Kamalasan 64

4.3K 137 36
                                    

SUPER LATE UPDATE ALERT. Graduating kasi at busy sa thesis. Pasensya na guys! I love you pa din! FEEL FREE TO COMMENT/VOTE!! 

Kamalasan 64

Almost the end

“Wala na si Ethan. Nakaschedule ng ipapatransplant niya ‘yung puso niya para sa kapatid niya. It was all written in his own documents na nakalagay sa envelope. That he will do everything for Rex. Just incase na walang siyang mahanap na donor.. ang gusto niyang gawin, idonate ‘yung sarili niyang heart. Possible naman daw ‘yun as long as healthy ‘yung magdodonate. At nasa age na ng 18. It was all decided. At wala na talaga kaming magagawa." sabi niya. Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. 

"Nasa kondisyon si Rex ngayon kaya agad siyang tinakbo sa emergency room to start the heart trans--- napakapit ako lalo. Humagugol ako ng todo. Gusto kong marinig na sinasabi niya lang ito para umalis ako. Na nagsisinungaling rin siya katulad ng pagsisinungaling niya kay Ethan. Sa lahat lahat. Ayokong mawala ng Ethan Atienza Garcia sa buhay ko. Mawawalan ako ng kakampi. Mawawalan ako ng kakampi!

Siya na nga lang halos nkakaintindi sa akin eh. Siya na nga lang pinapaliwanagan ko eh. Bakit niya ba kasi kelangang gawin ‘yung mga bagay na ‘yun? Para maging masaya ako para kay Rex? Hindi naman dba? Hindi ako magiging masaya kasi mawawala ang isa sa naging matalik kong kaibgan.

Sa tingin ko gusto niyang maging proud at siya naman ipagmalaki ng tatay niya sa kanya. Pero sino? Sino ang gumawa para mabrain dead siya para dahilang hindi na siya gumising? Hindi ko alam.. Sana nagsisinungaling lang si Mr. Garcia.

“Nagsisinungaling ka!!” sigaw ko pero nagulat ako kasi tinayo niya ako. Hinarap niya ako sa mukha niya at agad na inabot ang sobreng may pangalan ko.

“Take this before you leave. Natagpuan namin sa kotse ni Ethan together with this document during the inspection sa nangyaring krimen.” nabot niya sa akin ‘yung nakaplastic bag na gamit. Sinilip ko. May envelope dun sa loob. Hindi ko alam kung ano ito pero kinuha ko na rin. Tatanungin ko pa sana kung ano ito pero sumagot din naman kaagad. Parang npapansin niyang nagtataka ako kung ano itong binibigay niya sa akin. Kung pera ‘to? Hindi ko tatanggapin. Hindi ako mukhang pera para layuan si Rex dahil binayaran ako. Lalayo naman ako kung gusto ko. Tama na siguro ‘yung mga sakit na ‘to. Tama na siguro muna. Pagod na rin ako na paulit ulit masaktan..

“It is a complicated operation that lasts from four to 10 hours. Marami pa siyang gagawin para makarecover dito. Medications, Immunosuppresants. Biopsy. At mga ibat iba pang gamot. And sana.. lubayan mo na kami. O kami na mismo ang aalis dito sa Pilipinas. We don’t want to see you here anymore, Ms. Rodriguez.” Dagdag ni Mr. Garcia.

 

“I know your son very well, Mr. Garcia. At kung ako ang tatanungin niyo, hindi na ako magtataka at magugulat na ginawa ‘yun ni Ethan. Mabait si Ethan at kaya niyang ibuwis ang buhay niya para sa iba. Ang hindi ko lang matanggap ‘yung nangyari sa kanya. Sino ang bumugbog? Justice. Justice dapat para kay Ethan. Sana naman.. gumawa kayo ng paraan para malaman kung sinong may gawa noon. Kayo lang naman kasi ang hindi nakakapansin sa mga ginagawa niyang mabuti pero pagdating sa mga maling ginawa niya, pansing pansin niyo.”

Naglakad na ako papalayo. Wala ng paalam paalam. Aalis na ako. Wala ng saysay ang pag-uusap namin. Hawak hawak ko ang plastic bag na binigay niya sa akin.Alam ko na ‘yung lahat. Nasasaktan na ko. Nagiging manhid na. Tanga pa. Hindi ko na kaya. Gusto kong magpahinga. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong ibuhos lahat ng galit ko. Sa lugar na ako lang. Sa lugar na alam kong walang tao. Pabayaan naman nila akong umiyak..ng ako lang..

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now