Kamalasan 61

3.9K 90 2
                                    

Kamalasan 61 

Pinaasa / Umasa/  Nagsakripisyo

"Kung ‘yun lang ang p’wede kong matulong. Bakit hindi diba?”

"Are you sure, Mr. Garcia? Are you willing t--


Biglang bumukas ‘yung pinto. Nakabungad si Ethan dun tapos nagulat siya nung makita ako. Dapat talaga, wala na akong balak pumunta pa nang ospital. Sabi ko dba? Titigil na ako sa katangahang ‘to. Tatlong araw na rin ‘yung nakakalipas simula nang hindi ako pumupunta dito. Kasi nga ayoko. Nagpapahinga muna ako sa pagiging tanga. Mamaya kasi, makalimutan ko na ‘yung pangalan ko.

Pero dahil gusto kong makausap si Ethan at masabi sa kanya na titigil na ko sa kapatid niya at magpapakalayo layo na after graduation eh napapunta ako sa hospital. Pagpunta ko sa kasi sa bahay nila, sabi nung maid, nandito daw siya. Namimiss ko na nga rin si Sha-sha kaso ‘yun nga, wala siya dun. Kasama rin daw ng parents niya.

"Kanina ka pa ba dito? Narinig mo ba ‘yung pinag-uusapan namin sa loob?" tanong ni Ethan sa akin na parang nagaalinlangan. Sa totoo lang, wala nman talaga akong naintindihan sa pinag-uusapan nila kahit may mga ilang parts akong narinig.

“Hindi. Wala akong narinig. Nandito ako kasi may gusto akong sabihin sa iyo, Ethan.” sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang napatingin sa akin at hinawakan ‘yung mukha ko.

“Erah, sinasabi ko sa iyo. Hindi ko pagsisihan ‘yung desisyon ko. Alam kong para ‘to sa ikabubuti ng lahat.” sabay ngumiti siya. Yung ngiting nakakatakot tingnan kasi parang kakaiba. Parang? Ewan! Hindi ko maexplain kung anong ngiti. Parang sa ngiting ‘yun nakatago lahat ng nraramdaman niya. Alam kong may mga doubts siya sa bawat ngiting pinapakita niya.

“Ethan, hindi kita maintindhan.” Yun lang yung sinagot ko sa kanya. Ano ba kasi ‘yung mga pnagsasabi niya? Ang gulo.

“Ethan, na—

“Tara! SM tayo?” sabay yaya niya sa akin. Wala ako sa mood magSM. Kaya lang naman ako nandito para sabihing sumusuko na ako sa lecheng kapatid niya na walang ginawa kundi saktan itong lecheng puso kong nagpapauto sa kanya.

“Sumusuko na ako sa kanya, Ethan.” Agad naman siyang napatingin sa akin. Parang hindi siya makapaniwala.

“Erah. Matagal pa April Fools Day. Magpapasko palang.” sabi niya sa akin. Oo nga, ilang days nalang pasko na. Magiistart na nga mamaya ‘yung simbang gabi pero hindi ko ramdam kasi ang dami kong dala-dalang problema.

“Seryoso ako, Ethan.” Bigla siyang lumapit sa akin.

“Sinasabi mo lang ‘yan kasi nasasakta—

“Oo, alam ko. At sobra-sobra na y—

“Ngayon ka pa ba titigil kung kailan nandiyan na?” wala akong nasagot.

“Tinanong mo ba ang nararamdaman niya?” wala na naman akong masagot. Hindi ko alam ‘yung nararamdaman niya pero pinaalis nya ako.

“Sabi ko sayo eh, wala ka pang alam. Sumusuko ka na.” biglang parang may bumagsak na hollowblocks sa utak ko. Wala pa akong alam? Bumibitaw na ako? Hindi ko alam.

“Ano?! Tara! Gala! Tska mo na isipin ‘yan.” sabay hila niya agad sa akin. Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya. Wala na rin naman kaming pasok. Magpapasko na nga. Marami nang mga batang nakakarindi tuwing gabi at nababadtrip kapag nagpapatawad ako! Tsk.

“Libre mo ba, Ethan?” bigla akong natigilan sa kanya. Wala akong allowance! At kapag libre, go na go naman ako diyan eh. Aalisin ko muna sa utak ko ‘yung mga nakakastressed.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now