Paglantad sa isang Huwad na Lider: Isang Personal na Pakikibaka

2 0 0
                                    

Ni Zheng Yi, South Korea

Noong nakaraang taon, ginagawa ko ang aking tungkulin sa isang iglesiang wala sa bayan, pero umuwi ako matapos mapalitan dahil sa hindi paggawa ng praktikal na gawain. Matapos ito, nalaman kong ang aming lider na si Sister Li ay walang anumang nakaliliwanag na sasasabihin tungkol sa mga salita ng Diyos, sa halip ay nangaral lang ng literal na doktrina. 'Di niya kailanman pinag-usapan ang tungkol sa pagkilala sa kanyang sarili o ibinahagi ang mga sarili niyang karanasan. Siya'y mapagmataas kapag tinutulungan ang iba sa kanilang mga problema, tulad ng isang maestrong tinuturuan ang kanilang mag-aaral, at 'di niya malutas ang mga aktwal na isyu ng sinuman. Palagi niyang sinasabi kung gaano siya gumawa at naghirap sa kanyang tungkulin para siya'y tingalain at hangaan. Siya'y isang batas sa kanyang sarili. May isang sister na bago sa pananampalataya, na natakot, nakikitang inaaresto ng Komunistang Partido ang mga Kristiyano. 'Di nagbahagi si Sister Li tungkol sa katotohanan para suportahan siya sa halip ay tinanggal niya lang ito sa kanyang tungkulin. Ako at ang ilang mga diakono'y nagmungkahi sa kanya nang maraming beses, ngunit gagawa lang siya ng mga dahilan at makikipagtalo sa amin. Batay sa mga prinsipyo, ang isang lider na hindi gumagawa ng mga bagay ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan at 'di tumatanggap sa pangangasiwa't pagpupungos ng mga kapatid, ay hindi isang taong tumatanggap at sumusunod sa katotohanan. Di kilala ni Sister Li ang kanyang sarili, kulang siya sa pagpasok sa buhay, at 'di malutas ang tunay na mga problema ng iba. Ang isang lider ng iglesiang tulad noon ay makakasama lang sa gawain ng iglesia at sa buhay ng mga kapatid. Sigurado akong isang huwad na lider si Sister Li at 'di akma para sa gawain sa iglesia at gusto ko siyang isumbong. Ngunit naduwag ako nang isinusreport ko ang isang liham para isumbong siya Kakatanggal lang sa akin. 'Di ko ginagawa ang aking tungkulin. Kapag isinuplong ko si Sister Li at 'di makita ng iba ang nakita ko, maaaring ibalik lang nila sa akin iyon: "O, tingnan n'yo si Zheng Yi. Kakatanggal lang sa kanya pero 'di niya maiwasan ang gulo. Kaya't sarili niya dapat ang tinitingnan niya, at 'di ibang tao. Mukhang wala siyang kaalaman sa sarili o pagsisisi." Kapag sinabi nila iyon, talagang 'di na 'ko magiging kumpyansa sa paligid nila. Bilang isang huwad na lider na natanggal, pakiramdam ko'y wala akong karapatang magsalita. Lalo kong naisip kung paanong ang pagsusumbong na iyon ay maaaring makasakit kay Sister Li, at dahil iisa kami ng iglesia, palagi naming nakikita ang isa't isa. Paano kami magkakaayos pagkatapos noon? Paano kung mapanatili niya ang kanyang posisyon at gawing mahirap ang mga bagay para sa akin? Kapag lalo ko itong iniisip, mas lalo akong nahihirapan. Natanto kong maari siyang masaktan ng pagsusumbong at 'di ako dapat sumugal sa gawing iyon. 'Di ko magawang liwanagan ang sarili kong kalagayan, at ang isang huwad na lider sa iglesia'y hindi isang isyu na dapat kong pasanin nang mag-isa. Iba na lang ang magsumbong sa kanya. Gusto ko lang na patuloy na pumunta sa mga pagtitipon at panatilihin ang kapayapaan.

