Mga Araw ng Paghahangad ng Katanyagan at Pakinabang

1 0 0
                                    

Ni Zheng Ming, Espanya

"Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at magkamit ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang buhay na may kahulugan, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at ng , at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at pagpalo ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang maaaring makalaya siya mula sa pagmamanipula at impluwensya ni Satanas at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Alamin na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao. Alamin na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao" ("Ang Pagkastigo at Paghatol ng Diyos ang Liwanag ng Kaligtasan ng Tao" sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Masyadong nakakapukaw sa'kin ang pagkanta ng himno. Ipinamuhay ko noon ang mga lason na "Magbigay karangalan sa kanyang mga ninuno," at ang "Nagsisikap ang tao'ng umangat; dumadaloy ang tubig pababa." Hinanap ko'ng katanyaga't katayuan, niloko't pininsala ni Satanas, balisa tungkol sa nakukuha't nawawala. Mahirap na pamumuhay 'yon. Nang maranasan ko'ng paghatol, pagkastigo't pagdisiplina ng do'n ko na naunawaan nang kaunti ang tiwali kong pagkatao't nakakuha ng kalinawan sa diwa ng paghahangad ng katanyagan at katayuan. Sa wakas nagising din ako at nagsisi. Ayoko nang mabuhay sa gano'ng paraan, gusto kong hanapin ang katotohana't pasiyahin ang Diyos.

Naalala ko nung Setyembre 2016, sumali ako sa pangkat ng himno para sa tungkulin ko. Matapos 'yon, pipili na kami ng magiging team leader. Nang marinig ko ang tungkol do'n, talagang natuwa ako, at inisip ko kung sino'ng mga magiging kandidato. Yung iba kong mga kapatid, kung hindi masyadong bata, hindi pa sapat ang kakayahan sa gawain. Si Brother Li lang ang pwede—praktikal ang pagbabahagi niya, at nauunawaan niya'ng gawain. At bukod do'n, kalmado siyang kumilos. Naramdaman kong may malaking pag-asa na siya ang mapipili, pero yung pagbabahagi ko, hindi na rin masama, mabilis akong matuto, at madali kong nakukuha'ng mga bagong bagay. Magaling akong tumingin sa pangkalahatan. Kaya naisip kong mas malaki ang pag-asa kong mapili. Pero lahat ng nasa pangkat, bago sa tungkuling 'yon at dahil bago pa lang kami, 'di pa kami ga'nong magkakakilala. Kaya hindi masasabi kung pipiliin nila ako. Kaya, iminungkahi ko sa lider na ilista niya'ng mga tungkuling natupad ng bawat isa, tapos saka magtalaga ng pansamantalang mamumuno. Sumang-ayon naman ang lahat. Dahil do'n, lihim akong natuwa; ramdam ko kasing maganda ang track record ko sa tungkulin, kaya malamang, sigurado nang ako na ang mapipili sa halalan. Kinabukasan, pumunta 'ko sa pulong na puno ng kompyansa. Ang kaso nagulat ako, dahil pagdating sa huli, si Brother Li ang napili. Nung oras na 'yon, talagang nabigo ako, pero nagpanggap akong wala lang 'yon sa'kin at sinabi kong "Salamat sa Diyos. Sama-sama nating gawin ang mga tungkulin natin." Pero sa loob ko, hindi ko 'yon matanggap. Wala akong lakas na naglakad pauwi ng bahay. Hindi ko 'yon maunawaan. Ano'ng lamang ni Brother Li sa'kin? Hindi ko 'yon basta matanggap. Ramdam ko na marami akong talento, at dahil 'di ako pinili, hindi ba masasayang lang 'yon lahat? Naramdaman kong kailangan kong patunayan ang sarili ko at ang kaya kong gawin. Kahit na mukha akong kalmado sa panlabas, tahimik kong nilalaban ang sarili ko kay Brother Li. Kaya nag-aral ako para mas lalo pang humusay para malampasan ko siya. Nung nakita kong mabagal siyang matuto, naisip ko, "Lumabas din ang ! Hindi ka pala magaling! Kapag nagtagal, makikita ng mga kapatid kung sino'ng mas magaling." Nagsaya ako sa bawat pagkakamali niya, naisip ko sa sarili ko, "Kakayanin mo ba talaga? Mabubuking ka rin nila!" 'Pag nakikita kong nilulutas niya'ng problema ng iba, naiinggit ako. Naramdaman kong may gano'n din akong praktikal na karanasan eh, at kung ako'ng team leader, magaling din ako sa pagbabahagi. Lalo na 'pag gawain ang pinag-uusapan namin, ano man ang iminumungkahi ni Brother Li, nagmamadali akong magsabi ng bagay na mas pangmalawakan at mas malalim.

