Kamalasan 31.

5.9K 132 20
                                    

Kamalasan 31

Unknown

“B-L-A-C-K PILLARS!! WOOO!!” sigawan ng mga estudyante habang nanunuod ng basketball. Laban kasi ngayon ng Black Pillars, oo nila Ethan tska ng Green Builders. Hindi pa nila nakakalaban yung Blue Brains kaya hindi ko parin nakikita si Rex na naglalaro nang basketball.

  Narinig ko sa mga balita sa tabi-tabi eh hindi naman daw naglaro si Rex nung first game nila kahapon. Pero nanalo yung team nila. Yung hindi ako nakapanuod? Tsk. Black Pillars daw kasi ako!! Inaasar nga ako kanina nung Manong Guard eh. Mukhang ayaw pa akong papasukin kanina dito sa may entrance kasi daw baka nagbibiro lang akong Black Pillars ako. Saksak ko sa baga nya yung shirt kong may napakalaking sulat na Black Pillars!

“Atienza stretches for layup.” bgla akong napatingin. Ang gwapong tingnan ni Ethan. Hindi ko maisip na sya pala yung kaibigang tinulungan ko nung mga nakaraang araw!! Ang hot nya kapag nakajersey sya.

“WOO! ETHAN! KAYA MO YAN BABE! GO LANG!” bglang sigaw ng mga babae sa tabi ko. Tuwing nakakashoot si Ethan, nagsisigawan sila. Kahit nga free throw lang, kala mo nakadunk na kung makasigaw sila. Di ko naman maikakailang ang galing maglaro ni Ethan.

“AHHH WOOO TAE BILIS BILIS!!!” sigaw pa nung isa kong katabi. Ang sarap batukan. Talon sya ng talon at dahil dun hindi ko makita yung score board. Kung hilahin ko kaya yung buhok nito? -_-

“Ms. Excuse me. Hindi—

“WOO! ANG GALING GALING NI!! SHET! ANO BA YAN! ANG SHUNGA MO!!” pero kahit anong tawag ko sa kanya na wag syang malikot at hindi ko makita, hindi nya ako pnapansin. Hindi nya nga ata ako naririnig eh. Para akong hangin na hindi nakikita’t naririnig!!

“MS! EXCUSE NGA! HINDI KO KASI MAKITA.” pangatlong attempt ko nang pagsigaw sa kanya. Nakakabadtrip na kasi. Ayaw pading makinig.

“WOO! PIGILAN NYO YAN SI ATIENZA. LECHE YAN!” And now I know, kalaban pala sya. Hindi namin sya kakampi.

“Atienza punches thru trey.” At bglang nagsigawan na naman yung mga fans ni Ethan. Tumayo ako sa upuan at yun. Nakita ko na nga si Ethan. Wala akong pakialam kung may magalit sakin. Wala rin naman kasing pakialam tong nasa unahan ko! Nababadtrip na ako. -_-

Bglang nagflying kiss sa akin si Ethan. What the heck. Is that for me? At biglang nagtinginan sakin yung mga babae. Pati nga yung nasa unahan ko. Feeling ko gusto nya rin akong sabunutan. Eto na siguro yung chance ko para makaganti.

“GO ETHAN! KAYA MO YAN!! WOOO WOO!” sabay wagayway ko dun sa banner ko. Lamang naman ang Black Pillars. Lamang kami ng dalawa. Masyadong malapit yung laban ng Red Torch at Black Pillars. 4th quarter na pero mahaba pa yung oras. Mga 7 mins pa yung natitira.

“Diamse makes a bucket underneath! And it’s a tie!” at mas lalong nagsigawan yung mga nanunuod pati ako. Mas lalo akong nagsisigaw at feeling ko nababadtrip na talga yung babaeng nasa unahan ko. Ganyan sya kanina kaya wag nya akong pakialamanan!!

Kung sino kasing manalo dito, lalaban sa Championship bukas ng umaga. Ang makakalaban nga yung Blue Brains which is team nila Rex. Kailangang manalo nila Ethan ngayon para makapasok sila at mapanuod ko ang aking labidoo. Yun nga lang, hindi ko alam kung paano ko sya ichecheer! Ngayon nga lang ako nakanuod ng laban nila Ethan. Kahapon kasi hindi ko alam na may laban sila ng alastres ng hapon. Nakalaban nila yung Red Torch. Nanalo rin naman sila. Kung mananalo kami ngayon dito sa green builders, kami yung may pag-asang lumaban kanila Rex na wala pading talo.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now