Kabanata 53

5 0 0
                                    

Ang Proseso ng Pagbabago ng isang Aroganteng Mananampalataya

Zhang Yitao Probinsya ng Henan

"Diyos ko, napakapraktikal ng iyong gawain, punong-puno ng pagkamatuwid at kabanalan. Ikaw ay matiyagang nagtatrabaho nang matagal, para sa aming lahat. Dati, naniwala ako sa Diyos ngunit wala akong pagkilos ng isang tao. Sinuway Kita at sinaktan ang Iyong puso nang hindi nalalaman. Punong-puno ako ng kahihiyan at pagsisisi. ... Kapag wala ang Iyong malupit na paghatol, hindi ako magkakaroon ng kasalukuyan, at ang pagharap sa Iyong tunay na pagmamahal, ako'y nagpapasalamat at may utang sa Iyo. Ang gawain Mo ang nagligtas sa akin at nagpabago sa aking disposisyon. Kung walang pighati at sakit, puno ng kasiyahan ang aking puso" ("Oh Diyos, ang Pagmamahal na Iyong Ibinigay sa Akin Ay Napakatindi" sa Sundin ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Sa tuwing kinakanta ko ang kantang ito, iniisip ko ang pagliligtas ng Diyos sa akin sa loob nitong maraming taon, at puno ako ng pasasalamat sa Kanya. Ito'y ang paghatol at pagkastigo ng Diyos na nagpabago sa akin. Ginawa ako nitong isang arogante, ambisyosong, suwail na anak—na mukhang bahagyang tulad ng isang tao. Taos-puso akong nagpapasalamat sa pagliligtas ng Diyos sa akin!

Isinilang ako sa kanayunan. Dahil mahirap ang aking pamilya at tapat ang aking mga magulang, madalas silang dinadaya. Simula nang bata pa ako, minamaliit na ako ng mga tao, at ang pambubugbog at pang-aapi ay naging isang pangkaraniwang pangyayari. Lagi ako nitong pinapalungkot hanggang sa puntong ako'y umiyak. Inilagay ko ang lahat ng bagay na mayroon ako sa aking pag-aaral para hindi na ako manguna sa ganoong uri ng buhay, para sa hinaharap, maaari akong magkaposisyon bilang opisyal ng gobyerno, maging isang tao na namamahala, at titingalain ako ng lahat. Ngunit nang sandaling natapos ko ang elementarya at ako'y naghahanda para sa pagsusulit para makapasok ng high school, nagsimula ang Pangkulturang Rebolusyon. Nag-alsa ang mga Pulang Guwardiya, nagwelga ang mga manggagawa, hindi pumasok ang mga mag-aaral. Araw-araw ay nasasangkot sa rebolusyon. Ito ay magulo, nagpapanik ang lahat ng tao, at ipinagbawal ang pagsusulit papasok ng kolehiyo. Kaya, nawalan ako ng oportunidad para mag-eksam sa paaralan. Lumong-lumo ako—Terible ang aking naramdaman na para bang ako'y malubhang nagkasakit. Nang maglaon, naisip ko: Kahit pa hindi ako makapag-eksam sa paaralan o maging opisyal ng gobyerno, magtatrabaho ako nang mabuti para kumita ng pera. Basta't may pera ako, tataas ang tingin ng mga tao sa akin. Simula noon, kung saan-saan ako naghahanap ng paraan para kumita ng pera. Dahil mahirap ang aking pamilya, wala akong anumang pondo para magsimula ng negosyo. Sa pamamagitan ng mga kamag-anak at mga kaibigan, nakahiram ako ng 500 yuan para magsimula ng tindahan na nagbebenta ng nilagang baboy. Noong panahong iyon, ang karne ay pitumpung sentimos lang kada libra, ngunit matapos bilhin ang kagamitang kailangan ko, ang natira sa 500 yuan na iyon ay hindi na sapat. Sa tuwing magkaroon ako ng kaunting kita, ito'y dumidiretso sa pagpopondo ng negosyo. Sa sandaling nakaipon ako ng anumang pera babayaran ko ang aking utang. Tiniis ko ang maraming paghihirap para magkaroon ako ng mas magandang buhay kaysa sa iba. Mula umaga hanggang gabi, wala akong bakanteng oras. Matapos ang ilang taon ng matiyagang pagtatrabaho, ang aking kakayahan ay mas lalong naging pino, at ang aking negosyo ay lalong bumubuti nang bumubuti. Agad na naging masagana ang aking pamilya, at maraming tao ang tumitingin sa akin nang may inggit.

Noong tagsibol ng 1990, mayroong isang tao sa aming nayon na nagsabi sa akin tungkol sa paniniwala kay Jesus. Nakinig ako sa ilang mga sermon dahil sa pagkamausisa, at nakita ko na nang ang kapatiran na nangangaral ay nagsasalita, maraming tao ang tumingala sa kanya. Sobra akong nainggit sa nakita kong iyon sa kanya na pinapalibutan at hinahangaan ng madla. Sinabi ko sa sarili ko: Kung maaari akong maging isang tao na tulad nito, hindi lang ako sasambahin ng lahat, ngunit makukuha ko pa ang biyaya ng Panginoon at magagantimpalaan Niya. Iyon ay magiging napakaganda! Dahil sa mga kaisipang ito, nagsimula akong maniwala sa Panginoong Jesucristo, at sumali ako sa isang bahay na iglesia. Matapos iyon, nagsikap ako nang todo para mag-aral ng Biblia, lalo na sa paghahanap ng kaalaman sa Biblia, tumutuon sa pagsasaulo ng ilang mga talata, at agad-agad kong nalaman ang maraming sikat na kapitulo at bersikulo sa puso. Binasa ko ang kapitulo 16, bersikulo 26 ng Ebanghelyo ni Mateo kung saan sinabi ng Panginoong Jesus: "Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?" Pagkatapos ay binasa ko rin ang tungkol sa pagtawag ng Panginoong Jesus kay Pedro, at agad niyang pinabayaan ang kanyang mga lambat at sumunod kay Cristo. Sinabi ko sa aking sarili: Ayos lang ang pagkakaroon ng sapat pera para mabuhay; kung mas marami akong maiipon, anong silbi nito kapag ako'y namatay? Kung gusto kong makuha ang papuri ng Panginoon, kailangan kong sundin ang halimbawa ni Pedro. Kaya isinuko ko ang aking negosyo, at sinimulang ginawang abala ang aking sarili sa iglesia na nakalaan ang buong oras. Napakaalab ko ng mga oras na iyon, at sa pamamagitan ng aking mga kamag-anak at kaibigan, naipangaral ko ang ebanghelyo sa 19 na tao ng maglaon, at pagkatapos iyon ay lumaki sa 230 na tao mula sa yaong 19. Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Mas nakadama pa ako ng kasiyahan sa sarili. Batay sa kung ano ang aking naintindihan mula sa literal na ibig sabihin ng Kanyang mga salita, naniwala ako na ako'y sumusunod na sa landas ng Panginoon, na nasa daan ako ng pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit, at sa susunod na panahon kapag ang kaharian ng Diyos ay nakita na, ako'y mamumuno bilang hari sa mundo. Sa ilalim ng pangingibabaw ng ganitong uri ng ambisyon, mas tumindi ang aking kasigasigan. Itinakda ko ang aking determinasyon na kailangan ko talagang sundin ang mga salita ni Jesus na "iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili" at "maging matiisin at matiyaga," gayun din na mamuno sa pamamagitan ng halimbawa, at hindi natatakot na magpatuloy sa kabila ng paghihirap. Minsan kapag pumupunta ako sa mga tahanan ng aking mga kapatiran, tinutulungan ko silang magbuhat ng tubig, magpaapoy, at gumawa ng trabaho sa bukid. Kapag may sakit sila, pupunta ako para bisitahin sila. Kapag wala silang sapat na pera, tutulungan ko sila mula sa aking sariling ipon; tutulong ako sa kung sinuman ang nakakaranas ng paghihirap. Madali kong nakuha ang papuri ng lahat ng aking mga kapatiran gayun din ang tiwala ng mga nakatataas na lider sa iglesia. Matapos ang isang taon, ako'y naging lider ng iglesia, para pastulan ang 30 iglesia. Pinangangasiwaan ko ang mga nasa 400 mananampalataya. Sa