Chapter One

181K 3K 256
                                    

Chapter One

            “ANAK, ano ka ba namang bata ka dito ka na naman natulog sa tindahan natin? Paano kung may makapasok dito na masamang loob at gahasain ka tapos magkakaanak ka pandagdag gastos na naman iyan.”

            Umungol lang siya ng marinig ang boses ng nanay niya na ke-aga-aga ay sine-sermunan siya. Masakit sa teynga pero mas masakit ang mainit na sikat ng araw.

            “Nay naman eh masakit sa teynga--- arayyy!” hiyaw niya ng pingutin nito ang teynga niya.

            “Ayan, iyan ang literal na masakit sa teynga.” Napakamot nalang siya ng kanyang gulo-gulong buhok na pabara-bara lang niyang itinali ng rubber band. “Anong oras ka bang natulog kagabi?” sinulyapan nito ang nakabukas na netbook niya na naka-on pa rin.

            “Mga alas tres na nay marami kasi akong tinapos dahil deadline na ng pagsubmit ng articles sa mga clients.” Aniya at pupungas-pungas na bumangon. She stretched her sore muscles at tumingin-tingin sa buong paligid. Sa tindahan nga siya nakatulog dahil na rin sa pagod sobrang drained na ng utak niya kaya naisipan niyang umidlip pero nakatulog nga pala siya. “Anong oras na po ba?”

            “Alas sais y media na.” anito at binuksan na ang tindahan nila. Isa lang iyong maliit na sari-sari store, pandagdag din iyon sa kita ng kanilang pamilya.

            “Ako na po dito nay may pasok pa kayo hindi ba?”

            Sinamaan siya nito ng tingin. “Magbihis ka kaya muna ang iksi-iksi niyang suot mo mahiya ka naman diyan sa kuyakot mo.” At kinurot pa siya nito sa singit.

            “Nay naman eh masakit ang skin ko.”

            “Heh! Iyang skin mong binibilad mo sa lahat eh mabuti sana kung may nahumaling kaso biente sais ka na wala ka pa ring asawa. May anak na iyong mga pinsan mong mas mabata sa iyo tapos ikaw tatanda ka bang dalaga?”

            Heto na naman po sila, “Wala pa sa isip ko iyan nay at saka hindi pa kaya tayo tapos bayaran ang mga loans mo.” Nakasimangot na wika niya. Public high school teacher ang nanay niya samantalang pulis naman ang kanyang tatay. Hindi naman sila masyadong naghihirap at hindi din sila iyong sobrang yaman.

            Nag-iisa lang siyang anak pero may inampon silang bata si Butchukoy na itinuring na rin niyang nakakabatang kapatid ten years old na ito at nasa elementary pa.

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon