Garden of Love

43 22 4
                                    

“Ano ‘yong post mo, tol.”

Nag-pop up ang isang notification message sa taas ng screen ng aking phone galing sa aking kaibigan. He must be referring to the picture I’ve posted. It was my tita’s house garden.

May matandang babae kasing nagsabi sa akin dati na mag-post ako sa social media about sa garden na familiar ako, which is my Tita’s garden.

Naglakad ako papunta sa garden at pinagmasdan ito, may aquarium na tatlo sa gilid pero hindi ko ito isinama sa picture na aking na-post, dahil hindi maganda tignan lalo pa’t ang dumi ng isang aquarium na matagal nang hindi nagamit.

“Kuya, maglalaro lang ako sa labas, ipaalam mo ako kay Tita.”

“Ikaw na magpaalam—” hindi ko na natapos ang aking sasabihin, dahil nagmamadaling lumabas ang aking kapatid.

*Messenger notification sound*

I took a lounge metal chair placed here at my Tita’s cove and sat on it before reading the message in my messenger.

“Saang lugar ka po?”

“Nakita ko kasi ‘yong post mo, na-curious ako kung saang lugar ‘yan.”

“Bakit po?” I sent the message that I typed on my phone, answering her questions with another question.

“Hindi ko po alam ang lugar na ‘yan. Pero napanaginipan ko na kasi ‘yang mismong garden,” basa ko sa mensahe nito.

Bahagya akong natulala ng saglit habang inaalala ang sinabi sa akin ng matanda three months ago. I think this is it!

I was experiencing anxiety and depression back at that day after my former partner and I broke up. Pinag-post ba ako ng matanda dati para may makilala akong babae?

“Dahil lang napanaginipan mo ako? HAHAHA. Kailan mo ba ako napanaginipan?” Huminga ako nang malalim ng ma-i-send sa kanya itong mensahe.

Ilang segundo lang ang nakalipas bago siya muling nag-reply.

“Tatlong buwan na, may hinahabol kasi akong bata na tumatakbo papunta d’yan sa hardin niyo, tapos biglang may lumabas na binata.”

Bata? Kapatid ko? Ako ‘yan. Ibig sabihin legit nga ang sinasabi ng matanda—

“Naka-hubad ‘yong binata tapos hinabol niya ako HAHA.” Nabigla ako sa kanyang mensahe nang mabasa ito.

Naka-hubad?!

I was about to type and send her a message that I‘m that young man, but I guess not.

“Malamang, hindi ako ‘yan!” sabi ko mula sa chat.

“Joke, nakatuwalya po siya, tapos parang w-in-elcome niya ako sa bahay nila at pinanood ko siyang magdilig at magpakain ng isda.”

Sa sinabi niya pa lang na magpakain ng isda, alam kong siya na nga ‘yong dahilan kung bakit ako sinabihan ng matandang babae na mag-post.

But, I’ll confirm it to be sure.

“Anong isda?” tanong ko mula sa chats at nag-reply ito.

“‘Yong tatlong aquarium po, hindi ko alam kung anong mga isda ‘yon”

“Hindi ko alam kung totoo panaginip mo, pero totoo mga sinabi mong may bata at aquarium na tatlo rito sa amin.” Natatawa ako nang i-send ko ito sa babae. I never took a picture of the aquarium, yet she knows it. This is just frickin’ nuts. Sino ‘yong matanda at paano niya nalaman?

“Saang lugar ka po?” muli kong nabasa ang chat niya.

“Pasay,” sagot ko.

Ilang segundo pa at may reply na ito kaagad.

“Nasa Pasay po ako, puwede ba tayong magkita, kuya.”

“HAHAHA, pwede naman, anong kuya?”

“Sa panaginip ko po kasi parang 20-21 years old ka na po, 19 lang kasi ako.”

Totoo nga talaga panaginip niya. I'm 21 years old.

Patuloy ang pag-uusap namin habang naglalakad ako papunta sa aming meeting place. Nakatayo ako ngayon malapit sa gate ng park mansion na aming tagpuan, palipat-lipat ang tingin ko sa paligid, dahil baka biglang may tumigil na sasakyan at hina-hunting lang pala ako para ma-kidnap.

“Kuya,” kaagad na nalipat ang aking pansin sa babaeng tumatakbo papunta sa aking direksyon. She's wearing a crop top sleeveless blouse and a bright crimson skirt. She look stunning.

I also observed her tawny dyed hair cascading down her back, bangs obscured her eyes like a sheepdog, sparkling eyes and smile. She looks perfect.

Napatakip siya ng kanyang bibig nang malapitan niya ako. “Ikaw nga talaga ‘yong lalaki, except hindi ka nga lang naka-tuwalya ngayon.” Natatawa nitong saad at patuloy na ngumingiti.

“Bakit gusto mong makipagkita?” Naglakad siya papunta sa loob ng parke at sumunod ako sa kanya.

“Tatlong buwan na kasi kitang hinahanap, ang bait mo sa panaginip ko.” Tumingin siya sa akin habang patuloy na naglalakad. “Gusto kong ma-kumpirma kung moreno ka ba, matangkad at malaman ugali mo kasi sa mga picture mo naka-filter ka.”

“Alam mo, hindi kita napanaginipan.” Umupo kami sa may bench na gawa sa bato. “May matandang babae na nagsabi sa akin na mag-post ako ng hardin na palagi kong namamataan at hardin ng tita ko ‘yon.”

“Kailan sinabi ng matanda sa ‘yo ‘yon?” Ginalaw niya ang kanyang paa na parang swing habang nakangiti nang itanong niya ito.

“Tatlong buwan na rin ang nakalipas, malungkot ako noong mga oras na ‘yon dahil sa break up, apat na buwan na rin sa ngayon ang nakalipas. Me and my friends happened to be a little drunk and we tried paying an old lady to tell my fate.” I kept smiling while explaining everything to her while she on the other hand remained listening silently. “Hindi ako naniwala sa matanda kaya ngayon ko lang na-post sa social media.”

“Sabay lang pala tayong tatlong buwan,” muli siyang ngumiti sabay tingin sa kanyang wristwatch para tignan ang oras.

“Hindi kaya sign 'to.” Ngumiti ako habang nakatingin sa lapag.

“Baka tayo ‘yong para sa isa't-isa.” Tumingin ako sa kanya nang ipagpatuloy ko ang aking sinabi at nakangiti siyang nakikinig sa akin.

“Baka nga para tayo sa isa't-isa.” Namuo ang ngiting abot-tenga sa aking mukha nang sabihin niya ito. “Noon.”

Nag-iba ang kanyang ekspresyon, lumungkot ito at parang may awa akong nakikita sa kanyang mukha.

“Tatlong buwan na ‘di ba? You’re too late.” Tumayo ito sa kanyang inu-upuan at muling ngumiti. “May boyfriend na ako, magda-dalawang buwan at kalahati na kami.”

Hindi ko pinakitang nagulat ako, nanatili ang ngiti kong hanggang tenga, subalit pagpapanggap na lamang ito.

“Mabuti naman kung gano’n,” sambit ko at tumayo rin ako sa aking pagkaka-upo.

“Salamat at pumayag kang magkita tayo. Ngayon naniniwala na akong kapag napanaginipan ko, makikilala ko rin sa totoong buhay.” Naglakad na ito palayo at naiwan akong nandito sa parke.

Dapat pala noon ko pa ginawa, noon pa dapat ako nag-post ng hardin namin.

Love at First Sight (One Shot/Short Stories)Where stories live. Discover now