Kamalasan 25.

6.8K 144 11
                                    

Kamalasan 25

Denise 

“Sa group na ‘to, ang magtuturo sa inyo si Mr. Dylan Andrei Ocampo.”  sabi ni Ms. Zhang. Siya yung teacher nmin sa Physics. Pinapunta kami dito sa may library para idiscuss yung mga magtuturo sa amin. Dun sa unang group ‘yung Dylan yung napatapat sa kanila. Dahan-dahan namang pumasok si Dylan na nakayuko. Oo nga, siya yung nerd na nabangga ko noon.

“And then..here.. Dapat si Ms. Tricia Alcantara yung magtuturo sa inyo. But Im sorry. Kaalis lang ni Ms. Tricia. Nagdrop-out siya.” Nagulat kaming lahat. Sino ba naman kasing mageexpect na magdodrop out si Tricia?

Si Tricia? Nagdrop out? Anong reason? Bakit? Paano? Pare-prehas lang ng tanong ang tumaktakbo sa utak naming lahat. Walang makapagsabi kung bakit siya nagdrop out. Wala ring naglakas loob na magtanong kung bakit.

“Oh. Mr. Ethan Atienza. Late ka na naman.” at pumasok si Ethan. Jusmiyo. Halos nagsigawan yung mga babae pagkakita sa kanya. Feeling ko nga lahat ng mga mata ng mga babaeng ‘to sa kanya na nakatingin.

Kanina ko pa siya hinahanap. Akala ko naman niloloko niya lang ako nung nakaraan na kasama siya sa Remedial. ‘Yun pala, late na naman. Bakit nga ba hindi pa ako nasanay diba?

Tumabi siya sa akin. Ang sama sama na naman tuloy ng tingin ng mga babaeng nasa paligid ko. Hello? Nagpapanggap kaming maggirlfriend boyfriend diba? Malamang, dapat lang na magtabi kami.

“Uy, Ethan. Nagdrop out na daw si Tricia?” tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo at tumango sa akin.

“Bakit? Paano?” tanong ko sa kanya.

“I’ll tell you later.” Bulong niya naman sakin. Napatango nalang ako sa kanya.

Hindi ko na narinig kung sinong estudyante ang natapat dun sa second group dahil nakikipagchismisan ako kay Ethan pero nagulat naman talaga ako pagkasabi kung sinong magtuturo samin.

Para akong nafreeze na hindi ko maintindhan. Talaga? Siya? Siya magtuturo samin? Bakit? Paano? Ano? What? Siya talaga? Parang hindi magsink-in sa utak ko yun. Maraming nagsigawan at maraming lumandi.

“So in this group. Expected na dapat magbait kayo. Mr. Rex Garcia will be the one to be your remedial teacher.” Halos magpaulit ulit sa utak ko yung sinabi ni Ms. Zhang kasabay pa yung sitwasyong pumasok si Rex sa library. Syet. Ang gwapo gwapo niya talaga! Feeling ko malalaglag ang puso ko!

“Tulala ka na naman pizzababe.” sabi ni Ethan kaso masyado talaga akong napatulala at napaisip kung anong mangyayari dahil si Rex ang teacher namin.

“So, iwan ko muna kayo. After magpakilala ng mga mentors niyo. Babalik na kayo sa kanya-kanya nyong rooms.” sabi ni Ms. Zhang. Nakakapagtaka kasi medyo marami rin palang bumagsak at magtetake ng remedials. Tatlong rooms ‘yun. Diba? Ang dami. Puro 4th year pa lahat ‘yun.

“So, Im Rex Garcia, your mentor.” Feeling ko sa akin siya nakatingin. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Nawawala na ako sa sarili ko. Hindi ko maimagine. Parang ang saya na ewan. Parang pati puso ko at kaluluwa napapangiti.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα