Epilogue (Final)

5.1K 136 16
                                    

 EPILOGUE (FINAL)

by cyclonicflash



"Sorry Miss ah. Wild talaga itong aso ng pinsan ko. Ikaw kasi bigla-bigla kang nangyayakap. Ang lakas ng tama mo. Hindi naman kita kilala. Hindi ba sa iyo 'yung papel? Im sorry. Nakita ko kasing Erahlyn 'yung name na nakasulat sa papel. Tapos habang naglalakad ako nakita ko sa folder mo na Era—" at pagkatapos niyang sabhin nun, nawala na ko ng malay.

                                                                                                                   

Nagising nalang ako nung nasa ospital na ako. Naalala ko na naman ang kaepican ko. Nakagat ako nang aso dahil lang sa pagkakaakala ko na sya si Rex. Nagising nalang ako nung nasa ospital na ako. Nandun padin 'yung lalaki pero wala yung aso niya. Shet. Natatrauma na talaga ako.


"Gising ka na pala Miss." sabi nung lalaki. May itsura naman kasi 'yung lalaki eh. Pag nakatalikod nga lang kahawig niya si Rex. Tapos pag nagsalita, medyo kaboses. Nakakainis lang., Ano ka ngayon Erah? Napaamin ka tuloy ngayon na mahal mo pa siya. Napaamin ka tuloy na nakamove on ka na kahit hindi pa.


"Wag kang mag-alala Miss. Wala namang rabies 'yung aso ng pinsan ko. Tska siya na rin 'yung bahala sa lahat ng babayaran. Tinawagan ko na din pala 'yung parents mo para malaman. Susunod nalang daw sila mamaya. Nakita ko kasi sa ID mo 'yung number nila." Tumingin ako sa kanya.


"Leche. Dapat lang. Bakit ba kasi bigla biglang nangangagat 'yung aso niyo ha? Nakakabadtrip naman 'yan eh!" sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya.


"Nakagat din ako niyan nung una eh. Masungit kasi 'yong aso na 'yan. Mata sa amo niya. Masungit rin." That masungit word. May naalala ako bigla. Hays. Ang bitter ko talaga forever.


"Ikaw kasi, bakit mo ba ako niyakap? Close ba tayo?" dagdag niya pa. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya. Pero nakakabadtrip lang kapag naalala ko kung paano humantong sa ganitong pangyayari. Tsk.


"Akala ko kas—


"Akala mo? Hay naku Miss. Nababaliw ka na ata eh. Tska nakuha mo ba 'yung papel? Nakakainis naman kasi. Napag-utusan lang akong ilibot 'tong aso nila. Hindi naman sa akin 'yan eh. Dehado pa tuloy. Tsk. Masyado ba talagang mahalaga 'yung papel na 'yun sa iyo at iniyakan mo pa?" napaisip ako bigla. Isa lang naman 'yung sagot dun. Oo. Mahalaga 'yung papel na 'yun sa buhay ko. Parang isang taon ko nang ipinangalagaan 'yun. Yun nalang 'yung nagiging alaala sa mga nangyayari sa akin na parang panaginip lang.


"Wag kang mag-alala, iniuwi ko na kanina si Chloe." sabi niya sa akin.


"Chloe?" pagtataka ko. Sino naman 'yang Chloe na 'yan?


"Yung aso." sabay tawa niya sa akin.


"Nga pala, Im Ryker Gar—


Hindi pa tapos 'yong pagpapakilala niya ng biglang tumunog 'yong phone niya.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now