Kamalasan 12.

6.7K 145 3
                                    

Kamalasan 12

 Nakakahiya ako

Kailangan kong mapaniwala sya na hindi ako boo-brain.

Bumangon na ako at madaling-madali nang naligo, kumain at inayos ang sarili. Sabi ni Yaya para daw ako ni flash sa sobrang bilis. Sabi ko nga bagong buhay na ako simula ngayon. Mag-aaral na akong mabuti. Para sakin rin naman to.

Para hindi na ako boo-brain!

Nakakarindi na ba kakaboo-brain ko?! Malamang. Kasi buong gabi, narindi rin ang utak ko eh! Ang sakit sakit sa tenga ng salitang yun.

Actually, pati sa puso. Masakit din!!

Nagpaalam na ako kay yaya nung umagang yun. Tapos naglakad-lakad na ako. Napadaan na naman ako dun sa may puno sa pagaassume na baka andun na naman si Ethan. Pero buti wala. Kasi palagi nalang akong ndadamay kapag may nangyayari sa kanyang masama! 

Ngayon din nakapost sa school yung mga top students. At katulad nang dati. Walang pnagbago. Walang pinagkaiba.

1.    Rex Garcia. (92. 30)

2.    Dylan Andrei Ocampo (90. 40)

3.    Tricia Denise Alcantara ( 90. 20)

        Yan lang yung napansin kong tatlo. Wala naman akong pakialam sa iba. Grabe ang layo na nang agwat nila Tricia at nung Dylan kay Rex. Samantalang silang dalawa naggigitgitan sa pagiging top 2 and 3. Pero nakakgulat. Natalo nung Dylan si tricia!!

  Pero ang talino talga ng labidoo ko! Hahaha. Walang makakatalo!! Nakipagsiksikan pa ako dito para lang makita yung result ng top nila. Sa amin? Hindi ko alam kung kailan yung bigayan ng card namin. Actually, kinakabahan talga ako.

 Alam nyo namang ngayon lang ako nag-aayos dba? Ngayon pa lang ako nagsisimulang ayusin ang sarili ko para hindi matawag na boo-brain! -_-

 Halos nagkagulo yung estudyante nung nakita nilang papalapit si labidoo para tingnan yung top. Wala na namang emosyon yung mukha nya. Kahit andami daming nagcocongrats sa kanya parang wala naman syang pakialam. Hanggang sa..

“Rex. Congrats.” bglang sabi ni Tricia. Andun din pala sya.

“Bagay talga tayo.” dagdag pa ni Tricia.

Hindi no. Mas bagay kami. Hahahaha. Joke lang. Minsan ang sarap na talgang umepal eh. Pero hindi pa ganon kakapal yung mukha ko para umepal sa kanila.

“Tsk” sagot ni Rex sa kanya. Ang hard talga ng lalaking to pagdating sa mga babae eh no? Hahaha.

Nagulat naman ako kasi may sumulpot na lalaking nakasalamin, maluwag ang pants at parang..

Hmm?

Nerd?

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now