Chapter Nine-B

104K 2.5K 131
                                    

Chapter Nine-B

            “ANONG balak mo?” nasa hapag kainan siya ng mga oras na iyon at kausap ang nanay niya. It’s Sunday and it’s both her parents day offs from work so she decided to ask them about her decisions. Hindi pa alam ng mga magulang niya ang tungkol sa kanila ni Heinz hindi dahil sa kinakahiya niya si Heinz. She loves him and everyone with eyes who can see them sees her isa lang ang sasabihin and that is she is inlove with him. Ang dahilan kung bakit hindi pa niya pinapaalam sa mga magulang niya ay gusto muna niyang ipakilala sa mga kaibigan niya si Heinz and if they approve saka niya ipapakilala sa mga magulang niya.

            At saka baka mapressure si Heinz kapag ang mga magulang niya ang una nitong makausap. Her parents are too excited about her in a relationship. Baka hindi pa man nakakapagsalita si Heinz ay umatras na ito kapag kasal na ang pinag-uusapan.

            “Zyrene?” untag ng tatay niya she spaced out again.

            “Ay, sorry tay. Ano nga uli iyong sinabi mo?”

            “Ang sabi namin nasa iyo lang ang desisyon kung gusto mo bang magtrabaho doon? Anak, hindi naman sa gusto naming makialam ng tatay mo dahil alam kong masaya ka naman sa ginagawa mo. Pero gusto mo bang hanggang diyan ka nalang? Natatakot kang mag-apply dahil baka hindi ka matanggap pero nasubukan mo bang mag-apply? Dapat siguro harapin mo na ang bagay na kinatatakutan mo hindi ka mag-go-grow kung hindi mo susubukan?”

            “Tama ang nanay mo Zyrene, ayaw naming magsisi ka sa bandang huli dahil sa sinayang mo ang magandang pagkakataon na ito. Subukan mo lang kung hindi mo talaga kaya madali lang namang magresign at bumalik sa dating trabaho mo.”

            Tumango siya, tama naman ang mga magulang niya. AYaw niyang pakain siya sa kanyang sariling takot kaya susubukan niya. Wala namang mawawala sa kanya kapag susubukan niya hindi ba? Mukhang kailangan din niyang makausap si Heinz  tungkol dito hindi ba ganoon naman kapag may boyfriend ka kailangan ding isaalang-alang ang mararamdaman nila.

            Kukunin sana niya ang cellphone niya ng bigla iyong magring, she saw Ainsley’s number. Bihira lang tumawag si Ainsley sa kanya kaya nakapagtatakang tumawag ito. Mabilis niya iyong sinagot.

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon