Extra #2: Heinz's red hero

175K 3.5K 211
                                    

Extra #2: Heinz’s red hero

           

            “ARE you sure about this?” tanong ng kaibigan niya sa kanya, sinamaan lang niya ng tingin si Colton ang kanyang kaibigan.

            “Why wouldn’t I?” hinawakan niya ang surf board na gagamitin niya, inayos niya ang kanyang mahabang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Mukhang kailangan na niyang putulin ang mahabang bangs niya.

            “Hindi mo matatalo si Xancho, anak dagat yata ang lalaking iyon.” Tukoy nito sa kaibigan nilang nakikipag-isa na sa dagat habang nakalutang ang surf board nito. Katatapos lang nilang makagraduate ng college and they are having all the fun in the world bago sumabak sa madugong buhay ng reyalidad. Kapag natapos na ang bakasyon nila kailangan na niyang bumalik sa pamamahala ng mga naiwang negosyo n kanyang mga magulang at alagaan ang kanyang nakakabatang kapatid. Kaya ngayon enjoy muna siya.

            “I’ll win this for sure.” Confident na wika niya kahit na first time pa rin niyang makahawak ng surf board. Parang madali lang naman iyon gaya ng nakikita niya sa TV sasakay ka lang naman sa board at ibabalanse ang katawan sa tubig alin ang mahirap doon?

            “Confident dude.” Tumatawang ani nito. He and Colton were college friends, they have the same major. SIya naman at si Xancho ay ganoon din pero iba ang kurso nito, he took marine biology. His other friend, Ashton was out of the country dahil sa personal matters kaya sila lang dalawa ang magkasama.

            Napakunot ang noo niya ng makitang may ibang sinusundan ng tingin si Colton, gusto niyang pagtawanan ito ng may tinitingnan itong babaeng naka-bikini top at swimming shorts. Kahit na hindi ito nakaharap sa kanya ay kitang-kita niyang mas bata ito ng hindi hamak sa kanila. Mahaba ang pulang buhok nito na lampas beywang habang may kausap na hindi niya makita ng maayos dahil malayo ang mga ito.

            “Bata pa iyan.” Untag niya sa kasama niya.

            “Alam ko ang loud kasi ng buhok niya pulang-pula.” Natatawang kinuha nito ang surf board nito. Lumingon uli siya sa babaeng may pulang buhok, totoo ang sinabi ni Colton eye catching ang buhok nito.

            “Iyan ang trip niya sa buhay hayaan mo na.” napapailing nalang siya, ibang-iba na kasi talaga ang mga kabataan ngayon. Sa tingin niya ay kaedad lang ito ni Crischel na kanyang nakababatang kapatid na babae. Kapag nagkataon na naging kaibigan ito ng kapatid niya gagawa siya ng paraan umitim lang ulit ang buhok nito.

            “Hindi pa ba kayo magsusurf?” takang-tanong ni Xancho, napangiwi siya ng may hawak na naman itong isang supot na may lamang isda.        

            “Saan mo na naman nakuha iyan?” tanong niya.

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon