Kabanata 1

48 0 0
                                    

Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Hu Ke Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong

Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: "Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito." Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, "Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko," at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.

Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito sa pagbabahagi mula sa itaas: "Ang disposisyon ng Diyos ay nagtataglay ng maraming aspeto. Nilalaman nito kung ano ang mayroon ang Diyos at kung sino Siya, ang Kanyang mga pananaw, ang Kanyang mga ideya, ang Kanyang pag-iisip at karunungan. Nilalaman nito ang pag-uugali ng Diyos sa lahat ng uri ng tao, kagaya ng Kanyang mga sentimiyento ng awa at pangangalaga, at lalo na ang Kanyang matinding galit sa pagrerebelde at pagtutol ng sangkatauhan. Dahil ang bawat pangungusap ng Diyos ay naglalaman ng Kanyang pag-iisip, Kanyang karunungan at Kanyang mga ideya, dahil ang lahat ng ito ay naglalaman ng batayan at pinanggagalingan ng Kanyang mga salita, dahil lahat ng mga ito ay natural na ipinapahayag ang pag-uugali ng Diyos sa sangkatauhan, nang walang isang pangungusap na walang pundasyon, isang napaka-natural na bagay na taglayin ng bawat pangungusap ang disposisyon ng Diyos.... Kung, kapag binabasa ang mga salita ng Diyos, hindi sinusubukan ng isang tao na mabatid ang mga ito nang husto, hindi nagsisikap nang husto o walang sapat na karanasan, kung ganon, ang disposisyon ng Diyos ay hindi madaling mapansin, lalo na ang maunawaan. Samakatuwid, ang kinakailangan ay tumahimik ang tao sa harapan ng Diyos at ibigay nang buong-buo ang kanilang mga puso sa mga salita ng Diyos, at para sa kanilang pagbasa at pagsubok na unawain ang mga salita ng Diyos na gagawin habang nagdarasal; pagkatapos, dahan-dahan mong matutuklasan ang kondisyon ng isip sa likod ng mga salita ng Diyos" ("Mga Tugon sa mga Katanungan mula sa Lahat ng mga Iglesia" sa mga Tala ng Pagsasalita ni Cristo sa mga Lider at Manggagawa ng Iglesia). Noong mabasa ko ang pagbabahaging ito, lahat ay lumagay sa tamang lugar. Napagtanto ko na ang disposisyon ng Diyos ay naglalaman ng maraming bagay: Nilalaman nito kung anong mayroon ang Diyos at kung sino Siya, ang Kanyang mga pananaw, Kanyang mga ideya, Kanyang pag-iisip at karunungan, pati na ang pag-uugali Niya sa lahat ng klase ng tao, ang Kanyang awa at pangangalaga sa sangkatauhan o ang Kanyang pagkamuhi at pagkapoot sa tiwaling mga tao, at iba pa. Bukod dito, ang bawat pangungusap ng Diyos ay naglalaman ng batayan at pinanggagalingan ng Kanyang bawat salita, nang walang isang pangungusap na walang pundasyon, at sa bawat isa at lahat ng gawin ng Diyos at bawat pangungusap na sinasabi Niya ay isang natural na pagpapahayag ng kalahatan kung sino Siya sa buhay. Sa kabilang dako, ang pagkaunawa ko sa disposisyon ng Diyos ay limitado lamang sa kung ano ang gusto at kinapopootan ng Diyos. Ang ganitong uri ng pagkaunawa ay masyadong kumikiling sa isang panig kung kaya hindi nito maabot ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos mula sa bawat pangungusap Niya. Bukod dito, naunawaan ko din na, kung gusto kong maunawaan ang disposisyon ng Diyos mula sa Kanyang bawat pangungusap, kinakailangan kong tumahimik sa harapan ng Diyos at mas lalong magsumikap para matanto ko ang mga salita ng Diyos. Bukod dito, kinailangan kong magdasal at humingi ng pamamatnubay sa harapan ng Diyos, nakatuon sa pag-unawa sa kondisyon ng pag-iisip sa likod ng mga salita na sinabi ng Diyos pati na rin ang batayan at pinanggagalingan ng mga gawain ng Diyos.

Nagpapasalamat ako sa pagliliwanag at pagpapalinaw ng Diyos na nagpahintulot sa akin para matanto ang mga bagay na ito, at pagkatapos ay sinimulan kong magtuon sa pagsasanay at pagpasok sa aspetong ito. Isang araw, nabasa ko ang isang sipi sa mga salita ng Diyos: "Kung mahalaga o hindi ang gawain na ito ay batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, at ang katotohanan ng kasamaan ng sangkatauhan, at ang kalubhaan ng pagsuway ni Satanas at ang kanyang panggugulo sa gawain. Ang isa na tama para sa gawain ay totoong ipinahahayag sa kalikasan ng kanyang gawain, at ang kahalagahan ng gawain. Kung nauukol sa kahalagahan ng gawain na ito, sa kung anong paraan ng gawain ang gagamitin—ang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, o gawain na ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao, o gawain na tinapos sa pamamagitan ng tao—ang unang aalisin ay ang gawain na tinapos sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng gawain, at ang kalikasan ng gawain ng Espiritu laban sa yaong sa katawang-tao, ito ay napagpasyahan sa huli na ang gawain na ginawa sa katawang-tao ay mas kapaki-pakinabang para sa tao kaysa sa trabaho na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, at nag-aalok ng higit na mga pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos sa oras ng pagpapasya kung ang gawain ay ginawa sa pamamagitan ng Espiritu o sa pamamagitan ng katawang-tao" ("Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Noong sinubukan kong mabatid nang mabuti ang siping ito, pakiramdam ko ay nakahanap ako ng malaking pabuya. Ipinakita ng mga salita ng Diyos ang paglago ng pag-iisip ng Diyos sa panahong iyon, iniisip kung anong paraan ang gagamitin para sa gawain sa mga huling araw. Habang Siya ay nag-iisip, ang unang bagay na isinaalang-alang ng Diyos ay kung anong paraan ang gagamitin na magbibigay ng pinakamaraming benepisyo sa tao sa gawaing ito, kung ano ang pinakamagandang paraan para matamo ang resulta ng pagliligtas sa tao at kung ano ang gagawin para tanggapin ni Satanas ang pagkatalo, sa gayon ay talunin si Satanas at dalhin ang mga tao na malalim na nasaktan sa ganap na kaligtasan. Sa kabuuan ng proseso ng pag-iisip na ito, palaging isinaalang-alang ng Diyos ang tao at hindi kailanman isinaalang-alang ang Kanyang sariling mga kapakanan o kaligtasan. Maliwanag na alam ng Diyos na ang Kanyang pagkakatawang-tao ay magdurusa nang napakahirap, ngunit hindi ito isinaalang-alang pagdating sa pagsagip sa sangkatauhan. Sa halip, pinili pa rin Niya, ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan at sa katotohanan ng kasamaan ng sangkatauhan, ang paraan ng Diyos na magkatawang-tao para isagawa ang gawain sa mga huling araw. Ipinagsasapalaran Niya ang malaking panganib para pumunta sa kaloob-looban ng lungga ng tigre, pinagdurusahan Niya ang mabangis na pagmamalupit at pagtutugis ng malaking pulang dragon, tinitiis ang pag-abuso at kalapastanganan ng iba't ibang mga sekta at mga denominasyon, at tinitiis din ang pagtutol, rebelyon at maling pag-unawa ng mga kagaya natin na sumusunod. Ang mga sugat at mga pag-atake na ipinabata sa puso ng Diyos at ang pagpapahiya na tinitiis ng Diyos ay talagang mga bagay na walang nakakaunawa. Ang lahat ng ipinahahayag at ibinubunyag ng Diyos ay lahat ng kung sino Siya sa buhay: Ang walang pag-iimbot na paglalaan ng Kanyang sarili para sa sangkatauhan at ang Kanyang pagbabayad sa halaga para sa kanila. Ang kadakilaan at pagiging hindi makasarili ng Diyos ay likas na naibunyag sa Kanyang gawain at sa Kanyang bawat pangungusap, at isinasakatawan din ng mga ito ang dakilang awa at walang pag-iimbot na pagmamahal ng Diyos. Ang pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan ay hindi lamang walang laman na mga salita, kundi isang praktikal na halaga na binabayaran Niya. Sa panahon na iyon, nagkaroon ako ng malinaw na pag-unawa na ang Diyos ay tunay na dakila at kaibig-ibig! Kaya, bagama't nabasa ko na itong mga salita ng Diyos sa nakaraan, hindi ko kailanman naintindihan ang batayan sa likod ng mga salitang sinabi ni Cristo o ang lahat na ibinunyag ng mga ito, at hindi ko rin naunawaan ang pagmamahal ni Cristo para sa sangkatauhan. Ngayon lamang ako nagkaroon ng ilang tunay na pag-unawa sa mga salitang ito ng Diyos: "Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko."

Noon, dahil hindi ko kailanman pinatahimik ang aking puso o masigasig na sinubukang mabatid ang mga salita ng Diyos, nawala ko ang maraming magandang pagkakataon para maunawaan ang Diyos, kung kaya't kahit sa ngayon, marami pa rin akong mga kuru-kuro at maling pag-unawa sa Diyos, at ako ay nananatili pa ring hiwalay sa Kanya. Ngayon ko lamang nauunawaan na kung gusto kong maunawaan ang disposisyon ng Diyos, kinakailangan kong maging masigasig na subukang mabatid at hanapin ang katotohanan sa loob ng bawat pangungusap ng Diyos. Sa paraang ito, siguradong malaki ang aking makukuhang pakinabang. Magmula sa araw na ito, gusto kong magtuon sa mas lalong pagsusumikap sa mga salita ng Diyos, at hangarin na sa lalong madaling panahon ay magkaroon ng kaunting pagkaunawa sa Diyos.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni CristoWhere stories live. Discover now