sandaling nakuha ko ang posisyong ito, gumanda ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko na ang lahat ng aking hirap at pagsusumikap ay sa wakas nagbunga na, ngunit sa parehong panahon, bumuo ako ng mas matayog na layunin sa aking puso: para hangarin ang mas mataas na posisyon, para makuha ang papuri at pagsamba ng mas marami pang tao. Sa pamamagitan ng isa pang taon ng pagsusumikap, ako'y naging isang lider na may mataas-antas sa iglesia, namumuno sa mga katrabaho sa limang bansa, pinapastulan ang 420 iglesia. Pagkatapos nito mas natakot akong maging tamad, kaya mas lalo kong pinagtuunan ang aking magandang pagkilos sa panlabas, at sa pagtatatag ng aking imahe sa aking mga katrabaho at mga kapatiran. Para sa pag-ayon ng aking mga katrabaho at para tingalain ako ng aking mga kapatiran, sumalungat ako sa mamahaling pagkain sa iglesia, at ipinagbawal ko ang lahat ng ugnayan sa pagitan ng magkaibang kasarian at hindi magagandang gawi. Ang aking "pagkamatuwid at diwa ng hustisya" ay nakakuha ng suporta at pag-ayon mula sa aking mga katrabaho at iba pang kapatiran. Ang aking aroganteng pagkatao ay lumobo rin at lalong hindi nakontrol. Dagdag pa rito, alam ko ang ilan sa mga mas karaniwang talata sa Biblia pabalik o pasulong, at kapag nakikipagpulong sa at nangangaral sa ilan sa mga lider na may mababang-antas sa iglesia at mga katrabaho, kaya kong sabihin ang mga talata nang hindi tumitingin sa aking Biblia batay lang sa numero ng kapitulo at bersikulo. Talagang hinangaan ako ng aking mga kapatid, kaya nasa akin lagi ang huling desisyon sa iglesia. Nakinig ang lahat sa akin. Palagi kong iniisip na tama ang sinabi ko, na mayroon akong nakakaangat na pang-unawa. Kahit pa ito'y sa pamamahala ng iglesia, pagkakahati ng mga iglesia, o pagtataas ng ranggo ng mga lider sa iglesia at mga katrabaho, hindi ko kailanman tinalakay ang mga bagay kasama ang iba. Laging itinuturing na mahalaga ang aking sinabi; talagang parang isang hari ang aking pangingibabaw. Sa panahong iyon, partikular na nasisiyahan akong tumatayo sa pulpito, nagsasalita ng mahusay at walang katapusan, at kapag nakatitig na ang lahat sa akin nang may paghanga, iyong pakiramdam na nasa tuktok ng mundo ay nakakagayuma sa akin at nagpapalimot sa akin ng tungkol sa lahat ng bagay. Partikular na naramdaman ko ito nang aking binasa ang kapitulo 12, bersikulo 44-45 ng Ebanghelyo ni Juan: "At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin." Naramdaman ko rin ito nang binasa ko ang kapitulo 3, bersikulo 34: "Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat." Talagang nagpadarang ako dito, at tahasan kong pinaniwalaan na ako'y ipinadala ng Diyos, na ibinahagi sa akin ng Diyos ang Banal na Espiritu at ang kalooban ng Diyos ay ipinahayag sa akin. Naniwala ako doon dahil kaya kong bigyang kahulugan ang banal na kasulatan, kaya kong maintindihan ang mga "misteryo" na hindi kaya ng iba, na kaya kong makita ang mga konotasyon na hindi kaya ng iba. Pinapahalagahan ko lang ang tungkol sa paglublob ng aking sarili sa kasiyahang dala ng aking posisyon, at lubusan kong nakalimutan na isa lamang akong nilikha, na sisidlan lamang ako ng biyaya ng Panginoon.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora