Chapter Fifteen: Leveling

Start from the beginning
                                    

Pinaliwanag nila Karina ang magiging takbo ng leveling. May tatlong phase na tinatawag sila. Una ang physical combat kung saan maglalaban lamang kayo ng pisikalan. Pangalawa, ang magic and ability combat, sa phase na Ito ay maari mong gamitin ang iyong kapangyarihan, ability, weapon. And last is what they call 'Secret phase'.

Ang panghuling yugto daw ay para sa mga nakapasa sa una at pangalawang phase. Doon din daw malalaman kung sino ang magiging 'Top 8' at malilipat sa seksyon namin.

Tinanong ko din sila kung bakit seven lang sila nung unang pasok ko dito. Dapat eight sila.

"Sa Top 8 kasi ay may average na kailangan. 90% pataas ang average na kailangan mo para makapasok ka sa top 8. Pito lang kaming nakakuha ng ganoong average ang iba ay nasa 89% or 88% considering Top 9 to pababa." Yan ang exact words na sinabi ni Maxine sa'kin.

"Hey, where are you going?" Speaking of Aljay, naalala ko nung makalabas na kami sa council room ay ngingisi-ngisi sya tas biglang tatawa. Naalala ko din kung pano matulala yung iba naming kasama sabay takbo. Take note! Take note! Kasama si Kuya Drake at Ate Natalia na seryoso lagi!

"Papahangin lang bakit?"

"I'll come along" wala akong nagawa kundi hayaan sya sumama. Naglakad na lang ako papunta sa Garden. Seriously, matagal na din ako sa akademya pero laging tambagan ko ay Garden. Refreshing kasi.

"Can I ask you a question?" Tanong ko agad sa kanya pagkaupo ko. Sumunod naman sya at humiga sa may Lap ko, katulad dati ay hinayaan ko lang sya.

"Fire" nangunot pa ang noo ko sandali pero nagets ko din. Ibig sabihin non go. Daming say pwede namang sabihing 'sure' o kaya 'ano yon?' tss.

"Garden din ba tambayan mo?" Imbes na magreklamo ay nagtanong na lang ako.

"I mean... Kasi madalas kang nasa Garden kaya... Just asking" nahihiya ko pang dugtong. Titig na titig kasi sa'kin eh.

He lick his lower lips before answering me.

"Well, yes. Sometimes"

"Sometimes?" Imbes na sagutin ako ay tumayo sya at hinatak ako.

"Hey! Sa'n tayo pupunta?!" Nginitian nya lang ako at hinila ulit. Tumahimik na lang ako at nagpahila.

Papunta na kami sa may fairy garden. Speaking off, hindi pa ako nakakapunta don. Nang makapasok kami ay dirediretso sya habang hila ako kaya wala na din akong time para tignan ang Fairy Garden.

Dumiretso kami sa may pinto sa may pinakadulo.

"Anong gagawin natin dito?" Taka kong tanong dahil muka syang may hinahanap din. Inangat-angat nya yung mga flower pot, hinawi yung mga dahon at kung ano ano pa. Nakakunot-noo lang ako habang pinapanood sya.

"Gotcha!" May kinuha sya na Susi at pinasok doon sa padlock. Nabukas naman yon kaya hinatak nya ako papasok.

Pagpasok ko palang ay namangha na ako. Ang gandaaaaa!!!

"Wow!"

"This is my place here, I discovered it 2 years ago....." may huli pa syang sinabi pero hindi ko na narinig at tumakbo palayo sa kanya para makita ng buo yung lugar. Ramdam ko naman na nakasunod sya sa'kin.

"Pano mo nakita yung lugar na ito?" I ask him while still looking at this beautiful place! Heaven!

"Well, I am just walking around and... Accidentally discovered this place" paliwanag nya.

"Maybe I should start walking around too! Malay ko may makita din akong ganito kangganda na place" I absent-mindedly said. I heard him chukle.

"You can go here anytime" Smiling, Aljay said. Lumaki ang mata ko at wala sa sariling napayakap sa kanya.

"Really?! Thankyou!!!" When I realized that I freaking hug him...

"Oh! Sorry!!" Napahiwalay agad ako sa kanya. Tapatikhim naman sya bago humarap sa'kin.

"No, it's okay!" Nagsmile na lang ako sa kanya at tumakbo para makita ang kabuohan. Para akong nasa Japan, Korea. May mga cherry blossoms. May mga puno din na makikita sa dalawang Bansa na iyon. Naglalagas sila.

"Parehas ba yung season sa lugar na ito pati yung season sa Korea or Japan? " Hindi ko mapigilan na itanong. Nilingon ko sya at nakitang nakaupo sya sa ilalim ng puno habang nakapikit.

"Nope" kaya pala. Alam ko kasi Autumn ay nagsa-start ng September. August pa lang naman ngayon.

"Sino may control ng lugar na ito?" Tanong ko muli habang nililibot ang tingin.

"I don't know. I just discovered this place" bagot na saad nya kaya hindi ko na sya tinanong pa ulit.

Ilang minuto palang ay tumayo na sya at hinila ako.

"Let's go. Late na tayo sa Leveling" agad akong napatingin sa wrist watch na nasa kamay nya at nakitang late na nga kami.

"Let's run!" Sabay kaming tumakbo habang hawak nya parin ang kamay ko. Kanina sa wrist lang eh.

"Bawal ba malate?!" Pasigaw na tanong ko habang tumatakbo kami.

"Bawal!" Balik na sigaw nya kaya mas bumilis pa takbo namin. Pagdating namin sa mismong pinto ng gym ay tumigil muna kami at nag-ayos.

I summon a water using my water power. Binigyan ko din sya ng Isa. Perks of being water user.

"Come on!" Hinawakan nya ulit kamay ko at hinila papasok.

"Aira Jane Sandoval vs. Reina Mariz Ortiz!" Pag pasok namin ay nagsisimula na ang leveling. Nasa taas ang mga kasama namin kaya doon kami dumiretso. Binitawan na din nya kamay ko.

"Saan kayo galing?!" Medyo pasigaw na tanong ni Karina dahil maingay din sa gym. Napalingon naman samin yung mga council dahil malapit lang sila. Lalo na si Papa.

"Pahangin lang tas tingin tingin sa tubig. Relax." Sabi ko kahit na kulang. Totoo naman kanina na tingin tingin ako sa tubig. Aljay only shrugged his shoulder and go straight to his seat which is sa tabi ni Kuya Drake.

"Bakit?" Nangunot ang noo ko sa tanong ni Maxine. Pumunta muna ako sa upuan ko which is sa tabi ni Aljay. May Vacant chair din sa tabi ko bago si Papa.

"Bakit ka nag tingin tingin sa tubig?"

"Water and Air is my attribute. It's normal to me na pumunta sa nga mahangin or may tubig na lugar bago sumabak sa mga ganito" yeah that's my routine.

"Eh pa'no kung urgent? Tas hindi ka makapunta sa ganong lugar? " Muling tanong nya.

"Okay lang. Air is always there." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Umupo na din ako ng ayos dahil ramdam ko na ang titig ni Papa at iba pang konseho.

Kelan naman kaya matatawag pangalan ko?

Hesxtia Academy: The Survival gameWhere stories live. Discover now