Twenty six: Assignment (Hunters)

30 4 0
                                    

Ashianna's Point of view

Ilang minuto din ay bumalik na ang mga gwardya.

"Mga hunters daw po mula sa Darkenia kingdom ang umatake. Mukang may kailangan sila." Hunters. Mabibilis na kumilos ang mga Hunters, katulad ng mga Assassin pero ang kaibahan nila ay tumitira sa gubat at may sariling hukbo ang mga Hunters.

The Hunters always carry their bow and arrows making them eye catching. Base din sa tindig nila ay halatang sanay na sanay sila sa pakikipagsapalaran.

"Let us help. I am a hunter from the Trion tribe." Ngayon ko lang din naalala, hunter si Maxine, malaki ang maitutulong nya.

"I will be okay" agad na sagot ni Maxine ng makitang nag-aalala si Charlie sa kanya.

"Ngunit... Tumawag ang pinuno at sinabing umalis na daw Tayo."

"Kuya, ako na po kakausap" binigay naman sakin ni Kuya Guard yung telepono.

"Mr. Mendoza" I greet. I can't just drop the formalities.

"Go back here with your companions, Ashianna!" Ma-awtoridad na sabi ni Dad. Aaminin kong nakakatakot yung boses nya ngayon pero...

"No dad! Sinabi mo bago kami umalis na bumalik kami kapag tapos na ang tungkulin namin. Dad, isa sa mga tungkulin namin na tumulong sa nangangailangan. Please, let us do this. Let us do this as an assignment." Natahimik ang linya ni Papa, malamang nagiisip kung papayagan ba nya kami o hindi.

"Babalik din kami. Mag-iingat kami" dagdag ko pa para hindi sya mag-alala. Wala din syang laban dahil tama naman ako.

"Pabalikin ko si Caroline dito then... Do your assignment, Section Imiza." Napangisi na lang ako. Another adventure.

"Yes, Mr. Mendoza!" Nag-end call na kaya binalik ko na kay Kuya Guard yung phone.

"Caroline, babalik ka na ng Academy the rest... Let's do the assignment" nilagpasan ko na si Caroline at dumiretso sa mga gamit ko. Kumuha ako ng white plane shirt at yung plain ribbed knit cardigans ko na yellow na parang orange. Kumuha na din ako ng jeans na stretchable at maluwag saka nagpalit.

Pati sila ay nagpalit na din. Mapapasabak kami sa mga Hunters bagay lang na  maluluwag na damit para mabilis ang kilos.

"Let's go!"

"Wait! I'm coming!" Hindi na namin pinansin si Caroline. Bumaba na kami ng Bus. Gabi na pero may nangyayaring gulo parin dito.

"Water waves!" I cast. Nilagay ko din ang kamay ko sa semento para doon lumabas ang water Waves. Mabibilis sila kaya mahirap na umatake sa taas.

"Hunters, bow down!" Ma-awtoridad na sigaw ni Maxine. Nasa likod nya si Charlie para umalalay sa kanya sa mga blind spot nya.

"We will bow down to no one!" Halata ang inis sa muka ni Maxine ng hindi sya sundin ng mga Hunters.

"Trion clan is the largest hunters clan. Sila din ang namumuno sa mga Hunters. Currently, Maxine's father is the king and she's Trion's Princess" pa-trivia ni Ate Natalia. A princess.

"Damn it!" Nagpakawala din si Maxine ng arrow para salubungin ang arrow na papunta sa direksyon namin.

"Water Air shield!" Naglabas ng water shield ang kanang kamay ko samantalang Air Shield naman sa kabila. Pinagsama ko ito kaya nakabuo ako ng matibay na Shield.

"Forcefield!" Dinagdag pa ni Ate Natalia ang forcefield nya kaya matibay na talaga ang panangga namin.

May mga guards na din na dumating para ilikas ang mga mamamayan sa bayan, tumulong na din ang dalawang guard na kasama namin.

Hesxtia Academy: The Survival gameWhere stories live. Discover now