Chapter Six

118K 2.5K 205
                                    

Chapter Six

            SHE is busy browsing some information para sa isusulat niyang article, nandito siya ngayon sa Royale dahil nga sa umiiwas muna siya sa mga baliw na kaibigan niya. Magmula kasi noong meeting nila ay hindi na siya tinigilan ng mga ito, tumatahimik kapag nasa malapit lang si Heinz napaghahalataan tuloy dahil sa hindi nga nagsasalita ang mga ito ay nakatitig lang sa kanya. Okay lang sana kung normal na titig kaya lang hindi eh, hindi normal na titig dahil nanunukso ang mga titig ng mga bruhang kaibigan niya. At nasali pa si Hexel na ang lakas mang-asar dahil kahit na wala ang katawan sa Pilipinas ay sumisimple naman.

            Like, kumakain ito ng burger tapos sasabihin nito na ‘masarap pala kapag Heinz ketchup ang palaman’, may isang beses din na kumakain naman ito ng pork and beans, ‘Masarap din ang Heinz pork and beans’. Nakakaasar lang kung hindi lang talaga importante ang meeting ay umalis na talaga siya.

            Nalaman kasi nila kung sino ang nagsulat ng article, hindi isang beteranong writer ang sumulat doon kundi isang college student. Isang college student na nag-aaral din sa Winlhan and right now they are still busy looking for that college student. Hindi nila ito mahuli-huli lalo pa at Malaki ang posibilad na menor de edad pa ang naturang college student.

            “Beshy.” Napalingon siya sa nagsalita, isa magandang babae na may bitbit na laptop ang nakita niya na kinukulit ang isang gwapong binatilyo or binata na may suot ng apron at naka-eyeglass. “Samahan mo muna ako dito I am bored.” Nagpout ang dalagita.

            “I am busy Yzzy.”

            Umungot ang dalagita. “How dare you? How dare you beshy!!!!”

            “I am not your bestfriend.”

            “Beshy naman eh.” Iniwan na ng binatilyo si Yzzy na nakasimangot na talaga, sinundan lang ng tingin ni Yzzy ang beshy nito natawa tuloy siya sa lihim. Narinig niyang bumulong-bulong pa si Yzzy habang nagba-browse din tulad niya.

            “Hi, Miss.” Nagtatype na siya ng may lumapit na lalaki kay Yzzy. “Bakante pa ang upuan na ito?” sinulyapan muna ni Yzzy ang kausap nito kanina na abala na sa pagkuha ng orders ng mga customers, a wicked smile appears on Yzzy’s face and smile sweetly at the young man.

            “Of course it’s vacant bakit gusto mong umupo?”

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon