Prologue

230 7 2
                                    

PROLOGUE

Seira Pov.

"Sam baka makulong tayo." natatakot na bulalas ko.

"Ano ka ba Seira? Hindi namam tayo magnanakaw eh. Titingnan ko lang kung nandiyan nga ang kapatid ko sa.loob ng bahay na yan."mahinang turan niya.

"Magagalit si mommy kapag nakulong tayo huhuhu." sambit ko habang umaakyat kami sa isang puno.

"Tumahimik ka nga mahuhuli talaga tayo dahil sa kaingayan mo." suway sakin ni Samantha at saka tumalon papasok sa isang bukas na bintana.

Agad naman akong sumunod.

Pagkapasok ay agad akong nangapa sa dilim.

"Hanapin mo yung switch ng ilaw Seira." pabulong na utos ni Sam pero sapat na yun para marinig ko.

Pinagpatuloy ko ang pangangapa hanggang sa may nahawakan ako.

Matigas.

Medyo mainit.

Bumaba pa ang kamay ko hanggang sa may nahawakan akong bagay na malaki.

"A-ang laki naman nito, ano kaya to?" bulalas ko at mas lalong diniinan ang pagkakahawak ko sa bagay na iyon.

"A-ah—fuck." rinig kong mura ng isang lalaki sa harap ko.

"Hoy Samantha nasa harap ba kita? Ano ba 'tong hawak ko?" usal ko at hinimas himas pa iyon ng bahagya.

"Ewan ko sayo Seira nandito ako sa gilid." tugon ni Sam.

"Damn, that's my birdie woman." salita ng isang lalaki at pagkakuwan ay biglang nagliwanag ang buong paligid.

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa isang lalaki na nasa harap ko, binaba ko ang tingin ko sa hinahawakan ng kamay ko at.... nakahawak yun sa tutut niya. Mabilis kong inalis ang kamay ko at tumakbo papunta kay Samantha.

"WAAAAHHH HUHUHU SAM HINDI NA VIRGIN ANG KAMAY KOOOO." malakas na unga ko.

Kinuha ng lalaki ang cellphone niya at may tinawagan ito.

"Emergency. May dalawang magnanakaw na nakapasok sa bahay ko. Yung isa malikot ang kamay." sabi niya at binaba na ang tawag saka ako tiningnan ng masama kaya agad kong tiningnan ang kamay ko.

UWAAA MOMMY HINDI NA AKO VIRGINNNN HUHUHU

"Damn, you made me moan woman."

That's My Wife!Where stories live. Discover now