The Letter

65 28 3
                                    

“Lo,” bungad ng aking 18-anyos na taong gulang na apo. Hinila nito ang ang upuan palapit sa akin at saka naupo rito.

Suot niya ang abot tengang ngiti na hindi mapaliwanag bago sabihing, “sabi mo po sa akin dati ikuk’wento mo ‘yong unang beses kang nahulog sa babaeng gusto mo, kapag nasa tamang edad na ako.”

Patuloy ang ngiti niya nang sinabi niya ito kaya napangiti na lang ako pabalik sa kanya. Mga kabataan nga naman talaga ngayong panahon.

“O sya, makinig ka lang at ‘wag puro tanong kapag hindi ako natatapos.” Inayos ko ang pagkakaupo ko’t nagsimula akong magkwento.

“Nasa taong 17 na gulang ako noong mahulog ako sa unang babae na nagpatibok sa puso ko.”

Seryosong nakikinig ang apo ko at sa unang linyang sinabi ko ay napangiti pa siya nang maluwag.

Nagsimula lahat sa love letter na natanggap niya na inakala nitong ako ang nagbigay.

“Ric Vicente?” tanong ng babaeng nakatayo sa harap ko, kumakain ako ng lomi ngayon sa canteen, dahil lunch break subalit biglang dumating ang babaeng ‘to; nakasimangot siya, nakapamewang at may hawak na papel sa kamay.

Anong problema nito?

“Bakit ka naglagay ng love letter sa locker ko?” halos mabuga ko ang noodles na lomi na aking nginuya at muntik pang lumabas ang iba sa aking ilong nang sabihin niya ‘yon.

“Love letter?!” galit akong napatayo sa aking inuupuan nang isigaw ko ‘yon. Naagaw pa namin ang atensyon ng ibang estudyante na nagbubulongan sa aming paligid at naghihintay sila ng magiging sagot pabalik ng babaeng kausap ko.

“Ito!" sigaw nitong banggit at nilapit sa mukha ko ang papel na hawak niya. Nabasa kong pangalan ko nga ang nakalagay, pero ‘yong sulat kamay at paggamit ng mga salita—hindi ako.

“That’s clearly a set up! I never had a slight interest on you,” I said.

Halos maghiyawan ang lahat sa canteen nang banggitin ko ‘yon at siya nama’y napayuko sa kahihiyan.

Ayon ang mga araw na nagsimula kaming magkakilala—magkaaway nga lang.

Sa tuwing nagkaka-salubong kami sa hallway, lobby, gym at kung saan mang sulok ng school ay palagi kaming nagsasamaan nang tingin. Halos lahat ng estudyante ay alam ang nangyari noong nasa canteen kami, kaya sa bawat pagsalubong namin sa harap ng mga ito ay hindi mawawala ang hiyawan nila.

Ilang araw, linggo at buwan ang nakalipas. Ang masamang tinginan naming dalawa ay napalitan at nagbago. Mula masasamang titig sa pagkahiyaan ang nangyari sa amin at minsa’y nahuhuli ko siya na nakangiti habang tumitingin sa aking direksyon.

What a weird girl.

Valentines day came, dito nagkakaroon sa school ng bawat events na wedding booth, kissing booth, lucky single na p’wedeng manalo ng isang box ng chocolate sa raffle at Mister and Miss valentines.

Sa pagkakaalala ko rito na nagsimula ang lahat, during the Mister and Miss valentines. Ako ang napiling Mister valentines at ang Miss valentines ay walang iba kundi si Aria, ang babaeng inakalang nagbigay ako ng love letter sa kanya.

Habang tinatanggap ang korona at certificate namin, biglang pumunta sa harap ko si Aria. May hawak siyang microphone na nakatutok sa baba ng kanyang bibig, kita sa mga mukha niya na nahihiya siya at may gustong sabihin.

“I-I like you, R-Ric!”

Naghiyawan ang mga tao na nasa paligid at rinig ang malalakas nilang usapin.

“Hala may nabuo na nga ata sa kanila!”

“Sabi sa ‘yo si Aria ang unang mahuhulog eh!”

“Amin na 500, mali pusta mo.”

Love at First Sight (One Shot/Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon