Chapter Thirty: History of Academia

30 5 0
                                    

Ashianna's Point of view

Even I am bothered by Aljay's presence behind me, I ignored it and watch the dancers. He's right. Mas hindi ako nababangga dahil nasa likod ko sya at sa gilid naman ay yung kamay nya yung nababangga ng iba.

Umalis na din kami ng siksikan na talaga sa may labas. Kahit yung railings natutulak na din. Tahimik na lang kaming naglalakad. Hinahanap na namin yung iba. Naka-akbay lang sya sakin na hinahayaan ko na lang.

"DUDE! What the hell...?" Tumatakbong pumunta samin si Jackson pero agad ding natigil ng makitang nakasampay ang braso nya sa balikat ko na pinadausdos nya papuntang bewang ko. Clingy.

Madalas ding nakasabit sakin yan noon pa man nung medyo bago pa lang ako. Nasanay na din ako. Hesxtia change me.

"Uuwi na ba kayo? Babalik na kami" Mahinang sabi ko ng makalapit sya samin ng hindi makapaniwala. Baliw ba ito?

"Ah! Haha! Sige, una na kayo!" Bigla din syang tumakbo habang sumisigaw.

"CHARLIE BRO!" Weird.

"Let's go!" Hinatak ako ni Aljay kaya naalis ang tingin ko kay Jackson. Hawak nya kang kamay ko habang pabalik na kami sa Hesxtia.

"Was it fun?" Biglang tanong nya habang paakyat kami.

"Yeah. Ngayon lang ako nakapaglibot ng maayos dito" sagot ko habang nilalasap yung hangin ata na tumatama sakin.

"Maliit lang ang Teline. Mostly puro school lang ang nandoon at puro pamilihan na. Maganda naman sa Teline, limitado nga lang ang mapupuntahan" dagdag ko pa habang inaalala ang bayan ng Teline. Katabi lang yon ng Hesxtia. Kanina nga malapit na kami sa bukana ng Teline eh.

"You want to go back there?" Dagdag na tanong ulit nya. Malamang na-curious na.

"Kung may pagkakataon, Oo." Hindi na namin namalayan na nakabalik na kami sa Academy.

"Go ahead. I'll go to my dad"

"Mm! Bye!" Mag-isa akong bumalik sa Dorm namin. Dumiretso agad ako sa Room ko at nagpalit ng damit. Medyo bored din ako sa kwarto kaya lumabas na lang ako.

Tinignan ko yung oras. 5:43pm. Malamang gutom yung mga yon pagdating. Nagluto na lang ako ng pwedeng makakain. Tinignan ko yung ref, puro itlog, ham, hatdog, bacon ang laman ng ref.

Seryoso? Kelan ba kami huling nag-grocery? Hindi ko na din matandaan. Minsan lang naman kami magluto dito dahil Minsan sa Cafeteria na kami kumakain or kaya sa labas dahil sa Missions. Hindi naman din naggo-grocery sila.

Wala akong choice kundi ang lutuin na lang ang Ham and egg para ulam namin. Nag-saing na din ako. Habang hinihintay ko yung kanin ay napaisip ako. Nung wala pa kaya ako dito, puro itlog lang din ba kinakain nila?

"Hayy! Kapagod!" Rinig kong bumukas yung pinto ng Dorm kasabay ng pagpasok nila. Naunang pumasok si Maxine at sumalampak agad sa sofa, kasunod lang din nila si Aljay.

"Oh? You're here na. Wait hindi pa luto yung food!" Dumiretso naman sila Charlie and Jackson sa kusina kung nasan ako. Tinulungan na nila ako. Sila na ang nagbantay sa kanin habang niluluto ko yung ulam.

30 minutes after ay luto na din lahat at kakain na kami. Nilagay ko na yung ulam sa lamesa, napangiwi naman sila ng makita yon. Base sa mga muka nila, malamang tama ang hinala ko kanina.

"Wag kayong maarte. Yan lang yung pwedeng lutuin sa ref, wala tayong grocery" Masungit na sabi ko. Baka pukpukin ko sila pag nag-inarte.

"Sabi sayo Kain na lang tayo sa labas eh!" Mahina pa silang nagbulungan. Inirapan ko sila ng palihim.

Hesxtia Academy: The Survival gameUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum