Simula

43.2K 603 59
                                    

PUBLISHED UNDER LIB/ PASTRYBUG (Life is Beautiful Publishing Company)

Available in all Precious Pages Book store, National Book store, Pandayan Bookshop (nationwide)

Php 129. 75.

Book 1 out 4 palang po ang napupublished! Thank you so much. Pasensya na rin po. First year ko palang po sinulat 'tong book na ito kaya madami errors! Hahaha.

Simula

Sa buhay ng tao, mayroon talagang ipinanganak na kulang-kulang.

Kulang ng kabilang kamay o kaya naman paa.

Kulang ng mga darili sa kamay o kaya naman paa.

Ang iba naman..

Ipinanganak pero ipinagkait na makita ang kagandahan ng mundo.

Ang iba naman..

Ipinanganak pero ipinagkait ang kalayaang makapaglakad o makapagsalita.

Pero karamihan sa atin, malaya na nga sa lahat.

Kaya nga lang..

Hindi nakikita ang tunay na kahalagahan at kagandahan ng mundo.
Daig pa ata ang mga bulag na gustong gusto makita kung gaano kamagical itong mundo.Daig pa ang bingi na gustong gusto marinig ang hinaing ng bawat isa. At daig pa ang pipi na gustong gusto sabihin ang nararamdaman nila.

Ganyan kabaliktad ang mundo.

Pero ang mas masaklap ay 'yung ipinanganak ka ng buong-buo pero..

MALAS KA.

**

At ako nga pala si Erah. Ang napakagandang dyosang ipinanganak na may balat sa pwet at tinaguriang Reyna ng Kamalas-malasan na sobrang galit na galit sa mga kontrabidang walang ginawa kundi gawing malas o miserable itong mundong kinagagalawan ko. Mga taong walang ginawa kundi umepal sa may buhay nang may buhay.

Dahil sa kwento, panget man o maganda, nakakaadik man o nakakakilig, nakakasuka man o kaaya-aya, hindi mawawalan ng kontrabida at bida na magpapatakbo ng istorya.

Pero sorry sila.

Minalas sila.

Ako ang bida.

Ako ang batas.

Sa akin tatakbo ang istorya.

Copyright © 2014. Cyclonicflash. All rights reserved.

All rights reserved. No part of this story may be used or reproduced in any manner whatsoever without written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical articles and reviews.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now