Chapter Two

127K 2.6K 138
                                    

Chapter Two

            Napangiti siya ng makilala ang gwapong lalaki na nagwawalis sa labas ng little Devil’s habang may suot ng apron sa may bandang beywang nito. He doesn’t even know how good looking he is, nakasimangot kasi ito at nakakunot ang noon a para bang kalaban nito ang buong mundo.

            “Heinz!” masayang tawag niya sa binata and then he glared at her. “Ang aga-aga nakakunot iyang noo mo sayang ang kagwapuhan mo pare.” At kahit na maliit ang height niya kumpara sa gahiganteng height nito ay nagawa pa rin niya itong akbayan. Tiningnan lang siya nito at saka mabilis na inalis ang mga braso niya.

            “What are you doing here Zyrene Kate?” inis na tanong nito.

            “May namimiss kasi ako.” Nagkunwari siyang malungkot. “Sobrang miss ko na siya at hindi na ako makahinga sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.” Kumunot lang ang noo nito at kung hindi siya nagkakamali ay may nakita siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito. She just can’t comprehend those emotions. Bigla siyang kinabahan, sheyt lang bakit bigla siyang kinabahan? Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Heinz at nilapitan ang cute na cupid statue sa labas ng Little Devils. “Heto si boyfie ko namimiss ko na si boyfie.” Aniya at niyakap ang pobreng statwa. Sinulyapan niya si Heinz, wait--- did she saw disappointment on his eyes? Or is she hallucinating again?

            “Hindi ka papatulan ng statwa ko.”

            “Eh di ikaw nalang.” Napatingin siya sa gilid niya ng mapagtanto kung ano ang sinabi niya. Tumaas naman ang kilay nito.

            “Sorry I am not interested.”

            Umingos lang siya. “Ganyan ka naman eh palagi mong sinasaktan ang kawawa kong puso. Nag-I love you pa naman ako sa iyo kanina pero sineen mo lang ako. Naseenzone mo ako at hindi ako makakapayag!” nagdrama na siya sabay walling.

            “Huwag mong dumihan ang pader ng little devil, tabi diyan.” At tumabi naman siya ng mag-spray ito ng sabon sa pader at pinunasan.

            “Ang OA mo talaga Heinz naku tatanda kang binata niyan kawawa naman si CC. Kaya ka hindi nagkakagirlfriend dahil diyan sa pangit mong ugali.”

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon