buong isip sa pagbabasa ng salita ng Diyos, dumadalo sa mga pagpupulong, at nakikisama sa katotohanan. Araw-araw ay puno at masaya. Nang maglaon ay itinaas ako ng Diyos at nagsimulang tuparin ang tungkulin ng pangangaral ng ebanghelyo.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon