Chapter Fifteen: Leveling

48 6 0
                                    

Third Person Point of View

Lahat ay humanga sa tapang at determinasyon na pinakita ng dalagang nagngangalang Ashianna Mendoza.

Simula ng maupo at manilbihan si Fiona sa Council ay walang nagtangkang sagutin sya. Lubos syang namangha ng sagutin sya ni Ashianna.

Inaamin nya sa sarili nya, naapektuhan din sya sa presensya at aura na binibigay ni Ashianna.

Strong aura.

Intimating.

Fierce.

Brave.

Ilan lamang yan sa komento nya tungkol sa dalaga. Hindi nya maiwasan na pagkakitaan ng interes ang anak ng kanilang pinuno.

Maging ang iba pang konseho ay naging interesado sa anak ng kanilang pinuno. Samu't saring komento ang sinasabi ng bawat isa sa kanilang isipan tungkol sa Isang babaeng nagngangalang Ashianna Mendoza.

Sino na namang hindi mamangha sa kanya? Anak sya ng pinuno ng konseho, Isa sya sa kinakitaan ng potensyal na makapasok sa walong rangko na syang pinakamataas na rangko sa kanilang Akademya, Isa din sya sa mga magaling na estudyante ayon sa kanyang mga guro. Nakilala sya bilang sya, hindi bilang anak ng pinuno ng konseho.

Halos lahat ay iniidolo si Ashianna dahil sa katapangan na meron sya, kahit ang kanyang ama na walang tinitingala ay hinahangaan sya.

Ngunit hindi pa rin maiiwasan ang mga taong ayaw sa kanya. Katulad na lamang ng ibang miyembro ng konseho.

"Hindi magtatagal ay mawawala na ang kayabangan ng batang iyon" sa Isip isip ni Angel-ang asawa ng pinunong konseho-bakit mawawala ang kayabangan nya? Kung sa umpisa palang ay wala sya noon?

"Kayabangan na ba ang matatawag doon?" Kontra ng isang konseho na humanga din kay Ashianna.

"Anong matatawag mo doon?! Napakayabang na bata ngunit wala pa namang napapatunayan!" Sigaw sa kanya ni Fiona. Sarkastikong ngumiti ang asawa ng dating pinunong konseho.

"Kayabangan na palang matatawag iyon. Sinagot ka lamang nya, sinabi mong patunayan nya na tunay syang anak ng ating pinuno, sinabi lang nyang papatunayan nya, Kayabangan na bang matatawag iyon?" Sarkastikong sagot nya kay Fiona.

"Sa buhay, may mga pagsubok. Hindi magtatagal ay dadating din ang bagyo na syang sisira sa batang iyon. Kailangan nyang kumalma" anang ng isang lalaking konseho na syang pangalawa sa matanda sa kanila. Sya ay walang pinapanigan na panig, sinasabi nya lamang ang kanyang nasa Isip.

"Hindi dapat sya ang kumalma dahil sa bagyong iyong tinutukoy" kontra sa kanya ng pinakamatandang konseho. Lahat sila ay takang nakatingin sa pinakamatandang konseho na nakatingin lamang sa bintana at tinatanaw ang anak ng kanilang pinuno.

"Sa tapang at determinasyon na pinapakita nya ay hindi dapat sya ang kakalma dahil sa bagyo" muling sabi nya at saka humarap sa kanyang mga kasamahan.

"Ang bagyo mismo ang kakalma dahil sa kanya" Sabi nya at muling tinanaw si Ashianna na may paghanga na makikita sa kanyang mata.

Namuo naman ang isang ngiti sa labi ng kanilang pinuno. Ang ama ng babaeng pinaguusapan nila.

".... Kasama ang mga kaibigan nya"




Ashianna's Point of View

Mabilis na lumipas ang weekend. Ngayon ay Monday na which means rank game/leveling.

Hesxtia Academy: The Survival gameWhere stories live. Discover now