Chapter Four

109K 2.7K 198
                                    

Chapter Four

            “TAY!” Mabilis niyang naitulak si Heinz na malapit sa kanya at lumapit sa tatay niya upang halikan ito sa pisngi. Sa ngayon ay biglang nablanko ang isip niya hindi naman kasi araw-araw nangyayari na may nakikita itong lalaki sa bahay niya. Patay! Patay na talaga siya kapag iba ang iisipin ang magaling niyang ama medyo frustrated pa naman itong magkaroon siya ng boyfriend. “B-bakit ang aga niyong umuwi?” natatarantang tanong niya.

            Nakakunot ang noong tumingin ito sa kanya. “Bakit? May gagawin ba kayo ng lalaking iyan at natatakot kang masyado akong umaga kung umuwi?”

            “Tay naman eh hindi naman iyon.”

            “May nakalimutan ako.” Muli itong tumingin kay Heinz, tiningnan niya ang hitsura ni Heinz at ang lalaki wala man lang takot na naramdaman samantalang siya ay biglang nakaramdam ng takot para sa kinabukasan nito. “Nakalimutan kong dalhin ang mga bala ng baril ko.”

            “Tatay naman eh.”

            “Ano? Hindi mo ba ako ipapakilala sa bisita mo?”

            Napakamot siya ng ulo sa sinabi nito. “Si -.”

            “Good day Sir, I am Heinrich Chua you may call me Heinz.” Seryosong inabot ni Heinz ang palad nito upang kamayan ang tatay niya.

            “Heinz? Chua?”

            “Kamag-anak mo iyong kaibigan ni Zyrene na si Crischel?”

            “I’m her older brother sir.”

            “Oh, ikaw ba ang kasin-.”

            “Tay, actually may ipinadaan lang si C sa kuya niya along the way lang kasi siya at nagpapaalam na siya ng bigla po kayong dumating. Ihahatid ko lang muna si Heinz sa labas.” Agad niyang hinatak si Heinz sa braso at mabilis na naglakad palabas ng kanilang bahay. Nang nasa malayo na sila ay mabilis niyang binitiwan si Heinz.

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon