Chapter 12.2 - Igorot

17 4 0
                                    

Tahimik ang paglalakbay ng pangkat nina Lilac. Maulap ang panahon at tila tulog ang buong bansa sa katahimikan. Naisip ni Rogelio ay sa sobrang lungkot ng kanilang paligid, tila ba sila maghahatid sa huling hantungan at hindi niya ito nagustuhan. Sa gitna ng pag-iisip ay bumasag sa katahimikan ang hikbi ng dalagang si Lilac.

"Bakit ka lumuluha binibini?" tanong ni Imaculada. At nakiking lang ang dalawang ginoo na nagmamando ng kanilang kalesa.

"Kase po... *singhot* nakaramdam lang ako ng sobrang lungkot... *singhot* nung namatay po ang papa namin..." sagot ng dalaga, "pero nung dumating po kami dito... dito sa... *singhot* sa panahon niyo... ilang beses na po ako napaiyak sa lungkot... huhuhuu..." at tuluyan nang umiyak ang dalaga, niyakap naman ito ni Imaculada. Nagkatinginan lang ang mga ginoo.

"Una po... nung.. nung... nung... nakita ko yung pag-iyak niyo kase naalala ninyo po yung namatay niyo pong asawa... e mas matapang pa po kayo sa kuya ko pero, umiyak din po kayo kaya nalungkot ako huhuhuu..." patuloy pa ni Lilac, "tapos po, ngayon naman si sir... Ni hindi po siya umiyak pero, malungkot po yun kase kakauwi lang po natin kahapon huhuhuu..." tuloy ni Lilac sa pagitan ng pag singhot at paghikbi. Patuloy naman sa pagpapatahan ang ginang na bahagyang nangingiti din.

"Bueno, ang paglalakbay na ito ay hindi dapat puno ng lungkot. Isipin mo na lamang ang mga maliligayang ating pinagdaanan," payo ni Rogelio. Natahimik si Lilac at tila napag isip-isip ang mga sinabi ng ginoo.

"O kaya kumain ka, baka gutom ka na naman," sagot ni Ram.

"Hija, heto binibini at ikaw ay uminom," bulong ni Imaculada. Nagkatinginan ang dalawang ginoo at mabilis na kinuha ni Rogelio ang isang bote ng alak sa loob ng kalesa na kanilang dala-dala.

"Ating ipagdiwang ang ating tagumpay na paglalakbay sa Mindanao. Tama? At tayo ay maayos na nakabalik, at maging ikaw Lilac at Ram ay nakapaglakbay sa panahon at nabisita ang inyong ina at kapatid. Isang tagumpay ang ating nakaraang paglalakbay. At ito binibini ito ay panibagong pakikipagsapalaran," nasabi ni Rogelio at iniabot ang kalahating baso ng alak kay Lilac. Napakunot naman ng noo si Imaculada ng ito ay tunggain ng dalaga. Inudyukan ni Lilac na uminom din si Imaculada, napaisip saglit pero kinuha rin ang iniabot ni Rogelio. Nang mainom ito ay pilit nilulunok ngunit lumaban ang alak. Dali-daling dumungaw sa gilid ng kalesa ang ginang at iniluwa ang nainom. Matapos ay nagmamadaling uminom ng tubig habang nagkakatawanan ang lahat. Matapos ay bumalik na si Rogelio sa tabi ni Ram at masayang nagpatuloy sa paglalakbay ang mga ito.

Nang may makasalubong na kawal ay pansamantalang huminto si Rogelio at nagpakilala sa kawal. May iniabot na kasulatan at kanya itong ipinabibigay sa kaibigang heneral sa Intramuros.

"Maaring abutin ng higit isang araw bago marating ang Benguet, bukod sa malayo ay mataas ang ating tatahaking landas. Isa pa ay hindi natin batid kung saan natin sisimulang hanapin ang babaylan oras na tayo ay sumapit doon," nasabi ni Rogelio.

"Ayon sa aking lolo ay sa hilaga ng ilog Agno. Ayon din sa kanya ay may ilang tribo ang madadaanan kapag ating binagtas ang landas sa paligid ng ilog, at oras na ating ipaalam sa mga ito na ang ating pakay ay ang babaylan ng Benguet, hindi mag-aatubili ang mga ito na tayo ay tulungan. Muling pumasok si Rogelio sa kalesa at inilatag ang kanyang mapa.

Naisip ni Lilac ang cellphone ng kapatid.

Inilabas ni Lilac ang cellphone, nasa 50% pa naman ang charge nito. Inopen ang offline maps application, ipinakita kay Rogelio.

"Sir, 'di ba po Benguet, eto po o may ilang mga pwedeng daanan hanggang duun sa sinasabi ni ma'am na Agno river," nasabi ni Lilac.

Namangha si Imaculada at si Rogelio sa ipinakita ng dalaga. Itinuro ni Lilac kung paano ito gagamitin sa ginoo, paano i-drag at zoom. Muling kinilig ang dalaga dahil halos mahalikan na siya ni Rogelio habang itinuturo nito ang pag-gamit sa telepono.

Mga AgimatWhere stories live. Discover now