Chapter 8.1 - Sirena

13 3 0
                                    

Mahimbing na nakatulog ang dalagang si Lilac matapos makaalis ang kanilang sinasakyang barko mula Bulalacao patawid sa Roxas. At muli, siya ay dinalaw ng panaginip.

"Hindi ka magtatagumpay..." nasabi ng isang napakatangkad na nilalang at sa hitsura ay mandirigma ito. Sa 'di kalayuan ay dalawa pang nilalang ang tila hinang-hina. Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay nakatayo na sa kanyang harapan ang hindi nakikilalang nilalang at nakaumang ang patalim sa kanya. Ang punyal ni Abaddon.

"Huwaag!!!" sigaw ni Lilac, at napabalikwas ang kanyang mga kasama. Dali-dali namang kumuha ng tubig si Ram at ipinainom sa kapatid.

"Hija, huminahon ka. Ikaw ay nananaginip," nasabi ni Imaculada habang hinahaplos ang likod ng medyo hinihingal pang si Lilac.

"Ayos ka lang ba? ano napanaginipan mo?" tanong ni Ram.

"Di ko gano maalala kuya. Yaan mo na, pagod lang siguro," nanlalambot na nasabi ni Lilac.

"Ako ay magpapahangin muna sa labas," paalam naman ni Rogelio nang mapakalma na ang dalaga. Si Ram naman ay bumalik sa pagtulog dahil nahihilo ito at bahagyang maalon ang dagat. Si ginang Imaculada man ay bahagya ding nalulula kaya't ayaw ding tumayo. Sumunod kay Rogelio ang dalaga.

Sa gilid ng barko ay nagsindi ng tabako ang ginoo habang nakatanaw lang sa karagatan at mangilan-ngilang isla na abot din ng kanyang paningin.

"Gwapo-gwapo naman ni sir. Parang Goerge Clooney ang dating pero mas bata hehe," naisip ng pilyang si Lilac. Agad na pinatay ni Rogelio ang tabako ng tumabi sa kanya si Lilac.

"Naku sir sige lang po mag ano ka lang diyan, mag-smoke ka lang diyan. Paganun naman yung hangin 'di naman papunta sa akin eh," nahihiya naman na nasabi ni Lilac. Tiningnan lang nito si Lilac at nagdalawang isip. Pero bandang huli ay sinindihang muli ang tabako.

Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Si Rogelio ang unang bumasag ng katahimikang ito.

"Hanggang sa mga oras na ito ay hirap ko pa ding paniwalaan na kayo ay nagmula sa kinabukasan. Ngunit habang tumatagal ay lalo lamang dumadami ang mga bagay na hindi ko din maipapaliwanag sa ngayon," nasabi ni Rogelio, at nanatili lang na tahimik si Lilac, "ano ang mga interesanteng bagay sa inyong panahon binibini?"

"Naku sir, maraming interesanteng bagay doon sa panahon namin. Hmm, gaya ng TV, cellphone, computer. Lalo na po ang ATM, syempre kung may laman hehehe," kwento naman ng dalaga, "eh, ang ATM po sir eh yung nilalagyan po ng pera, tapos po meron ka pong card? alam niyo po yun. Maliit lang mga ganito lang kaliit..." sabay sukat ni Lilac sa kanyang palad kung gaano kaliit ang card, "tapos manipis po, kapag po meron na kayong sweldo galing sa trabaho, ipapasok niyo po yung card tapos kukunin niyo yung sweldo lalabas yung pera po duun sa ATM," mahabang paliwanag pa niya.

"Samakatuwid ay, tulad ng isang bangko? Ang aking salapi ay sa bangko Europa inilalagay ng gobyerno at doon ay aking kinukuha ang aking kailangan. Ipagpatuloy mo binibini," nasabi pa ni Rogelio.

"Opo opo ganun po, pero iyun po wala nang tao. Basta machine lang. Ang cellphone naman po, eto po, itong bagay na to yung ipinakita namin sa inyo nung nando'n pa tayo sa inyo. Kaso lang po lowbat naman po ito. Walang charge. Kase kelangan po nito ng kuryente para mag-on. Para po magbukas," pagpapatuloy pa ng dalaga.

"Kamangha-mangha, ngunit ano ang gamit ng munting bagay na iyan?" tanong naman ni Rogelio.

"Madami po. Bago po kase lumabas tong mga cellphone na to, e mas ginagamit po ang computer. Parang TV po kaso... kaso..." hirap na paliwanag ni Lilac, "kaso yung TV po ano, hmm.. more on, mga palabas po? yung mga drama drama tapos may mga artista po," pilit na ipinapaintindi ni Lilac ang sinasabi sa kausap.

Mga AgimatWhere stories live. Discover now