Pagkatapos ng mga Kasinungalingan

1 0 0
                                    

Ni Chen Shi, Tsina

Sabi ng , "Kailangan ninyong malaman na gusto ng ang matapat na tao. Ang Diyos ay may diwa ng , kaya't ang Kanyang salita ay palaging mapapagkatiwalaan. Higit pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang kapintasan at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos yaong mga lubos na matapat sa Kanya. Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman maging huwad sa Kanya sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi kailanman nagtatago ng ; huwag kailanman gawin yaong nanlilinlang sa mga nakatataas at nagliligaw sa mga nasa ibaba; at huwag kailanman gawin yaong pagmamagaling lamang ng iyong sarili sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pag-iwas sa karumihan sa mga kilos at salita, at ang hindi manlinlang ng Diyos o tao" ("Tatlong Paalaala" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sinabi rin ng Panginoong , "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit" (Mateo 18:3). Makikita natin mula sa mga na Siya ay may tapat na kalooban, na gusto Niya ang matapat at kinamumuhian ang mapanlinlang, at na mga matapat na tao lang ang maililigtas at makakapasok sa kaharian sa langit. Kaya naman paulit-ulit na inuutos ng Diyos na tayo ay maging matapat, at na lutasin natin ang ating mga nagsisinungaling at mapanlinlang na motibo. Pero sa tunay na buhay, kapag may naging banta sa aking reputasyon at katayuan, hindi ko mapigilang magsinungaling at maging mapanlinlang. Kung wala ang at paghayag ng mga salita ng Diyos, kung wala ang Kanyang pagkastigo at pagdidisiplina, hindi ako kailanman tunay na nakapagsisi, tumalikod mula sa mga kasinungalingan, at hindi ko kailanman naisagawa ang katotohanan bilang isang matapat na tao.

Noong nakaraang ilang taon, ginagampanan ko ang tungkulin ng isang lider ng simbahan. Isang araw, sinabihan ako ng aking lider na dumalo sa isang pagtitipon ng mga kasamahan sa trabaho. Sobrang saya ko. Naisip ko kung gaano ako nagtrabaho nang husto sa simbahan kamakailan, at nagdaos ng mga pagtitipon at nakibahagi araw-araw, at karamihan sa mga kapatid ay aktibong abala sa kanilang tungkulin. Maraming nagawa ang ilang grupo, kaya naisip kong tiyak na magiging pagkakataon ang pagtitipon na ito para mapansin ako. Maipapakita ko sa lider at mga kasamahan sa trabaho kung gaano ako kahusay, na mas magaling ako kaysa sa iba. Nang dumating ako, nakita kong nag-aalalang nakasimangot si Sister Liu, at may pagbuntong-hininga niyang sinabi, "Kumusta ang iyong gawain ng pagdidilig at pagsuporta sa mga kapatid? Nahihirapan kami. Nagkukulang siguro ako sa realidad ng katotohanan. Napakaraming isyu ang hindi ko lang talaga malutas." Ngumiti ako at sinabi, "Maayos naman ang gawain ng pagdidilig sa aming simbahan, talagang mas mabuti kaysa sa dati." Noon di'y pumasok ang lider at nagsimulang magtanong tungkol sa mga gawain ng pagdidilig sa mga simbahan. Naisip kong pagkakataon ko nang sumikat, kaya kailangan kong magpakitang-gilas. Ang nakakagulat, hindi niya kami tinanong tungkol sa aming mga tagumpay sa gawain ng pagdidilig, pero nagtanong siya tungkol sa kung anong mga nangyaring problema, kung paano nalutas ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabahagi sa katotohanan, at kung aling mga problema ang hindi pa nalutas. Nataranta ako. Karaniwang inoorganisa ko lang ang gawain at hindi ko talaga alam ang mga detalye, kaya wala akong nagawang aktuwal na pagdidilig. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Ano ang dapat kong sabihin kapag tinanong ako ng lider? Kung sasabihin ko ang katotohanan, iisipin kaya niya na hindi ako gumagawa ng praktikal na gawain? Nagmamayabang pa naman ako kay Sister Liu, at sinasabi kong naging maayos ang gawain kung saan ako responsable. Kung hindi ko masasabi ang mga detalye, sasabihin kaya niya na nagmamayabang ako sa wala? Ano ang puwede kong gawin? Lalo akong nag-alala nang nag-alala. Noon din, nagsalita si Brother Zhou tungkol sa ilang isyu na nakaharap nila sa gawain ng pagdidilig sa kanilang simbahan at ang mga katiwaliang naibunyag niya sa kanyang gawain. Pagkatapos ay ipinaliwanag niya kung paano niya hinanap ang katotohanan para malutas ang mga bagay na ito. Ipinaliwanag niya ito sa napakapraktikal at napakadetalyadong paraan, na nagpakita sa amin ng landas ng pagsasagawa. Nakaramdam ako ng tunay na diwa ng kahihiyan pagkatapos marinig ang kanyang pagbabahagi. Dahil alam kong hindi ako nakagawa ng kahit anong praktikal na gawain, iniyuko ko ang aking ulo at namula ang mukha ko. Pagkatapos ay pinasalita ako ng lider. Kinabahan ako. Ano ang dapat kong sabihin? Wala akong mga detalyeng maibabahagi, at kung buod lang ay lalabas na hindi ako gumagawa ng praktikal na gawain. Ano ang iisipin sa akin ng mga tao kung sasabihin ko ang katotohanan? Ramdam kong hindi ako puwedeng maging diretsahan. Kaya sinabi ko na lang, "Halos katulad lang ng sitwasyon ko ang sitwasyon ni Brother Zhou. Hindi na kailangang ulitin pa." Nakinig ang lider at wala siyang sinabi, at sinimulan niya ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Sa pagtitipong iyon, naramdaman kong parang nagnakaw ako mula sa isang tao. Nasa bingit talaga ako, takot sa araw na ang aking lider ay sisiyasatin o papangasiwaan ang gawain ko, malalamang hindi katulad ng kay Brother Zhou ang isinasagawa ko, at aalisin ako sa aking tungkulin dahil sa hindi paggawa ng praktikal na gawain, dahil sa pagsisinungaling at panlilinlang. Lalo akong nabalisa pero wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin ang katotohanan. Tahimik kong ipinasya, "Talagang kailangan kong magtrabaho nang katulad ni Brother Zhou para makabawi sa pagsisinungaling ko ngayong araw."

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoWhere stories live. Discover now