Ang awkward non Valerie!


[Masama pakiramdam ni Marga. Nilalagnat eh. Tsaka na lang kita ipapasyal kapag magaling na si Marga. Pasensya ka na ah.] Napasimangot ako.



"Ah ganon ba? sige. Tsaka na lang. Alagaan mo syang mabuti. Bye." Napasandal ako sa headboard ng kama at napabuntong hininga.



Puro na lang Marga! Hindi ba pwedeng Valerie naman?!



"Dapat ako na lang 'yung inaalagaan nya eh." Dinampot ko ulit ang phone ko at isa isa ko na lang inistalk ang mga kaibigan ng Kuya Vince ko at nila Cyrus.



Inuna ko 'yung may pangalang 'AceVibar'. Halos picture ng mga bata ang mga ina-upload nya. Madalang pa sa kidlat ang pagpopost nya ng sarili nyang picture.



Sinunod ko ang may pangalang 'KenJi', Si Kuya Kenji na ang daming followers. Ang sikat naman nito. Wala syang kahit isang post, puro nakatag lang sya pero ang daming followers. Ang finallow lang nya sampu. VINCEnte, JustH, AceVibar, Cyx, Itsmarga, Erica, Camille, Althea, Crystal at 'yung isa, si Kuya Liam? close sila? o baka dahil lang nakisingit si Kuya Liam sa comment section kaya sya finallow?



Sinunod ko si Kuya Justin. Close kami ni Kuya dahil madalas nya akong turuan sa school lalo na med sya. Walang ibang post si Kuya Justin, pero may isang picture na nakatag sakanya. Ultrasound picture kung hindi ako nagkakamali. Tinag sya ng babae na pangalan eh CrystalShirlie. Nilike ni Kuya Justin at nagcomment pa ng 'Can't wait to see you baby Crystaline' ayun lang.



Hindi ko na inistalk si Kuya Vince dahil alam ko naman ang makikita ko doon, puro picture ng mga naipinta nya. Si Cyrus din hindi ko na inistalk dahil araw-araw gabi-gabi ko naman ginagawa 'yon. Kabisado ko na nga kung ilan followers nya, alam ko din kapag may pinafallow sya dahil kabisado ko kapag nadagdagan o nabasan. Alam ko din kung ilan post nya. Kung ano 'yung mga nililike nya. 'Yung mga nakatag sa kanya. Pati 'yung story update nya updated ako lagi. Minsan seconds pa lang naview ko na agad.



Alam ko snapchat account nya. Alam ko google account nya. Pangalan nya sa youtube. Pati sa imo app alam ko account nya. Sabihin na lang natin salamat Kuya Kenji, kahit hindi kami close binigay nya sa'kin lahat ng information tungkol kay Cyrus.



Isang lingoo din ako natengga sa bahay dahil wala akong ibang magawa at nagsisimula na akong mabored dito sa canada, parang gusto ko na tuloy ngayon umuwi sa pilipinas.



Bumaba na lang ako papunta sa kusina at naghanap ng pwedeng kainin. Nakakita ako ng pizza sa ref at ininit ko na lang sa microwave oven, dalawang piraso lang ang pizza, malaki naman pero bitin dahil hindi ako nakapagbreakfast kanina dahil tanghali na akong nagising, napuyat ako kakalibang sa sarili ko sa pamamagitan ng panonood ng kung ano anong makikita ko sa youtube na maraming views.



Sa sobrang bored ko hindi ko na iniskip ang mga ads lalo na kapag samsung 'yung ads tapos bts pa, tsaka kapag tumugtog na 'yung 'Di mag e-expire!!' ng sb19 hindi ko talaga iniiskip. Napakaswerte ng mga youtuber na 'yon at kumikita sila sa'kin. Biruin mo hindi ako nagiiskip kahit isang ad.



Kinuha ko ang pinggan mula sa oven at may suot akong gloves. Pagkasarado ko ng oven may humawak sa balikat ko.



"Kakagising mo lang?"



"Juice mother ka Kuya Liam!" Inis na sabi ko dahil sa sobrang gulat at nabagsak pa ang pinggan na hawak ko. Parang gusto kong umiyak habang nakatingin ako sa pizza na niyayakap ang sahig ng kusina.



"Lian not Liam." Seryoso niyang sabi kaya napaangat ako ng tingin. Pinakatitigan ko sya at hindi ako naniniwala na hindi sya si Kuya Liam, scammer si Kuya Liam eh! Madalas nya akong mauto dahil ginagaya nya ang paggalaw at pagsasalita ni Kuya Lian kaya kapag may inutos sya agad kong sinusunod dahil takot nga ako kay Kuya Lian!



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now