Chapter Five

112K 2.7K 277
                                    

Chapter Five

            “BAKIT nandito na naman ito?” taking tanong niya ng pagpasok niya sa tindahan dahil siya ang kailangang tumao ay nandoon na naman ang laptop na isinauli niya kay Heinz. Naka-LBC pa na box.

            “Ay ate may delivery para sa iyo.”

            “I can see that.” Kinuha niya ang cellphone niya at saka denial ang number ni C na mabilis naman nitong sinagot.

            “Yellow?”

            “C, give me your brother’s number dali.”

            “Nagmamadali ganoon? May LQ na kayo agad hind pa man naging kayo nag-aaway na kayo? Aba, maganda iyan ang pag-aaway ang nakakapagbuild up  ng magandang samaha-.”

            “C, as much as I would like to talk to you about nonsense things gusto ko talagang makausap ang kapatid mo.”

            Tumawa ito sa kabilang linya na parang kinikilig, “Okay, may pen and paper ka?”

            “Yup.” C dictates her brother’s number. “Thanks.”

            “You’re wel—ano ba Karylle sabing si Zy nga iyon eh, ha? Ah, yeah-.”

            “C?”

            “Wala iyon Zy, sige may customer pa ako dito tawagan mo lang si kuya.” At nawala na ito sa kabilang linya.

            “Hindi-.” At toot-toooot na ang narinig niya sa kabilang linya. Agad niyang idinial ang number ni Heinrich… after ten rings ay saka naman may nagpick up.

            “Hello?” at kahit hindi na niya ito harapin ay alam niyang boses nito iyon.

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon