Meeting You is an Accident

65 26 3
                                    

I rushed out of the house, due to my sister ordering me to go to the store to buy her napkins.

“Kapag ako ‘tong may dalaw tapos sila ang pinabili ko—hindi naman nila ako binibilhan,” bulong ko sabay tingin nang masama sa direksyon ng bahay namin, kung saan makikita ang ate ko na naka-dungaw sa bintana. Lagi na lang nila akong ginagawang utusan.

Madilim ngayon dito sa labas, malamig ang simoy ng hangin at tila’y nakakabingi ang tahimik na kalsada. Alas siyete na rin kasi ng gabi, ‘tapos malayo pa ang tindahan sa bahay namin.

Nasa kalagitnaan na ako nang madatnan ko ang sasakyan sa hindi kalayuan, marami itong ilaw at parang lumulutang. Sasakyan ba ‘yan?

My body’s movement stopped for a second before the car hits me. I don’t feel my limbs or know where the ground is, because I’m currently spinning. Like diving in a lake while doing flips—don’t know which way is up until everything stops and I saw the light again. Every movement during that flip around feels like a punch.

“Lady?”

“Gising na ba siya?”

“Uy Lady!” Napamulat ako mula sa mga boses na naririnig ko. Umaga na, nakatayo si Mama at Ate sa gilid ng kama ko habang ako nama'y nakahilata sa higaan na kinukutkot ang aking mga mata.

Kaagad kong kinapa ang sarili ko nang maalalang nabunggo nga pala ako ng kotse.

“Wala akong sugat?” Seryoso ang tingin ko sa dalawa at siningkitan ako ng mga ito.

“Bakit ka naman magkakasugat?” tanong ni Mama sabay upo sa gilid ng kama. “May lalaking nakakita sa ‘yo, nakahiga ka raw sa daan at wala kang malay.”

Lalaki? Hindi ba’t nabangga ako?

“Sinong lalaki?” Babangon sana ako nang sabihin ko ‘yon subalit pinigilan nila ako.

“Huwag ka munang bumangon, ‘yong lalaki kagabi pa siya nakaalis. ‘Wag kang mag-alala, sinigurado naming wala siyang ginawa sa ‘yo.” Paliwanag ni Mama, pero hindi ‘yon ang gusto kong malaman.

Am I delusional?

Hindi lang dahil sa iniisip kong nabangga ako, isa sa dahilan ay ang pakikipag-usap ni Ate at Mama sa akin. Hindi nila ako madalas kausapin, utos-utosan lang ako at nagiging mabait sila sa akin kapag nandito si Papa.

Pumatong ang tanghali, matapos kumain ng tanghalian ay umalis sila Ate at Mama para mag-grocery. Hindi nila ako sinama, dahil sa nangyari kagabi. Magpahinga lang daw muna ako.

While I was busy in the room tapping on my phone, I was startled to hear a bang that came from my closet.

I stood up as quickly as I can and grabbed the book that was on my study table before saying, “sino ‘yan?!” in a loud voice.

“If you're holding something and about to throw it, please drop it down.”

Mas lalo akong natakot nang marinig ang kanyang boses, dahil lalaki ito.

“Anong ginagawa mo rito sa bahay namin?!” Lumabas ito sa kabinet at bumungad sa harap ko ang lalaki na nagsa-salita sa loob nito. He’s wearing a weird black latex suit making him look like a burglar, a black domino mask and another black cape-hood covering his whole body.

“Don’t throw that book, please.” Itinaas niya ang kanyang mga kamay na parang sumusuko at ako nama’y nakakunot ang noo.

Hinayaan ko siyang magpaliwanag ng mahigit isang minuto bago muking itinutok sa kanya ang libro

“Nag-teleport?!" Tumaas ang isa kong kilay sa kanya nang itanong ko ‘yon. “Do you think I was born yesterday to believe your clarification?!”

Babatuhin ko na sana siya subalit umatras ito pabalik sa kabinet para magtago. “Give me a second, I will show you. Open this cabinet in a few second.”

Love at First Sight (One Shot/Short Stories)Where stories live. Discover now