Guhit

147 26 0
                                    

Malapit na mag-alas singko ng hapon, tulala akong nakaupo sa isang bench sa loob ng isang parke, tahimik, kakaunti ang taong dumadaan at maganda ang simoy nang malamig na hangin dulot ng mga nakatayong puno sa loob.

“Uhm.” Nalipat ang tuon ko sa aking kaliwa kung saan nasilayan ko ang mas bata sa aking babae na nakatayo at may hawak-hawak itong canvas na may kasamang lapis. “Mind if I sit there next to you?”

Kaagad akong umusob papunta sa kanan para magkaroon ng espasyo sa kaliwa at makaupo siya rito.

Nang makaupo na ang babae ay bumalik na ako muli sa pagiging tulala.

“Okay ka lang po?” Natauhan ako’t napatingin muli sa babaeng katabi ko na gumuguhit sa hawak niyang canvas.

“O-Okay lang ako.” Nakangiti kong sabi sabay lingon muli sa ibang direksyon. Sadyang ganto lang ako palagi kapag mabigat ang loob ko. Dito ako napupunta para magpalipas oras at kung ano-ano ang iniisip ko kapag nandito ako sa parke kahit na napapakalma ako nitong lugar.

“Okay lang po ‘yan—kung may pinagdadadaanan ka, lahat naman ng problema’y nalalampasan.” Masigla nitong sabi habang patuloy pa rin siya sa pagguguguhit. “At saka magandang lugar ang napili mo para maglabas ng problema.”

Natawa ako nang mahina sa kanyang sinabi bago sabihing, “wala naman akong problema, sadyang ganto lang ako palagi kapag nandito ako sa parke. Pero alam mo bang hindi lahat ng problema nalalagpasan?”

Pinagmasdan ko ang mukha nito at napansing ngumiti siya bago sabihing, “alam ko po.”

“Ikaw?” Pagpapatuloy ko paraan para tumigil siya sa pagguhit at mapalingon sa aking direksyon. “Bakit naisipan mong pumunta rito sa parke?”

Base sa mga nasabi niya kanina tungkol sa problema, parang hindi niya ito sinasabi sa akin—sa sarili niya siguro ito gustong ihatid.

Ngumiti ito at kaagad kong napansin ang kahulugan ng mga ngiti niya. Siya nga ang may pinagdadaanan, kitang-kita sa kanyang ngiti ang lungkot na hindi mo mapaliwanag bago siya muling gumuhit sa canvas.

“Naisipan kong pumunta rito dahil sa punong iyon at saka malapit lang naman ang bahay ko rito.” Itinuro niya ang pinakamalaki at lumang puno na matatagpuan sa kalagitnaan ng parke. “Sabi kasi ng iba, matanda na ang punong iyan, at hanggang ngayon buhay pa rin.”

Tumingin ako sa puno sabay lingon sa kanya. “Sabi nga ng mga kakilala ko seventy years na ang puno na ‘yan,” sambit ko habang pinapanood gumalaw ang kamay niya sa pagguhit.

Mahigit kalahating oras akong nakaupo sa parke, siya naman ay patuloy na gumuguhit simula kanina. Nang matapos siya ay ipinakita niya sa akin ang kanyang ginuhit at nanlaki ang mga mata ko. Kuhang-kuha niya ang bawat aspeto nitong puno.

Napasingkit ang mata ko sa pagtataka, dahil may babaeng nakatayo sa gilid nito. Matagal ko ring pinagmasdan ang guhit niya na nasa kamay ko bago nakuha kong sino ba ‘yong babae. Siya ba ‘yan?

“Alex! Ano ka bang bata ka, kanina ka pa namin hinahanap!”  Napalingon ako sa matandang babae na mukhang masungit at ang sama ng mga titig nito sa akin. Napatayo ang babae na katabi ko, nagpaalam ito sa akin at nang makalayo na sila’y napatingin muli ito at ngumiti sa direksyon ko.

Napakunot ang noo ko nang mawala na sila. Akala ko may tumabi sa aking multo na babae, mala-niyebe ang kulay ng balat niya at noong ipakita niya ‘yong ginuhit niya—akala ko bigla siyang mawawala sa tabi ko.

Napabaling ang tingin ko sa aking kamay, nagulat ako nang makita ang ginuhit ng babae. Nakalimutan niya ‘tong guhit!

Balak ko sanang habulin sila kaso natakot ako sa sumusundo sa kanya at baka kung ano ang sabihin—lalo pa’t mukhang menor de edad ang babae baka kung ano isipin nila.

Alas singko y medya na ng hapon kaya umuwi na lang ako kasama ang ginuhit ng babae.

Kinabukasan ay nagpunta ako sa parke dala-dala ang ginuhit ng babae, ngunit simula alas tres hanggang alas sinco ay wala pa rin siya.

Pinagbawalan kaya siya at iniisip nilang kikidnap-in ko ito?

Lumipas ang ilang mga araw at isang linggo—subalit hindi pa rin ito nagpaparamdam, nagpakita at nagpunta sa parke.

Pumantong ang sampung araw, napag-isipan kong maglakad-lakad sa labas ng parke, dahil sabi niya malapit lang ang bahay niya rito pagkakaalam ko.

Nang matuntong ko ang pangalawang kanto sa kanlurang bahagi at direksyon sa labas ng parke ay napatigil ako sa paglalakad.

Napansin ko ang mga taong nakaitim na damit, malapit sila sa bahay na may malaking tarpaulin na may mukha ng batang babae.

Nabitawan ko ang guhit mula sa aking kamay, ang talukap ng aking mata’y lumalaylay at ang sulok ng aking labi ay dahan-dahang bumaba nang mapagtanto ko kung sino ito.

Sa loob ng tarpaulin ay makikita ang pangalan ng 18 years old na babae na si Alexandria Mendez—ito ay ang babae na nakausap ko sa parke.

Nakita kong binubuhat palabas ang kabaong nito at umiiyak ang mga taong sumusunod.

Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko nang masilayan ang matandang babae na sumundo sa kanya sa parke noong araw na kasama ko ito. Ang masungit na mukha nito’y napalitan nang kalungkutan at ang baba ng mga mata niya’y humantong sa pamamaga.

Last day na pala?

Ibig sabihin, noong araw na kinausap ko siya—ilang oras na lang pala ang natitira sa kanya? Bakit? Paano?

Napuno nang katanungan ang aking isip at tulala kong pinagmamasdan ang pagbubuhat sa kanyang kabaong.

Masigla ang mga ngiti niya pero mayroon pala siyang sakit na pinoproblema?

Kaya niya ba sinabi ang tungkol sa matandang puno na matagal nang nabubuhay, dahil ikinukumpara niya ang sarili niya doon?

Bakit hindi ko kaagad napansin ‘yon?

Muli akong napatingin sa guhit ni Alexandria. Nakaguhit dito ang matandang puno at nasa gilid siya nito—habang may hawak na lapis at ang kanyang canvas.

Love at First Sight (One Shot/Short Stories)Where stories live. Discover now