Chapter Nine-A

109K 2.5K 212
                                    

Chapter Nine-A

            MABILIS naman niyang narrating ang Little Devil’s, napatingin pa nga siya sa kanyang suot na relo dahil pass twelve na kaya. Pagtapak na pagtapak pa lang niya sa entrance ng Devils ay parang tangang nagsitinginan ang mga staffs nito sa kanya na para bang may ginawa siyang isang masamang bagay.

            “Hello!” bati niya sa mga ito.

            Nagsikuhan ang mga waiters ng café. “Sabihan mo si Sir nandito na si Miss Zyrene.” Ani ng isa sa katabi nito na mabilis namang tumakbo palayo.

            “Anong meron?”

            Sabay-sabay na umiling ang lahat at saka ngumisi lang sa kanya. “Welcome to Little Devil’s po Miss Zyrene.”

            “Thank you.” Ani nalang niya. Biglang dumaan si Crischel pero noong makita siya nito ay para din itong nakakita ng multo at mabilis na tumakbo papasok sa kitchen. Mabilis siyang naglakad papunta sa kitchen upang sana ay kausapin ito pero bigla siyang hinarangan ni Heinz.

            “Wrong way lady come here.” At hinawakan agad nito ang palad niya. Siya naman ay tinitigan lang ang magkahawak nilang mga kamay. Nakasunod lang siya dito hanggang sa makarating sila sa loob ng opisina nito.

            Nagtatakang tinanong niya ang binata. “Anong ipapatikim mo sa akin?”

            Ngumiti lang ito sa kanya tapos ay tinakpan ang kanyang mga mata. “It’s a surprise.” Halata sa boses nito na excited talaga ito kahit siya ay ganoon din naman.

            “Baka madapa ako.”

            “Hindi iyan I will make sure hindi ka madadapa dahil aalalayan kita.” And true to his words inalalayan nga siya nito, nakatakip ang palad nito sa mga mata niya pero nakahawak naman ito sa may balikat niya. “Upo ka.” At kahit sap ag-upo ay alalay na alalay siya nito.

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon