Unexpected Scenario

38 24 0
                                    

“Tapos mo na ‘yong thesis mo?” Napasandal ang kaibigan kong lalaki na si Raymark sa sandalan ng kanyang inu-upuan nang matanong niya iyon sa akin.

Nandito kami ngayong hapon sa aming silid, kaming dalawa lamang ang nandito, dahil may hinihintay kami at ang iba naman naming kaklase ay nakauwi na.

“Hindi pa nga ako tapos eh.” Ihinarap ko sa kanya ang laptop na nasa mesa ko para makita niya kung saang part na ako ng thesis.

“Bro, I’m also struggling on that part.”

“Really? You f*cker,” I remarked in disbelief since he kept phrasing that line everytime I showed him something.

“No, maniwala ka, nand'yan na talaga ako sa part na ‘yan.”

My attention was pulled from staring at my friend to a short glance due to my laptop getting a call from someone.

It was Amethyst, tumatawag na naman siya sa akin.

“Bakit hindi mo sagutin ang tawag niyan?” tanong nito nang i-urong niya ang kanyang upuan papunta sa tabi ng table ko at tignan kung sino ang tumawag. “That's the girl you met in RPW, right? She’s been calling you for almost a week by now, why are you avoiding her call?”

Pinagma-masdan ko lamang na umilaw ang screen ng aking laptop habang nakalagay dito ang pangalan ni Amethyst na ayaw akong tigilan at patuloy akong tinatawagan.

“You should already know that I have a feelings for another girl, Ray.” Pinindot ko ang red button sa call at saka bumuntong hininga.

“Kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo, o i-block mo kung ayaw mo sabihin.” Pagmumungkahi nito at ibinalik niya ang kanyang upuan sa dati nitong puwesto. “Parang gagawin mo siyang second option mo kapag na-busted ka nang nagugustuhan mo ngayon.”

Napalingon ako sa kaibigan ko nang sabihin niya ‘yon bago isarado ang aking laptop at tumayo. “Paanong second option? Mukha bang ginagawa ko siyang second option?”

“Kalma—”

Naputol ang sasabihin ni Ray nang batukan kami ng taong dumating mula sa aming likuran. “‘O, bakit hindi kayo gumagawa?”

Nang lumingon ako rito ay kaagad akong napalayo ng tingin.

“Kung makabatok naman ‘to, grabe!” sigaw ni Ray na hinahaplos ang likod na parte ng kanyang ulo.

“What are you doing here, Shaira?” I asked as I watch her comely figure and bright smile.

“I’m here to help, remember?” she said before sitting on my chair while I was left standing.

“Ikaw nalang gumawa nitong thesis namin.” Nakangising sambit ni Ray habang kinukuha ang kanyang laptop.

“Sige, pero mamaya na.” Tumingin sa aking direksyon si Shaira nang sabihin niya ito. “Pumunta rin ako rito kasi may sasabihin sa akin si Andy.”

Bigla kong naalala. Yeah, right. I told her to come here since I was expecting that I’ll be alone in our classroom.

“Sasabihin?” Pagtatakang tanong ni Ray sabay lingon sa akin at nagbago ang kanyang ekspresyon habang patuloy na nakangisi. Sana naman mabasa niya ang sitwasyon.

“Naalala ko, may kailangan pala akong bilhin, may papabili ka ba Andy?” Tumayo ito at kinuha ang wallet sa loob ng kanyang bag.

“W-Wala,” sagot ko at lumabas na si Ray. Mabuti nabasa niya.

Umupo ako sa tapat ni Shaira at tumingin siya sa akin na parang hinihintay niya akong magsalita.

“Ano ‘yong sasabihin mo?”

Love at First Sight (One Shot/Short Stories)Where stories live. Discover now