Echoes of The Forgotten Heart

104 11 1
                                    

“Ang lamig,” bulong ko sa aking sarili habang isinusuot ang aking lab coat na nakasabit sa plastikong coat rack malapit sa pinto ng clinic palabas kung nasaan ako ngayon.

I settled into my swivel chair, stretching my arms before reaching for the small board on my desk that displayed the schedule of patients who would be visiting me later. It was a part of my weekend routine to have private individuals with whom I had a personal connection come to my clinic for check-ups.

At the end of the day, exhaustion overwhelmed me from having numerous conversations with my patients. But, despite the fatigue and exhaustion, I must admit it—I genuinely enjoy engaging with them.

The interactions with my patients offer me a chance for meaningful conversations, particularly since I don’t have many people to talk to after such a tiring day at work.

“Doc.” Dahan-dahang bumukas ang pinto ng clinic kung saan sumilip ang isa sa mga nurse na naka-register sa ilalim ng mga utos ko.

Bahid sa mukha niya ang pagod at tila ba’y kinulang siya sa tulog bago tuluyang binuksan ang pinto bago itinuloy ang kanyang sasabihin.

“May pasyente po kayo.”

“Pasyente? It’s 4 in the morning. Alam mo namang mga bandang alas singko pa nagsisimula check-ups ko, ‘di ba?”  saad ko.

Gumuhit sa mukha niya ang pagkahiya at nanlaki ng kaunti ang kanyang mata habang kinakagat ang magkabilang dulo ng kanyang labi bago nagsimulang mamula ang kanyang pisnge kasabay ang pagkamot sa kanyang ulo bago sagutin ang aking sinabi.

“S-Sorry po, sabi niya po kasi kilala niya kayo at hindi siya nakapag-pa-schedule para sa check-ups niyo mamaya.”

Kumunot ang noo ko nang bitawan niya ang pahayag na ‘yon bago bumuntong hininga.

“Sino ba?” tanong ko na tumayo sa aking inuupuan para silipin kung sino ang tao na nasa likod niya.

Napansin ko ang maikli nitong buhok at ang pisikal na katawan nito’y maskulado.

Lalaki?

Nalipat ang titig ko sa nurse at sumingkit ang aking mata bago magsalita.

“Have you forgotten that I’m a gynecologist?” I stated, causing her gaze to momentarily shift away from me. She avoided making eye contact for a moment before stepping aside, allowing me a clear view of the man standing behind her.

“Pasensya po sa pagbisita, doc,” sabi ng lalaki nang makatapak siya sa loob ng clinic.

“O, si Patrick pala ‘yan,” sagot ko bago ilantad ang aking kamay na nakaturo sa upuan na nasa harapan ng aking lamesa para sabihing maupo siya.

Lumingon ako muli sa nurse bago sabihing, “You can go back to your counter.”

After the nurse departed, Patrick took a seat in the chair before uttering, “Magpapa-schedule po ako para mamaya, hindi ko po kasi kayo ma-contact kaya pumunta na lang po ako rito.”

“You’re not the patient?” I said, confirming what he had just explained.

“Alam ko naman pong babae lang chine-check up mo, doc. ‘Yong girlfriend ko po kasi parang buntis at gusto ko rin po sanang magpatulong para makausap si Doc. Carlos para sa psychotherapy.”

After writing the schedule on the board, which I was holding to set up his girlfriend’s check-up, I retrieved a piece of paper from my drawer. I handed it to him, asking him to fill in his girlfriend’s name and specify the type of check-up she needed. Once he completed it, I would then sign the paper.

“Huling pasyente ko siya para mamaya, balik ka na lang kasama siya between 9 to 10 and about naman kay Dr. Carlos, susubukan ko siyang contact-in para ma-i-schedule kayo.” Paliwanag ko nang kuhain niya ang papel sa aking kamay.

Love at First Sight (One Shot/Short Stories)Where stories live. Discover now