Nagpasya akong alisin ang isyung ito sa isip ko, pero nakaramdam pa rin ako ng nakakainis na pagkabalisa. Habang nakahiga sa kama, mapupuno ang isip ko ng mga isipin ng pagyayabang ni Sister Li sa mga pagtitipon at paulit-ulit na pangangaral. Mapanganib iyon para sa mga kapatid kung magpapatuloy ito. Nakonsensya ako sa 'di pagsasalita. Binasa ko kalaunan ang mga salitang ito mula sa Diyos: "Ipagpalagay natin, halimbawa, na may isang pangkat ng mga tao na may nangunguna sa kanila; kung tinatawag ang taong ito bilang isang 'pinuno' o bilang isang 'manggagawa,' ano ang kanilang tungkulin sa loob ng pangkat? (Ang tungkulin ng pamumuno.) Ano ang epekto ng pamumuno ng taong ito sa kanilang pinangungunahan at sa pangkat sa kabuuhan? Nakakaapekto ito sa direksyon ng pangkat at sa landas nito. Ipinapahiwatig nito na kung ang taong ito na nasa posisyon ng pamumuno ay lumalakad sa maling landas, kung gayon, kahit papaano, makapagdudulot ito ng paglihis sa tamang landas ng mga taong nasa ilalim nila at ng buong pangkat; higit pa rito, maaaring magambala o masira nito ang direksyon ng buong pangkat habang sumusulong sila, pati na ang kanilang bilis at paghakbang. Kaya't pagdating sa grupong ito ng mga tao, ang landas na kanilang sinusundan at ang direksyon ng landas na kanilang pinipili, ang abot ng kanilang nauunawaan sa katotohanan gayundin ang kanilang paniniwala sa Diyos ay nakakaapekto hindi lamang sa kanilang sarili, kundi sa lahat ng kapatid na nasasakupan ng kanilang pamumuno. Kung ang isang pinuno ay isang taong matuwid, na lumalakad sa tamang landas at hinahanap at isinasagawa ang katotohanan, kakain at iinom nang maayos at maghahanap nang maayos ang mga taong kanilang pinangungunahan, at, kasabay nito, ang pansariling pagsulong ng pinuno ay palaging makikita ng iba. Kaya, ano ang tamang landas na dapat lakaran ng isang pinuno? Ito ang kakayanang pangunahan ang iba tungo sa pagkaunawa ng katotohanan at sa pagpasok sa katotohanan, at akayin ang iba sa harapan ng Diyos. Ano ang maling landas? Ito ang madalas na pagtataas sa sarili at pagpapatotoo sa sarili, paghahangad ng katayuan, kasikatan, at pakinabang, at hindi kailanman nagpapatotoo sa Diyos. Ano ang epekto nito sa mga taong nasa ilalim nila? (Dinadala nito ang mga taong iyon sa harapan nila.) Maliligaw ang mga tao papalayo sa Diyos at hahantong sa ilalim ng kontrol ng pinunong ito. Hindi ba't malinaw na ang mga taong dinadala sa harapan ng kanilang pinuno ay makokontrol ng pinunong iyon? At, siyempre, inilalayo sila nito mula sa Diyos. Kung pinangungunahan mo ang mga tao upang lumapit sa harapan mo, kung gayon pinangungunahan mo sila upang lumapit sa harapan ng tiwaling sangkatauhan, at pinapangunahan mo sila upang lumapit sa harapan ni Satanas, hindi sa Diyos. Tanging ang pangunguna sa mga tao upang humarap sa katotohanan ang siyang pangunguna sa kanila upang lumapit sa harapan ng Diyos. Ito ang mga epekto ng dalawang uri ng tao—silang lumalakad sa tamang landas at silang lumalakad sa maling landas—sa kanilang pinapangunahan" ("Para sa mga Lider at Manggagawa, Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (1)" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nakita ko sa mga salita ng Diyos na ang landas ng isang lider ay 'di lang personal na nakakaapekto sa kanila, ngunit may direktang epekto ito sa pagpasok sa buhay ng iba at ang gawain ng buong iglesia. Hungkag na mga salita lamang ang ipinapangaral ni Sister Li at 'di malutas ang mga totoong paghihirap ng mga kapatid. Palagi siyang nagmamalaki at inililigaw ang tao at hinangaan siya ng mga kapatid. Ang malala pa, siya'y mapagmataas at diktador at siya lang ang nasusunod sa maraming gawain sa iglesia. 'Di niya hinanap ang mga prinsipyo ng katotohanan o tinatanggap ang mga mungkahi ng iba, sa halip ay pinangasiwaan lang ang mga bagay batay sa kanyang sariling mga palagay. Malabong maitaguyod niya ang gawain sa iglesia—tahasan niyang pinipigilan ito. Kung may gayong isang huwad na lider sa iglesia, ang mga kapatid ay mahihilang pababa kasama niya. Ang makitang napakaraming mga mananampalataya ang nalinlang ng isang huwad na lider at naghihirap sila sa kanilang buhay dahil dito ay sadyang napakalungkot para sa Diyos. Napagtanto ko nang isang huwad na lider si Sister Li at nakita ko ang kapahamakang nagawa sa mga kapatid at sa buhay-iglesia sa pagkakaroon ng isang huwad na lider na namamahala. Pero dahil lang natakot akong magalit siya, pinanood kong mapigilan ang gawain sa iglesia at ang pagpasok sa buhay ng iba nang mulat ang aking mga mata. 'Di ako nanindigan para ilantad o isumbong siya. Talagang 'di ako makatuwiran, at 'di ko isinaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Napakamanhid ko! Nasira ko na ang gawain sa simbahan sa 'di paggawa ng tunay na gawain sa aking dating tungkulin. Ngayon, ang makitang nililinlang ng isang huwad na lider ang hinirang ng Diyos, pero hindi naninindigan para isumbong siya o pagtibayin ang mga interes ng iglesia ay isang pagkakamali ko! Mas lalo kong naramdamang utang ko ito sa Diyos, at bilang isang nilikhang nilalang, kailangan kong manindigan, isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at pagtibayin ang gawain sa iglesia. 'Yun ang tungkulin ko, at isang responsibilidad na kailangan kong isakatuparan! Binigyan ako ng kaunting lakas ng isiping ito at sinabi ko sa sarili ko, "Para sa mga interes ng iglesia at sa gayon ay makapamuhay ng isang tunay na buhay-iglesia ang hinirang na mga tao ng Diyos, kailangan kong isagawa ang katotohanan at magsalita tungkol sa mga isyu ni Sister Li. 'Di ko na pwedeng hayaang iligaw ng isang huwad na lider ang mga kapatid!" Nang naghahanda na sana akong sumulat ng isang ulat, narinig kong kamakailan, matapos ituro ng isang nakatatandang sister ang ilang mga isyu ni Sister Li sa kanya, tumigil siya sa pakikipagtipon dito. Nagalit ako nang marinig ito. Naramdaman kong talagang tumanggi siyang tanggapin ang katotohanan. Ngunit sa parehong panahon, lumitaw ulit ang mga pag-aalala ko. Ibinukod niya ang sister na 'yon dahil lang sa pagpapahayag ng ilang mga pananaw. Pag nalaman niyang isinuplong ko siya, magtatanim ba siya ng galit sa akin at pahihirapan ako? Pag sinimulan niyang hatulan ako at akusahan ako ng pag-atake sa mga lider at mga mangagawa, anong iisipin ng iba? Sa kanyang pagpigil sa akin, mawawalan ako ng pagkakataong gawin ang aking tungkulin at mas lalong magiging mahirap itong tiisin. Ngunit talagang makokonsensya ako pag 'di ko siya isinuplong. Mayroong pagtatalo sa loob ko—naguguluhan ako.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoWhere stories live. Discover now