Chapter Twenty Eight: Trion's Hunters

30 5 0
                                    

Ashianna's Point of view

Maaga kaming nagising. Dito na din kami nagpalipas ng gabi. Nagpresinta na din kami na dito muna habang wala pa ang mga kawal na pinadala ng Alexin. Mga lutang pa kami dahil late na din kami natulog. Si Aljay naman ay nagkakape pero halatang lutang din at masama ang mood.

Sya kasi ang nagbantay, Wala din syang tulog simula nung misyon pa namin. Dalawang gabi na din syang walang tulog.

"Ate Awsh!" Tumatakbong lumapit sakin si Abi kaya binuhat ko sya ng makalapit sya sakin.

"Hi!!" Kinaway ko ang kamay ko, hinawakan nya naman yon gamit ang maliit na kamay nya saka tumawa. Mas lalo akong napangiti dahil ang cute nya talaga.

"Wow! Anong name mo, baby?" Nagsilapitan na din sakin sila Maxine dahil karga-karga ko nga si Abi.

"Abwi po" mas lalong natuwa sila Kay Abi. Napadako ang tingin ko sa mga boys na pinapanood lang kami. Nakangiti si Charlie na ang pinapanood ay si Maxine, ng magtama ang paningin namin ay umiwas sya ng tingin at nagkunwaring walang pake. Ngisi-ngisi kong binalik ang tingin kay Abi. Charlie hayy...

"Let's eat. What do you want?" Umiling lang si Abi at tinuro yung Milk. Umupo naman ako sa tabi ni Ryan dahil yon lang ang bakante. Nasa lap ko naman si Abi.

"Milk Ate!!" Inabot ko yung gatas at naglagay sa baso. Inalalayan kong uminom si Abi dahil baka matapon lang yon sa kanya.

"Hihihi" mahina syang tumawa ng punasan ko yung bibig nya dahil may mga gatas. Nasa lap ko lang sya at tahimik don habang nililibot ang tingin. Nakayakap naman ang braso ko sa kanya para hindi sya mahulog.

"Kelan daw makakarating dito yung mga sundalo?" Tanong ko habang umiinom ng kape. Lahat naman kami nagkakape.

"Dunno. Probably 12pm" Problema nito? Nagtanong lang! Pano ba naman kasi si Aljay ay sumagot tas ng tumingin ako sa kanya, inirapan ako. Sungit.

"Kuya! Kuya! Kuya!" Nabalik ang tingin ko kay Abi na hinahatak ang damit ni Ryan.

"Take me there po! Please?" Tinagilid pa nya ang ulo nya at pinagdikit ang palad.

Natatawa namang tumango si Ryan at binuhat si Abi. Pina-upo nya si Abi sa may balikat nya kaya napatayo ako dahil muntik na mahulog si Abi.

"Hoy! Ayusin mo nga!" Inis kong sinapak yung braso na isang malaking pagkakamali dahil iyon ang umaalalay kay Abi.

"I know! I know! Tsk!" Umalis sila sa harap ko at pumunta doon sa may playground.

"Close na kayo?" Tinaas ko ang kilay ko kay Maxine ng magtanong sya at bahagyang umiling.

"Slight" sagot ko at umupo ulit. Nagkape na lang ulit ako habang nanonood kela Ryan. Close sya sa mga bata. Sabagay.

"Husband material yan?" Asar ko sakanya pag balik nya dito.

"Ikaw asawa?" Ganting asar nya sakin saka tumawa habang bitbit si Abi. Ngumiti ako at nakitawa sa kanya.

"Hahaha! Sige..." Nakangiti kong sabi. Tumaas naman kilay nilang lahat dahil sa sinabi ko si Ryan naman ay ngisi at nakataas ang kilay halatang nagdududa.

"Bugbog ka araw-araw, maghanap ka ng bahay pati pagkain ha?" Nakangiti kong sabi halatang sarkastiko. Hindi naman ako ganon. Duh! Mabait naman ako.

"Hahaha! K! K!" Happy sya. Nakitawa naman yung iba pero halatang may inaasar na hindi ko maintindihan kung sino.

"Hahaha! Smooth! Galaw galaw Mr. Torpe" hindi ko na sila pinansin at pumasok na lang sa tinulugan namin dahil nandun yung mga gamit namin. Naghanap ako ng pwedeng ma-suot. Doon ko lang na-realize na nagamit ko na lahat ng damit ko. Even yung isang jogging pants na nilagay ko ay sinuot ko pala kagabi.

Hesxtia Academy: The Survival gameWhere stories live. Discover now