Naalala ko, sa isang pagpupulong, habang tinatalakay namin ang tungkol sa isang himno, nagbigay ng isang magandang suhestiyon si Brother Li. Pero naisip ko, kung tatanggapin ko 'yon, hindi ba lalabas na mas magaling siya? Pa'no pa 'ko makakapagmalaki? Dahil do'n, bigla akong sumagot at nagbigay ng ibang mungkahi, pero sa huli, mas pinili ng grupo yung ideya niya. Para 'yong sampal sa 'kin. Habang masayang pinag-uusapan 'yon ng mga kapatid, mas lalo akong tumutol kay Brother Li, at wala na 'kong interes na makinig. Inalala ko yung dati kong tungkulin, naging team leader na ako dati, tiningala ako ng mga kapatid. Pero ngayon, hindi na 'ko team leader, at mas lamang na siya sa 'kin sa lahat. Kung alam kong mangyayari 'yon, 'di na sana 'ko pumunta ro'n. Matapos ang pagtitipon, gulung-gulo ang isip ko, at saka madilim ang pakiramdam ko. Dahil medyo alam kong mali ang lagay ko, nagdasal ako sa Diyos, at naisip ko ang sipi na 'to: "Nalalaman Ko nang malalim ang mga karumihan sa mga puso ng bawat isang nilalang, at bago Ko kayo nilikha, alam Ko na ang di-pagkamatuwid na umiral sa kailaliman ng puso ng mga tao, at alam Ko ang lahat ng pandaraya at kabuktutan sa mga puso ng tao. Kaya kahit na walang anumang mga bakas kapag gumagawa ang mga tao ng di-matuwid na mga bagay, nalalaman Ko pa rin na ang di-pagkamatuwid na nananatili sa inyong mga puso ay humihigit sa kayamanan ng lahat ng bagay na Aking nilikha. Bawat isa sa inyo ay nakaakyat na sa tuktok ng maraming tao; nakaakyat na kayo upang maging mga ninuno ng masa. Kayo ay sukdulang di-makatwiran, at kayo ay naghuhuramentado sa gitna ng lahat ng uod, naghahanap ng maginhawang dako at nagtatangkang lamunin ang mga uod na mas maliliit kaysa inyo. Kayo ay malisyoso at masama sa inyong mga puso, hinihigitan ang mga multo na nakalubog sa pusod ng dagat. Kayo ay namumuhay sa ilalim ng dumi ng hayop, ginagambala ang mga uod mula sa ibabaw hanggang ilalim hanggang sa wala ng katahimikan ang mga ito, nakikipag-away sa isa't isa sa isang sandali at pagkatapos ay kakalma. Hindi ninyo alam ang inyong lugar, gayunma'y naglalaban-laban pa rin kayo sa isa't isa sa dumi ng hayop. Anong mapapala ninyo mula sa ganyang pakikipagtunggali? Kung totoong mayroon kayong paggalang sa Akin sa inyong mga puso, paano ninyo magagawang mag-away-away sa Aking likuran? Kahit na gaano pa kataas ang iyong katayuan, hindi ba't ikaw ay isa pa ring umaalingasaw na maliit na uod sa dumi ng hayop? Makakaya mo bang magpatubo ng mga pakpak at maging isang kalapati sa himpapawid?" ("Kapag ang mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa mga Ugat nito Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Iyong Nagawa" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nilantad ng salita ng Diyos ang kapangitan ng pakikipagpaligsahan ko para sa pangalan at pakinabang. Nilamon ako ng ambisyon mula nang sumali ako sa grupong 'yon, ninais kong magkamit ng isang bagay para tumaas ang tingin sa'kin ng mga kapatid at para magkaro'n ako ng posisyon sa pangkat. Sa proseso ng pagpili, sinubukan kong gamitin ang talas ng isip ko, kinumbinsi ko ang lider naming magsagawa ng eleksyon base sa mga natupad namin. Nung napili si Brother Li, nainggit ako sa kanya, at kinompitensya ko siya. Nang may nakita akong mga problema sa gawain niya, 'di ko pinagtibay ang interes ng o sinubukan siyang tulungan, sa halip gustung-gusto ko siyang mapalitan dahil sa inkompitensya, na magbibigay sa'kin ng pagkakataon. Naging masama ang disposisyon ko, at naghangad ako ng titulo at pakinabang, at talagang walang konsensya ang mga kilos ko. Talagang kasuklam-suklam 'yon. Talagang sinisi ko ang sarili ko nang matanto ko ang tungkol do'n. Nagdasal ako sa Diyos na gabayan Niya 'kong isagawa'ng katotohanan para 'di na 'ko maigapos ng tiwali kong disposisyon.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoWhere stories live. Discover now