Letting Her Go

61 25 0
                                    


“Marcos!” Nabura ang pagkakatulala ko nang sigawan ako ng katrabaho kong si Alex, kaibigan ko rin na may hawak na kape, dahil nasa isang coffee shop kami ngayon. Tumingin ako sa paligid at napansing nakatitig na sa amin ang ibang customer

“Hindi mo naman kailangan sumigaw,” sabi ko sabay inom ng tubig.

“Kanina pa kita tinatawag, tulala ka na naman.” Mapapansin sa mukha niya ang pag-aalala nang sabihin niya ito bago muling humigop sa kanyang kape.

“Wala, naiisip ko lang 'yung mga paperworks natin ang dami kasi!” iyak ko na kunwaring natatawa.

Siningkit niya ang kanyang mata habang tinitigan ako nang mabuti. “Si Megan na naman ba iniisip mo?” Napawi ang pagtawa ko nang mahulaan niya kung sino talaga ang iniisip ko.

“Tol, hindi ko ‘to sinasabi para maging masamang kaibigan—sinasabi ko ‘to para sa ikakabuti mo. Forget about her.” Nakabahid sa mukha ni Alex ang pagkasimangot nang banggitin niya ito. Kasama ko si Alex noong araw na iniwan ako ni Megan, dahil ayaw sa akin ng magulang niya at dinala siya sa kanilang probinsya.

“Sasabihin mo na naman bang mahal mo pa? 6 years na, Marcos. Kita mong hindi ka niya ipinaglaban sa magulang niya tapos sinabi niyang hindi ka niya mahal.”

Nanatili akong tahimik, dahil halos lahat nang sinabi ni Alex ay totoo, pero nananalig akong hinihintay niya pa rin ako hanggang ngayon.

“Lahat ng oras mo, pagod, pag-iisip at mga regalo mo sa kanya nasayang. Kaming mga kaibigan mo—hindi mo nabigyan ng oras para sa kanya. Noong una ayos lang sa amin, pero noong iwan ka niya ng gano’n kadali—”

Sandaling napahinto sa pagsasalita si Alex bago muling nagsalita. “Hindi namin—hindi ko matatanggap, lalo pa’t alam kong mahal na mahal mo ‘yong babaeng ‘yon.”

“Pasensya kung nawalan ako ng oras noon sa inyo, pero ‘di ako nagsisisi na binigay ko kay Megan ‘yon.”

Napakibit balikat kasabay ang buntong hininga si Alex bago ito tumayo para magpaalam. Hindi siya aalis, dahil sa pagmamatigas ko. Sadyang busy ito, tulad ng sabi ko kanina marami kaming paperwork.

Nang maubos ko na ang aking slice na cake at tubig ay kaagad akong lumabas ng coffee shop para maglakad-lakad sa labas, dahil alas tres pa lang naman ng tanghali.

Napadaan ako sa isang malaking mall na kakatayo lang last week, at sunod no’n ay napadaan ako sa loob ng parke sa lugar namin.

Nang marating ko ang isang stone bench sa gilid, napansin ko rito ang bulaklak na kulay asul. Kung hindi ako nagkakamali sa hugis nito—bell ang bulaklak na ‘yan. Biglang pumasok sa isip ko ang aking nakaraan kung saan binibigyan ko si Megan ng bell flowers, six years ko na siyang hindi nakikita, mahigit tatlong taon ko siyang binibigyan ng bulaklak kapag monthsary namin subalit nawala ito na parang bula.

“Hey! That’s my flower!” Nalipat ang tingin ko sa batang babae na may dala-dalang iba’t-ibang bulaklak nang pulutin ko ang bell na bulaklak.

Pinagmasdan ko ang mukha ng bata at napansing may pagka-western ang kanyang hitsura. American?

“Sorry, is this yours?” Tumango ang batang babae at ngumiti ito nang iabot ko ang bulaklak sa kanya. Maging ako napangiti nang mapansin ang sigla sa kanyang mukha.

“Do you know what’s this flower?” tanong ko subalit umiling ito. “That flower is mostly used to express the feelings of being thankful, the flower bell.”

Bigla kong naalala ‘yong araw na ipinaliwanag ko kay Megan kung anong bulaklak ang bell at ang meaning nito na nagdulot ng kaunting lungkot sa aking damdamin.

Lumuwag ang ngiti ng bata at mamapansin ang mangha sa mukha ng nito bago sabihing, “That’s my name!”

“Your name’s Bell” Nakangiti pa rin ako nang tanungin ko ‘yon sa batang babae.

“Yes, mommy also told me that my name stands for the feelings of gratitude too.”;Paliwanag niya at may pumasok sa isip ko nang sabihin niya ang salitang “mommy.”

“What’s your mommy’s na—” Naputol ang itatanong ko nang marinig namin ang sigaw ng babae galing sa likuran ng bata.

“Bell, there you are! I told you to not go far—” Napatigil sa pagsasalita ang babae nang makita niya ako, bahid sa mukha niya ang gulat at hindi makapaniwala sa kanyang namataan.

“Mommy!” Tumakbo ang bata sa taong tumawag sa kanya at niyakap niya ito—pero patuloy pa rin sa aking nakatitig ang babae.

“Kaya pala Bell ang pangalan niya, makes sense now,” saad ko at inayos ko ang aking pagkakatayo habang nakatingin kay Megan na umiiwas nang titig. “Sinabi mo rin pala sa kanya ang meaning ng bell.”

Umupo si Megan halikan ang anak niya sa pisnge bago muling tumayo at tumingin sa akin.

“Marcos,” banggit ni Megan na parang may gustong sabihin subalit parang may pumipigil sa kanya.

“Kamusta ka na?” tanong ko pero nanghihinayang siyang sumagot.

“A-Ayos lang ako, I’m married for 4 years now, ito ang anak ko, si Bell.” Paliwanag niya habang napipilitang ngumiti sa aking direksyon.

“I know, she’s a really good girl.” Umupo ako pababa para tignan ng maayos si Bell na nakahawak sa kamay ni Megan. Ang rason siguro kung bakit ako napangiti nang makita ang bata na ‘to kanina, dahil kuhang-kuha ng hitsura niya ang mukha ni Megan.

Ngumiti ako sa bata bago ito tanungin. “Do you love your mommy?”

“Yes, I really love mommy!” sagot nito sabay yakap kay Megan kaya napaharap sa kanya si Megan at ngumiti ito bago muling lumingon sa akin.

“Ako rin,” sabi ko pero hindi ito naintindihan ni Bell, tumingin ako kay Megan at mapapansin ang mga mata nitong malapit nang maluha dahil sa sinabi ko. Muling yumuko si Megan at binuhat niya si Bell.

“K-Kailangan na naming umalis, hinihintay kami ng asawa ko.” Pinunasan niya ang luha sa kanyang mata, naglakad na sila palayo sa akin at pinanood ko silang maglaho sa aking paningin.

Hindi na pala dapat ako naghintay— nasa tamang tao na ang gusto kong babae. Napakabait ng anak niya, malamang mabait ang napangasawa ni Megan.

Hindi ako nag-a-assume, pero sa tingin ko may natitira pa siyang pagmamahal sa akin. Sa pangalan ng anak niya na lagi kong binibigay noon at sa luha niya na nakita ko ngayon.

Love at First Sight (One Shot/Short Stories)Where stories live. Discover now