How Life Works

63 26 2
                                    

“Ano bang alam niyo sa akin?!” Sumigaw ako na ikinagulat nila mama. “Sarili ko ‘tong buhay! Gusto ko ‘tong gawi’n, kaya hayaan niyo nala—”

Naputol ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang mabigat na kamay ni mama. Nagdulot ng malakas na taginting ang pagkasampal sa akin habang kami ay nasa loob ng aking kuwarto.

Nagpunta kasi ako sa bahay ng kaibigan ko nang walang paalam kagabi at hindi nila ito nagustuhan.

“Masyado nang bastos ‘yang bunganga mo!” Nasa hangin pa rin ang kamay ni mama at bahid sa mukha niyang naluluha siya. Sa buong buhay ko, ngayon lang niya ako napagbuhatan ng kamay. “Ganto kami sa ‘yo para hindi ka mapahamak, Yassy!”

Naglabasan ang luha sa aking mata nang makita kong umiyak si mama, isa na rin sa dahilan ay ang sampal niya. Sa tingin ko hindi niya aakalaing mapagbibigatan niya ako ng kamay.

Binalak kong umalis sa bahay at hindi magpakita sa kanila—maging magparamdan.

17-anyos na ako’t kaya ko na ang sarili ko, masyado nila akong bine-baby. Nag-iisa lang akong anak nila Papa kaya paniguradong hindi sila papayag na umalis ako ng gano’n lamang. Tumakas ako sa bahay ng hindi nila alam at nakitira ako sa bahay ng kaibigan kong binabae, mabait ang magulang niya at tanggap nila ako sa kanilang bahay.

Subalit, may bagay na nangyari na hindi ko naman inaakala.

“Yassy.” Naririnig kong bulong ng lalaki kaya iminulat ko ang aking mga mata. Nakapatong ang kaibigan ko sa akin at tinatanggal na nito ang aking bra.

“Bhie, a-anong ginagawa—ugh!” Hinimas niya ang aking dibdib at saka tinakpan ang aking bibig.

“Subukan mong mag-ingay, hindi mo magugustuhan ang mangyayari, Yas. May matutuluyan ka ba kung hindi dahil sa akin?” Sinimulan niya akong ihalay ng gabing iyon, limang beses halos sa isang linggo. Palagi niyang sinasabi na wala raw akong matutuluyan kung hindi dahil sa kanya, nagkamali ako sa kaibigan ko, nagpadala ako, dahil alam kong binabae siya. Nakalimutan kong may lawit pa rin pala siya, nasa instinct pa rin niya ang pagiging lalaki.

Isang taon ang nakalipas at nagsabi ako sa mama ng kaibigan ko, sa awa ng diyos ay nagtiwala siya sa akin. Napapansin niya rin daw kasing nilalayuan ko si Don at nag-iiba na raw ito ng kilos—hindi na siya binabae kung gumalaw.

“Ito Yassy.” Inabot sa akin ng mama ni Don ang limang libong pera kaya medyo nanghinayang ako.

“Pero kailangan niyo po ‘yan,” sambit ko.

“Mas kailangan mo ‘to, mahirap ang buhay kapag walang pera.” Inilagay niya ang pera sa aking kamay at nginitian ako nito.

Sa totoo lang ay may naipon na akong pera, hindi lang ako patambay-tambay sa loob ng bahay nila. Madalas akong wala, dahil sa part-time job ko sa isang palengke. Isa na rin sa rason ko ay ang makaiwas kay Don sa mga ginagawa niya sa akin. Nag-iipon na talaga ako para sa araw na makaalis ako sa bahay nila at ito na nga ang araw na ‘yon.

Isang taon ulit ang nakalipas at may nakilala akong lalaki na palaging nagpapangiti sa akin. Magaling siya sa salita, madalas niya akong pinapakilig, mabait, maganda boses, may hitsura at malinis sa sarili.

Ayon ‘yong nakita ko sa kanya noong wala pang nabubuong relasyon sa amin, subalit nagbago siya simula nang magsama kami.

“Ano ‘to?” Ibinato niya sa lapag ang platito na may lamang pagkain at nabasag ito. Nanghinayang akong makitang tinatapon niya lang ang pagkain, dahil mahal ang isang order sa labas.

“Ano bang ulam ang gusto mo, Bry!” sigaw ko, tumayo siya at naglakad papunta sa direksyon ko.

Napapikit ako ng wala sa oras,  dahil akala ko’y pagbubuhatan niya ako ng kanyang kamay.

“Ikaw ang gusto ko.” Hinalikan ako nito sa leeg, ito ‘yong sinasabi ko, magaling siya sa salita. Madali niya akong nadadala sa salita niya kaya kaagad ko siyang napapatawad. Pagkatapos niyang magparaos ay lalabas ito para sumindi ng sigarilyo at pagdating niya’y mag-a-alburoto siya kapag walang pagkain na nakita sa lamesa.

Sa paglipas ng taon ay mas lumala ang pagtrato niya sa akin, bugbog dito, bugbog doon at ihahalay niya ako habang sinasaktan.

Ngayong nasa edad na 25-anyos na ako, naisipan kong magpakalayo na muna, tumakas ako sa apartment na tinitirahan namin at iniwan ko siyang nag-iisa habang lasing pa siya’t natutulog.

Pinuntahan ko ang mga kaibigan ko, kakilala at mga ka-trabaho ko upang makitira sa kanila ng panandalian subalit ni isa sa kanila ay walang pumayag. Kilala kasi nila ang boyfriend ko na barumbado at basagulero kaya ayaw nilang madamay.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, wala na akong choice kundi ang bumalik.

Bumalik ako sa aming bayan, kung nasaan sila Mama at Papa. Halos mahigit walang taon akong nawala.

Ano kayang sasabihin nila sa akin?

Ilang hakbang na lang at makikita ko na ang bahay namin.

Nakatayo ako ngayon sa labas ng aming gate, ang daming nagbago sa bahay, may mga bagong tanim si Mama sa gilid, dahil ito ang libangan niya. Kita ko ang maliit na farm sa tabi ng bahay kung nasaan ang mga alaga ni Papa. Ang daming nagbago noong nawala ako. Hindi kaya’t masaya na sila Mama ngayon?

Ano pa bang gagawi'n ko rito—magiging problema lang nila ako.

Tatalikod na sana ako para maglakad palayo nang marinig ko ang tumawag sa aking pangalan.

“Yassy?” Nalipat ang tingin ko sa aking kaliwa, si Mama at Papa ito na may dala-dalang pinamili nila.

Napayuko ako at hindi na makatingin sa mga mata nila, nahihiya na ako, pagkatapos ng lahat nang sinabi ko dati—babalik ako ngayon gano’n lang?

Tumatanda na sila Mama at Papa, malamang ipagtatabuyan nila ako, dahil wala naman akong naidulot na maganda para sa kanila.

Nagulat na lamang ako nang yakapin ako ni Mama, umiiyak ito at tila ba’y hindi makapaniwalang bumalik ako.

“K-Kamusta ka na?”

“Saan ka nanggaling?”

“Ano ‘yang mga pasa at sugat mo?”

Hinawakan ni Mama ang aking pisnge habang binubuhusan ako ng maraming tanong at napaiyak na lamang ako. Hindi ko masagot ang kanyang mga tanong, dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sila Mama lang talaga ang tatanggap sa akin kahit ilang taon pa siguro ang makalipas.

“Ma, tama ka nga.” Nagsimula akong humagulgol sa harap nila at napaluhod. “Kung sumunod ako sa inyo noon, hindi magkakaganto ang buhay ko!”

Sa mga masasama at pangit na bagay na nangyayari sa buhay natin, magulang pa rin talaga ang ating maaasahan sa huli.

Love at First Sight (One Shot/Short Stories)Where stories live. Discover now