Chapter Twenty one: 2nd Mission(Hanna)

38 3 0
                                    

Ashianna's Point of View

Saglit lang din kaming naglibot sa Icheon. Actually, Hindi din namin nasunod yung plano namin dahil narinig namin na malamig daw talaga sa Hanna ngayon kaya bumili na lang kami ng mga gagamitin namin para hindi kami malamigan. Ang nakakainis pa doon ay hiwa-hiwalay at magkakalayo ang tindahan ng Jackets, Gloves, boots na pang winter.

Good thing I have a coat here para hindi masyadong abala yung makapal pag nagtakbuhan. Sa pagkakataong ito kila Kuya Drake na ako tumabi.

"I saw that" Nagulat ako ng biglang bumulong si Kuya Drake.

"Saw what?" Pag mamaang-maangan ko. He saw that Aljay was holding my hands! What a scene you made Aljay Marquez!

Ngumisi lang sya at tumingin kila Aljay at Ryan na magkatabi.

"Oh! Since ngayon ulit natin makakasama si Ryan sa isang mission... And may dagdag tayo..." Maxine speak out of nowhere.

"Ryan... This is Ashianna. Ashianna... This is Ryan" nakangiti pang pagpapakilala sami ni Maxine. Parang Bata. Tinanguan ko lang sya at tumango lang din. Palihim ako ngumisi. Magkakasundo kami nito.

"Ay! Tango lang? Lubog agad ship ko?" Rinig kong sabi ni Maxine kay Karina.

"Told yah! My Aljay-Ashianna ship will sail!" Karina.

Napailing na lang ako at hindi na sila pinansin. Nanahimik na lang ako at nakikinig sa kanilang nagku-kwentuhan.

Mag-gagabi na din ng makarating kami sa Hanna or sa station sa Hanna. Medyo malayo pa dito yung center hall. Center hall kung saan naninirahan ang pinuno nila.

"Maglalakad ba tayo?"

"Lilipad" Bara ko kay Maxine. Nginisian ko sya at nauna ng maglakad. Magkasabay kaming naglalakad ni Ryan. Walang nagsasalita. Mas matangkad lang sya ng konti sakin. Mas lalo akong napatitig sa kanya.

"Done staring?" Agad akong napaiwas ng marinig ko iyon at mahinang tili ni Maxine.
Umiling ako bilang pagtanggi.

"You look like someone I know" medyo kamuka nya si Kuya. Binaliwala ko na lang yon at naunang naglakad. May van daw na susundo samin.

Ilang lakad lang nakita ko na yung van na mag bodyguards. Perks of being a VIP. Kidding.

"Students from Hesxtia?"

"Yes, Sir"

Pinasakay kami sa sasakyan. Umupo ako sa may tabi ng bintana. Katabi ko si Maxine katabi nya naman si Ate Natalia. Yung limang lalaki naman nasa likod namin at nagsisiksikan. Si Karina? Nandoon sa pinakalikod, nakahiga.

Hinayaan na lang yun ng boys dahil gentlemen naman daw sila. Daming learn.

"You can take a nap, Ma'am and Sir" one of the guys told us.

"Gaano po ba kalayo yung biyahe?" I ask.

"Mga 10pm po siguro makakarating tayo doon." I check the time and it's what the hell?! 6:33? Then 10pm ang dating namin? Ang haba naman.

"Kuya! Bakit ang haba?" Maxine ask. I want to know too.

"Nalipat po ang center hall ng Henna noong isang buwan pa."

"Why? What happened?" Sumabat na si Aljay mula sa likod.

"Nasunog po yung buong hall noong nakaraan. Lahat naman po ligtas. Napagpasiya din ng Mayor na gawing clinic na lang iyon para sa mga nasa gitna" tumango na lang kami bilang pagsangayon. It's a good decision tho. Yung iba lading clinic dito nasa dulo daw sabi ni Papa noon. Masyadong unfair para sa mga nasa unahan at gitna. At least kung meron sa gitna medyo malapit na lang ang pupuntahan.

Hesxtia Academy: The Survival gameWhere stories live. Discover now