Chapter 11.3 - Panday

12 3 0
                                    

Naramdaman ni Luntian ang lakas ng kapangyarihan nang kanyang isuot ang agimat ng diablo. Nais niyang magpakawala ng kapangyarihan at kuhanin lahat ng kaluluwa sa bayang iyon ngunit naisip niyang hindi pa ganap ang kanyang tagumpay. Kailangang maging maingat. Kasama ang kaluluwang si Mercedita ay nilakbay ni Luntian ang Mindoro.

"Isa na namang bayan hahaha! lubhang malakas na ang aking kapangyarihan sa dami ng aking naging biktima," nasabi ni Luntian ng makarating sa nayon ng Calintaan, paanan lang ng bundok Baco sa gitna ng Mindoro.

"Saglit lamang Luntian..." pigil ng kaluluwa. At nakiramdam din si Luntian, ngunit walang makita o maramdamang kakaiba ang dalaga, "ako ba ay iyong pahihintulutang lumibot sa paligid? upang masigurong ligtas ang iyong tatahakin sapagkat ako ay may nararamdamang kababalaghan," paalam ni Mercedita at sinang-ayunan naman ito ni Luntian dahil lubos ang tiwala nito sa kaluluwa.

"Hindi ako nagkamaling gamitin ang kaluluwang iyon," naisip ni Luntian ng makalayo na si Mercedita, akalipas ang mahabang paghihintay ay muling nagbalik ito.

"Sa paanan ng bundok Baco ay may mga engkanto. Bakas sa mga ito na nakahanda at tila may inaasahang panganib," ulat ng kaluluwa.

"Ang mga lawin. Marahil naipakalat na ng mga ito ang tungkol sa naganap sa Mindanao at tungkol sa akin. Sa lalong madaling panahon ay kailangan akong makarating sa panday, at ang mga engkantong ito ay sadyang mga balakid sa aking daraanan..." galit na nasabi ni Luntian.

"Mas ligtas kung babagtasin ang silangan ng islang ito," nanguna si Mercedita at binagtas ng dalawa ang silangang bahagi ng Mindoro patungo ng Puerto Galera. Nauuna ang kaluluwa at kapag may namataang panganib sa ay madali nitong sinasalubong si Luntian para magbago ng kanilang landas at maiwasan ang mga diwata at engkanto sa paligid.
Muling naging mabagal ang kanilang paglalakbay na ito dahil sa pag-iwas sa panganib. Bukod sa ilang diwata at engkanto sa kagubatan ay may umaaligid din na engkantong lawin sa himpapawid pagsapit ng liwanag. Kaya't ang galaw ni Luntian ay nanatiling sa pagkagat ng dilim dahil hindi ganoon kadami ang mga diwata at engkanto sa mga oras na iyon at sa bahaging iyon ng isla, gayunpaman ay iniiwasan ni Luntian ang may makasagupa sapagkat oras na kanyang natawag ang atensiyon ng lawin ay maaaring maging mapanganib.

"Kailangan mag-ingat. Ngayong tangan ko na sa aking mga kamay ang agimat, hindi ako maaaring magkamali. Kailangang makarating ako sa panday," naiisip ni Lilac habang naglalakbay.

Makalipas muli ang ilang takipsilim ay narating sa wakas ni Luntian at Mercedita ang pampang ng Puerto Galera. Hindi nag-aksaya ng panahon si Luntian at mabilis niyang nilangoy hanggang sa isla ng Verde, isang maliit na isla na bahagi na rin ng Batangas.
Malalim na ang gabing iyon ngunit maliwanag ang buwan at mga bituin.

"May mga bantay na engkanto sa islang ito Luntian," nasabi ni Mercedita. Tumingala si Luntian, at sa tingin niya ay maikukubli ng kadiliman ang maaaaring mangyaring pakikipagharap niya sa sinoman, o anuman ang nasa maliit na islang ito.

Sa katahimikan ng gabi ay may panang nagmula sa kadiliman ng kakahuyan. Mabilis na napigilan ni Luntian ang pana bago pa man ito tumama sa kanyang dibdib. Nilibot ni Mercedita ang paligid, matapos ay sinabi kay Luntian ang kinaroroonan ng mandirigmang pinanggalingan ng pana.

"Bukod dito ay may ilan pa itong mga kasama. Mga nakamamanghang nilalang..." nasabi pa ni Mercedita.

Walang hawak na sandata pero akmang may inihagis ito patungo sa tinutukoy ng kaluluwa na pinanggalingan ng pana at sa isang iglap ay isang sibat ang mabilis na lumabas at tumama sa dibdib ng engkanto. Sa pagkabigla sa kakayahang ipinamalas ng lisbusawen ay sabay-sabay na lumabas sa mga pinagkukublihan ang mga engkantada. Ilang engkantagdang anggitay ang sa kanila ngayon ay nakapalibot. Ang mga engkantadang ito ay may katawan ng makikisig na babae at ang pang-ibaba ay katawan ng kabayo. Mabibilis ang mga ito at bukod sa mga dalang pana ay may mga sandata rin sa kani-kanyang tagiliran, at isang mahabang unat na sungay sa noo. Sa bilang ni Luntian ay hindi hihigit na dalawampu lamang ang nilalang na ito na kasalukuyang naririto sa isla. Batid din niyang katulad ng ibang engkanto sa mga nadaanang lugar ay nakahanda ang mga ito at nababalot ng baluti ang katawan.

Mga AgimatWhere stories live. Discover now