Kabanata 56

4 0 0
                                    

Pagbangon sa Madilim na Pang-aapi

Mo Zhijian Lalawigan ng Guangdong

Isinilang ako sa isang mahirap at malayong bundok na lugar kung saan kami nagsunog ng insenso at sinamba si Buddha sa napakaraming henerasyon. May mga templong Budista sa buong lugar na kung saan lahat ng pamilya ay pumupunta upang magsunog ng insenso; walang sinuman ang naniwala kailanman sa Diyos. Noong 1995, ako at ang aking asawa ay nasa isang bahagi ng bansa kung saan kami ay naniwala sa Panginoong Jesus; pagkatapos naming bumalik nagsimula kaming magbahagi ng ebanghelyo at ang bilang ng mga tao na tumanggap dito ay unti-unting dumami nang mahigit sa 100 tao. Dahil parami nang parami ang mga taong naniniwala sa Diyos, naalarma ang lokal na pamahalaaan. Isang araw noong 1997, tinawag ako ng pulisya upang pumunta sa lokal na himpilan ng pulisya, na kung saan ay naghihintay sa akin ang hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad ng Probinsya, ang hepe ng Kawanihan ng Pambansang Seguridad, ang hepe ng Kawanihan ng Relihiyon at ang pinuno ng himpilan ng pulisya at pati na rin ang ilang opisyal na pulis. Tinanong ako ng hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad: "Bakit ka naniniwala sa Diyos? Kanino ka mayroong kaugnayan? Saan nanggaling ang mga Biblia? Bakit hindi kayo pumunta sa iglesia para sa mga pagtitipon?" Sinabi ko: "Nilikha ng Diyos ang mga tao, lahat ng sikat ng araw, hangin, at tubig ay nilikha ng Diyos; batas ng langit at lupa na maniwala sa Diyos ang mga tao at sambahin Siya. Malinaw na ipinapahayag ng pambansang saligang batas na ang mga mamamayan ay may kalayaan sa relihiyon; bakit hindi ninyo kami payagan na malayang maniwala sa Diyos?" Sinabi ng hepe ng Kawanihan ng Relihiyon: "May mga limitasyon sa kalayaan sa relihiyon, tulad ng isang maliit na ibon sa loob ng isang hawla; kahit hindi nakatali ang mga pakpak at paa nito, maaari lamang itong gumalaw sa loob ng hawla." Nang marinig ko siyang magsalita ng mga kamaliang ito, nagngitngit ako at pagalit na sinabi: "Kung gayon ay nagsisinungaling ang pambansang pamahalaan sa mga tao nito!" Nang marinig nilang sabihin ko ito, alam nilang mali sila at walang anumang masabi, kaya pinahintulutan na lamang nila akong makauwi sa bahay. Noong panahong iyon, hindi ko alam ang diwa ng pag-uusig ng pamahalaan ng CCP sa mga mananampalataya hanggang noong 1999 nang tanggapin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagdanas ng mas malupit na pag-uusig mula sa pamahalaan ng CCP nakita ko nang malinaw na ang CCP ay ang sagisag ni Satanas na masamang espiritu; ito ay ang kaaway ng Diyos na binanggit sa Biblia: "At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan" (Pahayag 12:9).

Pagkatapos lamang ng alas-singko ng umaga noong Hunyo 28, 2002, naghahanda ako para sa isang pagtitipon kasama ang ilang kapatiran nang biglang narinig namin ang malakas na pagkatok sa pinto. Mabilis naming itinago ang mga aklat ng salita ng Diyos at binuksan ang pinto. Hindi inaasahan, nang bumukas ang pinto, nagmamadaling pumasok ang humigit-kumulang na isang dosenang pulis. Mayroon silang mga de-koryenteng baton at baril sa kanilang mga kamay at pinuwersa kami nang sama-sama, pina-iskwat kami at ipinalagay ang aming mga kamay sa aming mga ulo. Matapos kaming pigilin ng masasamang pulis na ito, tulad ng mga bandidong pumapasok sa isang nayon, pumasok sila sa bawat kuwarto at ginulo ang lahat; kinuha nila ang aming mga kumot at damit at itinapong lahat ito sa sahig. Dati na akong nakapanood ng mga eksena sa TV ng organisadong krimen at mga bandidong nagnanakaw, ngunit hindi ko inaasahan na ang "pulisya ng mga tao" ay kikilos tulad ng masasamang maniniil at bandido sa TV. Sa oras na iyon lubha akong natakot at nag-alala na matutuklasan nila ang mga aklat ng salita ng Diyos. Patuloy akong nanalangin sa aking puso at hiniling sa Diyos na bantayan at ingatan kami. Pagkatapos manalangin, nakita ko ang kahanga-hangang mga gawa ng Diyos. Hinalughog nila ang buong bahay at naghanap at kinumpiska ang aming mga personal na gamit, ngunit hindi nila nakita ang mga aklat ng salita ng Diyos. Alam kong ito ay ang pagkamakapangyarihan at pag-iingat ng Diyos at alam ko na ang Diyos ay kasama namin, at nadagdagan ang aking pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos nito, dinala nila kami sa himpilan ng pulisya at sa gabi, inilipat nila kami sa isang sentro ng detensiyon at ikinulong kami. Pagkalipas ng tatlong araw, ang bawat isa sa amin ay pinagmulta ng pulisya ng 300 yuan na kailangan naming bayaran upang makalaya. Sa nakita kong pagkilos ng pamahalaan ng CCP na tulad ng mga walang pakundangan at hindi makatwirang mandaragit na nagtanggal sa mga tao ng kanilang kalayaan sa relihiyon, nadama ko ang labis na sama ng loob at hindi ko maiwasang isipin ang mga salita ng Diyos: "Sa loob ng libu-libong taon ito ang naging lupain ng kalaswaan, ito ay hindi mabatang karumihan, paghihirap ay nananagana, mga multong gumagala sa bawat sulok nito, nakakalansi at nakakalinlang, gumagawa ng mga walang batayang paratang, nagiging walang awa at mabisyo, niyuyurakan itong bayan ng mga multo at iniiwan itong may kalat na patay na katawan; sumasakop sa lupa ang baho ng pagkabulok at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na nababantayan. Sino ang kayang makita ang mundo na lampas sa himpapawid? ... Relihiyosong kalayaan? Ang lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Sila ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan!" ("Gawa at Pagpasok (8)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa abandonadong lugar na ito ng China, nagsabit ng mga baner ang namumunong partido ng China na itinataguyod ang "kalayaan sa relihiyon at kalayaan sa mga karapatang pantao," ngunit talagang inuusig nila ang Diyos nang walang pagpigil at inaaresto at inuusig nila ang mga taong sumusunod sa Diyos. Hindi nila pinapayagan ang mga tao na maniwala sa Diyos at tahakin ang tamang landas ng buhay; sabik silang alisin ang lahat ng mananampalataya sa isang mabilis na pagsalakay. Hindi kami lumabag sa batas o gumawa ng anumang masama; ang ginawa lang namin ay ibahagi ang ebanghelyo upang bigyang-daan ang mga tao na lumapit upang makilala ang Diyos at sambahin ang Diyos at lumayo mula sa kanilang mga buhay sa kadiliman at sakit. Ngunit nais ng pulisya ng CCP na arestuhin kami, pigilan kami at pagmultahin kami, sa halip na atupagin ang masasamang tao na sangkot sa prostitusyon, pagpatay at pagsunog, at pandaraya at panunuba; pinayagan nila ang masasamang taong ito na makatakas sa kanilang mga krimen. Isinasaalang-alang ang mga katunayan, nakita ko na ang pamahalaan ng CCP ay isang grupong makademonyo na lumaban sa Diyos, binulag ang mga tao at dinaya ang mga tao; sila ang mga kaaway ng Diyos.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoWhere stories live. Discover now