Kamalasan 44.

5.3K 148 28
                                    

Kamalasan 44

Math Equation

“Ako?” tanong ko. Naninigurado lang. Pero sigurado na ako yung ateng maganda. Tumango naman ‘yung batang cute. Agad naman akong lumabas at pinuntahan siya.

“Ang cute cute mo naman!” sabay sabi ko sa kanya paglapit ko. Kinurot ko na rin ‘yung pisngi niya. Parang marshmallows sa sobrang lambot!!

“Here.” sabay may inabot siya sa aking stuff toy na kulay pink. Ang cute grabe. May kasama pang chocolates!!

“Ano to?” tanong ko sa kanya.

“Im Sha-sha nga po pala. Short for Sharlina.  Grade 1 student po ako dito. Sige po! Bye!” sabay tatakbo na sana siya papalayo pero tinawag ko siya.

“Sha-sha!” sigaw ko sa kanya. Lumingon naman ang batang cute sa akin.

“Sigurado ka bang sa akin ‘to? Wala naman kasing magbibigay sa akin ng ganito.” sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at bumalik.

“Opo. Sa inyo po ‘yan. Sigurado po ako. Tinuro pa nga po kayo—agad naman siyang napatakip ng bibig niya. May iniiwasan siyang sabihin. Ang cute grabe! Gusto ko na siyang iuwi sa bahay namin!!

“Oh? Bakit? Kanino galing to?” pagtatakang tanong ko sa kanya. Pero bigla siyang tumawa. Onting tawa pa cute girl! Iuuwi na talaga kita sa bahay namin!

“He told me na bawal ko daw pong sabihin sa inyo.” sabay nagpout naman siya. Ahh! Ang cute cute cute niya talaga. Mahilig ako sa bata kaya talagang natutuwa ako kapag may nakakausap akong bata lalo na kapag cute.

“Bakit daw? Ako nga pala si Ate E—

“Erah. I already know your name. He told me.” So lalaki pala ‘yung nagpapabigay nito? Hays. Pati ba naman ako may stalker na din? Ganun ba talaga ako kaganda?

“Teka pero bakit ayaw niyang magpakilala?” tanong ko ulit sa kanya. Medyo nakunot na ‘yung noo niya. Siguro naiinis na siya sa sobrang dami ng tanong ko. Nakakacurious naman kasi talaga eh!!

“I don’t know.” sabay tumakbo siya at bumalik ulit sa akin. Ang kulit talaga.

“I think, my kuya likes you.” At feeling ko nafreeze ako pagkasabing-pagkasabi niya nun. Agad naman siyang tumakbo papalayo. At ako? Nakatulala lang hanggang papasok nung room. Para akong nabingi dun sa sinabi nung bata. Si Sha-sha ata ‘yun.

“Uy Erah! Saan galing ‘yan?” biglang kuha sakin ni Jas nung stufftoy na hawak ko. Ang cute nga eh. Kulay pink pa!!

“Saan galing ‘to?” tanong ni Jas sa akin. Napaisip ako. Hindi ko naman talaga alam kung kanino ‘to galing eh.

“Hindi ko nga alam eh. Ayaw nga sabihin nung bata sa akin. Baka daw gusto ako nung kuya niya, sabi niya.” Nanlaki naman ‘yung mata ni Jas pagkasabi ko nun.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now