Epilogue (SPG)

152K 2.6K 89
                                    

 EPILOGUE

 

           “WELCOME back.” Bati sa kanya ng mga kasamahan niya habang yumayakap sa kanya, two weeks after na magsimulang kuhanin ni Heinz ang loob niya, at natapos na rin ang suspension niya sa sorority. Kung titingnan mo para siyang naiwan sa ere ng masuspend siya pero rules are rules, sa iilang rules na meron sila ay nagawa pa niya iyong kalimutan.

           “Thank you.” Aniya, wala namang hurt feelings sa mga ito dahil alam naman kasi niya na kahit hindi niya ito nakakausap ay tinutulungan siya ng mga ito. Napag-alaman nga niya na totoo ang sinabi ni Colton sa kanya na hinaharangan ng mga ito si Heinz. Sa totoo lang hindi siya galit sa halip ay nagpapasalamat siya kasi at least napatunayan ni Heinz na totoo ang nararamdaman nito sa kanya.

           “So, sinagot mo na si kuya?” tukso ni Crischel sa kanya, umiling lang siya.

           “Not yet.”

           Lumabi ito. “Just like what I thought, kaya pala mukhang tanga iyon na nakatitig sa cellphone niya  ng tingnan ko ay picture mo pala ang nakascreensaver doon.” Gusto niyang matawa sa sinabi nito, hindi niya alam na may ganoong kabaduyan pala si Heinz.

           “Choice niya iyan.”

           “As if naman, nagpapakipot ka lang eh.”

           Ngumiti lang siya sa kaibigan. “Sshhh.”

           “See, alam na alam kung gaano mo ka-like si kuya no. Siya nga ang secret crush mo hindi ba?” mas lalo siyang namula sa sinabi nito, totoo naman kasi iyon. “Kunwari ka pang bibisita sa akin pero gusto mo lang masilayan ang kapatid ko. Nagpapaganda ka pa nga hindi ba?”

           “Uy, hindi ah!”

           “Kaya pala may lipgloss ka sa bag mo noong college tayo samantalang hindi ka naman mahilig sa mga ganoong bagay dati.”

           Mas lalo siyang namula ng makuha na nila ang pansin ng mga kasama nila ang lakas naman kasi ng boses nito. “Masama bang may lipgloss sa bag bigay ni nanay iyon eh, ano, free sa avon.”

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon